#27

1.4K 29 2
                                    


#27

A year later, ang operasyon ni Gino ay naganap na. It was a long drive of emotions habang nakatingin ang lahat ng mga taong nagmamahal sa kaniya. Nando'n si Abi. Si Abi na hindi siya kailanman pinabayaan. Pagkatapos ng masalimuot na nangyari sa kanila, mas pinahalagahan ni Abi ang kanilang relasyon. Palagi siyang naro'n sa mga oras na kailangan siya ni Gino. Sa mga oras na nahihirapan siya, hindi siya sumuko kahit na nararamdaman na niya ang pagod. Kaagad kasing pumapasok sa isip niya na si Gino nga, hindi napagod sa kaniya. Si Gino na kahit anong ginawa niya, pinahalagahan at nanatili siyang minahal. Siya pa kaya?

"Everything will be alright," sabi ni Abi habang hawak-hawak ang kamay ni Gino ng oras na iyon. Ilang minuto nalang at magsisimula na ang operasyon.

"Natatakot ako, Abi." Ramdam ni Abi ang takot na sinasabi ni Gino ng oras na iyon. Natatakot siya na baka hind imaging successful ang operasyon. Natatakot siya na baka, may mangyari. Natatakot siya na baka, makalimuntan na siya nito. Hinalikan ni Abi ang kamay ng kaniyang asawa as her tears flowing down in her face.

"Kahit anong mangyari, hinding-hindi ako aalis sa tabi mo. Pangako iyan, Gino." Sabi ni Abi, after that the nurse came in and he told the patient that the operating room is ready at nakaset-up na lahat. Hinatid ni Abi si Gino hanggang sa magsara ang pintuan, walang humpay ang pagtulo ng luha niya ng oras na iyon.

Kaagad siyang dumiretso sa may chapel. Lumuhod siya habang mataimtim na nagdarasal. Ipinagdasal niya ang lahat ng mga kasalanan na nagawa niya sa kaniyang asawa. Alam niya na hindi sapat ang mga ginagawa nito sa kaniyang asawa para mapagtakpan ang mga kababuyan, kahayupan at kawalang-hiyaan na ginawa niya kay Gino.

Hindi niya lang ito sinaktan ng pisikal, kundi pati ang emosyunal na estado nito ay pinagdikdik niya. At bulag na bulag siya ng mga panahon na iyon dahil sa pagkalito sa kaniyang tunay na nararamdaman kay James. Hanggang sa isang araw nagising nalang siya at wala na sa tabi niya ang kaniyang asawa. Nakaramdaman siya ng kakulangan sa kaniyang sarili. Nakaramdaman niya na kung gaano siya kadumi. Na wala siyang ipinagkaiba sa mga babae sa may kalsada na ibinibenta ang kanilang sarili para lang makakuha ng atensyon ng iba. Kakulangan na pinunan naman ng kaniyang asawa. Ni Gino. Si Gino na walang ginawa kundi ang mahalin siya, maging sino man siya.

At mas lalo siyang natakot ng makita niya ito na masaya kasama ang iba. Para bang may kung anong kutsilyong dumidiin sa kaniyang puso ng oras na iyon. At kung ano-ano nang tumatakbo sa isip niya na maaaring ginawa na nang dalawa.

Naging ganid siya. Naging makasarili. Naging makasalanan. Pero, tao lang din siya. Nagkamali. Inaayos ang sarili, at sinusubukang muling maging maayos. Maging mabuti. Maging isang normal.

"Diyos ko, alam kong wala akong karapatang humarap sa inyo. Alam ko Pong makasalanan ako, pero hindi po ang asawa ko."

"Diyos ko, sana po gawan niyo Po ng paraan na maging maayos ang operasyon niya Po."

"Kahit ano pong mangyari, tatanggapin ko Po, pagalingin niyo lang po ang asawa ko." Paulit-ulit na dasal at panalangin ni Abi.

...

Habang naglalakad sa may palengke ay tila para bang may napansin si Pauline na isang pamilyar na mukha. Napalingon nga siya rito ng makita niya ito. Bagama't natatakpan ng iilang mga taong nagdaraan, pero nakakasiguro siyang kilala niya ang taong iyon. Ilang taon na nga ba magmula ng huli silang magkita? Dal'wa o tatlo? Halos hindi na niya matandaan. Hindi man lang siya nakapagpaalam ng maayos rito. Bigla nalang rin kasi itong nawala. Biglang umalis, kasama ng kaniyang asawa. Napabuntong hininga siya at naglakas loob na lapitan ang lalaki at nang makalapit na siya ay dinutdot niya ang balikat nito. Pero hindi siya nito pinansin. Busy parin ito sa pagpili ng isda na gusto niyang bilhin. Muli niya itong dinutdot at sa pangalawang pagkakataon ay hindi parin siya nito pinansin. Nag-init na ang ulo ng dalaga at kinausap na niya ito.

"Hoy!" sabi niya rito, pero parang bingi ang lalaki at para bang wala siyang naririnig.

"Hoy!!!!!!" mahaba-habang "Hoy" na ang sinabi niya pero hindi parin siya nito pinapansin. Hanggang sa iyong tindera na ng mga isda ang nagsabi ng lalaki na tinatawag siya ng babaeng nasa tabi niya. Do'n na siya lumingon at nagkatitigan silanag dal'wa. May kakaibang naramdaman si Pauline ng magtama ang kanilang mga mata. Para bang pumasok sa kaniyang kaloob-looban ang init ng taglay ng titig ng lalaki sa kaniya. Ang itim na mga mata nito, ang nagbibigay apoy sa kaniyang kaloob-looban. Hindi niya mawari kung anong nangyari sa kaniya na para bang sinapian siya ng kung anong espirituo at natameme siya ng minutong iyon.

"Yes?" tanging reak ng lalaki sa kaniya. Sa tono ng boses na para bang nagtataka.

Kumunot ang noo ni Pauline at nagtaka. Hindi na ba siya kilala nito? Kaagad niyang pinansin ang kaniyang sarili. Umikli lang naman ang buhok niya. Medyo kumapal ang kilay dahil kilay is life. Nagkalaman? Oo, medyo nag-gain siya ng weight, pero hindi naman iyong pang-obese na level, pero sa tingin niya wala naman nag-iba sa kaniya. Kaya nagtataka siya kung bakit hindi siya matandaan ng lalaki?

"Yes mo mukha mo!" sabi nito sa lalaki. Inirapan lang siya nito at muling tumalikod at naglakad. Laking gulat ni Pauline na hindi siya nito pinansin. Ang galing! May pa-walkout walkout na siyang nalalaman ngayon! Sabi niya sa kaniyang isip. Hanggang sa humigop siya ng malalim na hininga at hinabol ang binata kaso masyadong madulas ang kaniyang nilalakaran at sa kaniyang paghabol rito ay nadulas siya at napayakap sa likuran ng lalaki at napalingon naman ito sa kaniya ng minutong iyon dahilan para masalo niya ito at kapwa silang dal'wa na nahulog sa basa-basang sahig ng palengke. Habang nakahawak ang dal'wang kamay ng lalaki sa malaking suso ni Pauline.

Nang una hindi niya napansin na nakadakot pala ang kamay ng lalaki sa kanyang suso. Hanggang sa mapansin niyang pinagtitinginan na sila ng mga tao dahil nakadamba parin siya sa katawan ng lalaki na siyang sumalo sa kaniya at do'n na niya napansin ang kamay nito na nakadikit sa kaniyang dibdib. Sa sobrang gulat ay malakas niyang nasampal sa mukha ang lalaki at nanlaki ang mga mata ng lalaki sa ginawa ng babae sa kaniya.

Kaagad na tumayo si Pauline at pinaghahampas niya bitbit niyang bag ang lalaki. Habang pilit niharahangan ng lalaki ng kaniyang kamayang bawat hampas ni Pauline sa kaniya. Hanggang sa may mga lalaki ng tumulong sa kaniya at tinanong kung binabastos ba siya ng lalaking nakasalampak parin sa basang sahig ng minutong iyon.

"Binabastos ka ba ng lalaking iyan?" tanong ng lalaking mukhang goon sa isang action star na pelikula. May mahabang buhok. Punit na sleeves. Rip jeans. Pumuputok na braso sa laki ng musles at may habang bigote. Certified goons nga!

"Oo!" mabilis na sagot ni Pauline akmang sasapukin na sana ng lalaking mukhang goons ang lalaki kilala ni Pauline kaso bigla siyang humarang at siya itong nasapak ng lalaking goons, dahilan para mawalan siyang malay.

The Battered HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon