#26

1.4K 36 34
                                    


#26

Magkatabi kami ni Abi, pero ibang tao ang pumapasok sa isip ko. Si Pauline.

Pagkatapos naming umalis sa isla nila ay hindi na kami nagkaroon pa ng pagkakataong makapag-usap ni Pauline. Tatlong buwan na ang lumipas at masasabi ko na okay na ulit ang relasyon namin ni Abi. Para bang walang nangyari. Mas marami na kaming oras ngayon sa isa't-isa. Masasabi ko na bumawi talaga si Abi. Bumawi siya sa mga panahon na hindi kami magkasama at masasabi ko na malaki ang pinagbago niya. Hindi ko alam kung anong nangyari pagkatapos kong umalis sa bahay, habang iniwan ko silang dal'wa sa kwarto at biglang nagbago ang ihip ng hangin at tila natauhan na siya sa nangyari. Hindi ko narin pa sinubukang itanong sa kaniya, okay na ako na ganito kami, masaya. Masaya kaming dal'wa. Pero, bakit parang may kulang?

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko at parating sumasagi sa isip si Pauline.

Kamusta na kaya siya?

Ano na kayang nangyari sa kaniya?

Kumain na kaya siya?

Naligo?

Kung masaya ba siya?

Gusto ko siyang makita.

Gusto ko siyang kamustahin, pero hindi pwede. Ayaw kong magalit si Abi. Alam kong magagalit siya kapag inopen ko iyong ideya na gusto kong makita si Pauline. Hays, sana okay lang siya.

"Gising ka na pala," naalimpungatan si Abi ng minutong iyon at napansin niya gising na ako.

"Kakagising ko lang din," tipid kong sagot sabay halik sa kaniyang noo.

"Gutom ka na ba, anong gusto mong iluto ko?" hindi talaga ako sanay na ganito siya, pero masaya ako na kasali na ako sa mga plano niya sa buhay.

"Ikaw nang bahala," tugon ko. Tumayo siya at naglakad palayo sa kama, hanggang sa marating na niya ang pintuan ng kwarto namin at tuluyan ng lumabas. Napabuntong hininga ako. Malalim. Para bang ang sikip-sikip ng dibdib ko. Pinukpok ko ito ng ilang beses ngunit tila para bang mas lalo itong sumasakit. Kumikirot. Na para bang may kung anong karayom na tumutusok sa puso ko. Maya-maya ay bigla namang sumunod na sumakit ang ulo ko. Para bang mabibiyak sa sobrang sakit. Kinalma ko ang sarili ko, dahil unti-unti ng dumidilim ang paningin ko. Sinubukan kong tawagin ang pangalan ni Abi. Pero, walang tumutugon sa sigaw ko. Hindi ko nga sigurado kung sigaw nga ba iyong ginagawa ko, dahil maski iyong pagsigaw ko ay unti-unti ng lumalabo.

Hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.

...

Sa muling pagdilat ko, nasa loob na ako ng hospital. At napansin ko ang swero nakakabit sa kamay ko at si Abi na nakatulog na sa bandang paanan ko. Maya-maya ay bigla siyang nagising. Nagkamot ng mga mata at nagulat ng makita akong dilat. Halos hindi maintindihan o hindi alam ni Abi ang gagawin ng minutong iyon, kaya kaagad niyang tinawag ang doctor. Habang inaantay na dumating ang doctor ay napansin kong tila para bang paiyak na si Abi, hindi man niya ipinapakita, pero napapansin koi to sa kaniyang mga mata. Anomang minuto ay babagsak na ang luha niya.

"Kumalma ka nga, okay na ako." Mahina at dahan-dahan kong sabi sa kaniya. Sinubukan ko pang abutin ang kamay niya pero nahihirapan ako. Napakagat labi pa siya at para bang pinipigilan lang niya ang sarili niyang hindi maluha. Lumapit siya sa akin at paluhod na kinusap ako, habang hawak-hawak ng dalawa niyang kamay ang kanang kamay ko na kung saan kinabitan ng swero.

"Gino, alam kong marami akong kasalanang nagawa sa iyo." Do'n ay bumigay na siya. Tumulo na ang luha niya.

"B-bakit ka umiiyak?" pagtataka ko.

"Sorry. Alam kong hindi sapat ang salitang iyon, pero gusto kong sabihin sa iyo na pinagsisisihan ko na ang lahat ng mga ginawa ko sa iyo," at tuloy-tuloy ng bumuhos ang luha sa kaniyang mga mata.

"Abi, hindi ko maintindihan," naguguluhang sabi ko.

"Gino, sorry talaga." Dagdag pa niya. Hanggang sa pumasok na ang doctor na tila may hawak na folder at pamilyar ako sa bitbit niyang iyon. Iyon ang mga previous medical files ko at dahil nakita ko rin ang apelyedi ko roon.

Napatingin si Abi sa doctor na pumasok at mababakas sa mukha niya ang takot at pangamba. Hindi ko maintindihan, bakit gano'n siya kumilos? May malala ba akong karamdaman? Mamamatay na ba ako?

"Mister Hernandez," base sa boses ng doctor, mararamdaman mo ng mayro'n siyang hindi magandang sasabihin. Kung paano pabalik-balik ang adam's apple niya ay masasabi mong mabigat ang kaniyang ilalahad.

"We're sorry to say that, base sa laboratories at MRI mayro'n po kayong Brain Tumor. Kailangan niyo pong mag-undergo ng biopsy at ilan pang mga examinations, para malaman natin kung malignant ba ang Tumor niyo o Benign."

Bawat salitang sinasabi niya ay tumutusok sa puso ko.

Ito na ba ang katapusan ko?

Brain tumor.

....

AUTHOR'S NOTE!

Gusto ko munang magpasalamat sa mga walang sawang magcomment sa kwento kong ito. Sobrang natutuwa ako sa mga kumento niyo. Whether maganda man ito o hindi. Nakakatawa na kung paano kayo naapektuhan ng karakter ko, lalong-lalo na sa karakter ni Abi at sa pagkakatanga ni Gino.

Gusto ko lang sabihin na natutuwa talaga ako, nakakainspire tuloy na ipagpatuloy pa ito. 

Enjoy reading :)


The Battered HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon