Epilogue

4K 52 22
                                    


Epilogue

Gino's POV

"Sir, kamusta po ang asawa ko?" nag-aalalang tanong ko sa doctor na tumingin kay Abi. Hinawakan niya ang braso ko, kaagad akong kinabahan sa gesture niya palang na iyon. Napalunok ako ng laway, at inihanda ang sarili ko sa susunod niyang sasabihin. "Sir, Kailangan na po namin ng desisyon niyo." Sa pagbuka palang ng bibig niya, alam kong may hindi magandang nangyayari sa loob ng operating room. "A-ano po?" naguguluhang tanong ko sa kaniya. "Your wife is in the critical condition. Kailangan na po namin ng desisyon niyo, if sino sa dal'wa ang kailangan naming i-save." Kailangan ko ba talagang mamili? "Doc. Do something about it. H-hindi ba pwedeng silang dal'wa ang iligtas ninyo?" naluluhang sabi ko sa doctor na kausap ko. "Sir., as I've said, your wife is in-danger, giving birth to your baby, and you only have to saved one," napailing ako, tila nanhina ang tuhod ko. Nahihirapan din akong makahinga ng minutong iyon.

Maya-maya ay biglang dumating si Pauline. Panay ang hingi niya ng tawad sa nangyari, pero para akong bingi at parang wala akong naririnig sa mga sinasabi niya. Hanggang sa muli kong narinig iyong boses ng asawa ko. Napatingin ako sa nurse na lumabas mula sa kwarto.

"Doc., nahihirapan na po ang pasyente." Nag-aalalang wika ng nurse sa doctor. Napatingin ang doctor sa akin.

"Sir., hindi naman po sa nagmamadali ako, pero nasa bingit na po kamatayan ang asawa niyo, kailangan na po namin ng desisyon niyo." Sabi niya sa akin, napatingin ako kay Pauline, tapos napakagat siya ng labi habang patuloy ang pagtulo ng luha nito, saka tumango, wari'y nagsasabi na kailangan ko na talagang mamili. Muli akong tumayo, at kinuha ko ang ballpen na inabot sa akin ng Doctor at saka ako pumirma ng waiver. Pagkatapos ay muli na silang pumasok sa loob ng operating room, tapos bumuhos ang luha sa aking mga mata.

...

48 hours later.

Naramdaman kong may kumakalabit sa balikat ko, iangat ko ang ulo ko ay napansin kong dumilat na pala si Abi. Sa sobrang tuwa ko ay napatayo ako't kaagad ko siyang niyakap at muli na naman akong napaluha. Hinalikan ko siya sa noo at saka ako humingi ng tawad. Tapos napaangat siya ng ulo, tila naguguluhan kung bakit ako humihingi ng tawad sa kaniya. Tapos, hinanap niya ang anak namin. Hinawakan ko siya sa kamay. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kaniyang kamay.

"Gino, nasaan ang anak natin?" inihanda ko na ang sarili ko sa lahat ng sasabihin niya, pero akala ko kaya ko na. Sa lahat ng bagay na maaaring mangyari, ito ang pinaka-ayaw kong makita. Ang nasasaktan siya. Ang umiiyak siya.

"Gino, please tell me, what happened?" nagsimula ng tumulo ang luha sa gilid ng kaniyang kanang mata. Malalaki ang butil nito, hanggang sa unti-unting namula at naghumikbi ng sunod-sunod.

Napailing nalang ako't natahimik. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya nang hindi siya nasasaktan.

"Gino, please!" pagmamakaawa pa niya.

Saka ako huminga ng malalim at niyakap siya nang mahigpit.

"I choose you." Sabi ko sa kaniya. Tapos bigla niya akong tinulak, mahina man ang pagkakatulak niya sa akin alam kong kahit mahina pa siya ng oras na iyon ay ibinigay niya para lang makalayo ako sa kaniya kahit papaano. Para maiparamdam niya sa akin ang galit niya. Ang panghihinayang niya.

"B-bakit, bakit hindi siya ang pinili mo?" sunod-sunod na ang pagpatak ng luha ni Abi, and I can't help myself to see her like that. It's killing me.

The Battered HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon