#5

2K 52 11
                                    

#5

Jameson Soler.

Ang dating kasintahan ni Abi. Ang lalaking hinding hindi ko kayang labanan dahil, mula pa man noon ay may puwang na ito sa kaniyang puso. Hindi na ako magtataka na ang lalaking nakita ko sa loob ng office niya ay siya.

"Oh, bakit para ka namang nabagsakan ng langit niyan?" sabi sa akin ni Pauline.

"Hindi ka man lang ba nangangamba na may ibang kalantari iyong asawa mo?" saka siya umiling. Kakaiba talaga ang babaeng ito.

"Kasi hindi ko naman siya mahal," simpleng sagot niya.

"Huh? Pinakasalan mo tapos hindi mo mahal?" pagtataka ko.

"Opps! Let me correct you there, siya ang nagyayang pakasalan ako. Siya ang nagmakaawang pakasalan ako, and besides kahit na gwapo siya, alam mo iyon? Walang sparks." naguguluhan ako sa mga pinagsasabi niya. Mas lalong sumasakit ang ulo ko.

"Nalilito ako," sabi ko.

"Faked Marriage!" sagot niya.

"What? Uso pa ba iyon?" tanong ko.

"Well, look at me now! I'm the living proof na, it is still exist. And besides, nagawa ko lang naman iyon dahil, alam mo na, gipit days!"

Pinakasalan niya si James dahil sa mga panahon na iyon ay kailangan na kailangan niya ng pera.

Mayroong malubhang karamdaman raw ang Lolo ni James at ang tanging hiling lang raw nito ay makita ang kaniyang apo na ikakasal at lumagay sa tahimik. Inaasahan nga raw ng kaniyang lolo na si Abi ang makakatuluyan nito kaya nga raw laking gulat na ang masayahing si Pauline ang ipinakilala ni James sa kaniyang mahal na lolo.

"Oh, please don't judge me okay? Walang nangyari sa amin ni James, kahit na putok na putok ang abs niya, hindi ko pinagalaw ang mahiwagang pechay ko sa kaniya, okay?" kahit na wala naman akong sinabi, napaka-advance naman talaga nito magisip.

"Pero, kahit na gano'n thankful parin ako kasi ang laki ng naitulong ni James sa pamilya ko. Sa operasyon ng Mama ko, kaso nawala rin siya sa amin." ngayon ko lang siya nakitang malungkot. Mula kanina hanggang sa mga oras na ito, palagi siyang masaya, ngunit sa likod pala nito ay may kalungkutan parin siyang naitatago.

" Anyway, sabi mo tutulungan mo ako? Bakit mo nga ulit ako tutulungan?" tanong ko.

"Kasi gusto ko ng itama ang lahat." sabi niya.

"Kasi, nagugustuhan ko na siya."

"Kasi sa tingin ko, mahal ko na siya, pero hindi parin pala siya nakakamove on sa nakaraan niya."

The Battered HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon