#8

1.8K 42 17
                                    


#8

"Gino?"

After Abi left my phone beep, kinuha ko ito sa loob ng bulsa ko and I slide it upward para makita iyong mensahe at kung sino ang nagtext. Some unregistered number text me ng pangalan ko with question mark.

"Who are you?" I replied.

"Pauline beautiful!" sagot niya. How the world she got my number?

"Oh, siguro inisip mo na stalker ako? No! Pagkatapos mong magpaalam na gagamit ka ng banyo, kinuha ko ang number mo, naiwan mo kasing nakabukas."

"Ang weird mo!" reply ko.

"Magandang weird." Sagot niya.

"Sorry nga pala, at nabasa ko ang ite-text mo sana kay Abi. "Love, I love you Happy 3rd year anniversary! Ang tanga mo rin e no?" kumunot ang noo ko sa text niyang iyon.

"Mahal ko e," sagot ko.

"Mahal ka ba?" mabilis na reply niya.

Bigla ko siyang tinawagan.

"Opppss! Someone is calling! Oh, there, hello! Welcome to my life, este! Kamusta?" kung mangamusta naman ito, parang hindi kami magkasama kanina? Baliw talaga!

"Pwede bang magseryoso ka naman?" sabi ko sa kaniya.

"Uy, seryoso ako sa kaniya. Ewan ko lang siya sa akin. Anyway, bakit parang ang seryoso mo naman ata?"

"Seryoso talaga akong tao!" sarkastiko kong sagot sa kaniya.

"Binibiro ka lang naman, ito naman, napaka! Hulaan ko, nagwalk out ang asawa mo no?" b-bakit ba ang galing niyang manghula?

"Mangkukulam ka ba?"

"Hoy, grabe! Kapag taga-siquijor mangkukulam kaagad?" nanlaki ang mga mata ko't nagulat sa nalaman ko. Ibig bang sabihin, totoong mangkukulam siya?"

"Joke lang! Hahaha! Gusting-gusto ko talaga iyong reaksyon ng mukha mo kapag nagugulat ka. Tapos namumula iyong tenga mo't pisngi? Ang cute!"

"Baliw!" sabi ko. Akala ko totoo na.

"So, umalis nga ang asawa mo? Kasi si James, iniwan din ako. Well, sanay na rin naman akong iwan ng mokong na iyon. Pero, iba ngayon. Para bang nagmamadali siya. Para bang may hinahabol na hindi ko maintindihan." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Nasaan ka ngayon?" tanong ko sa kaniya, habang nagmamadali akong kunin iyong susi ng kotse na nakalagay sa coffee table sa may living area.

"W-what? Bakit parang nagkakandahulog ang mga gamit diyan sa bahay niyo?" tanong niya sa akin.

"Nasaan ka ngayon!" pag-uulit ko pa sa kaniya.

"Uhm, nandito sa may makati, why? O-oh! Don't tell me..."

"Give me your damn exact address, okay?" sabi ko sa kaniya pagkatapos ay binaba ko na ang tawag.

...

"Oh, wala namang James na sumipot. Sabi ko sa iyo, baka nasa loob na niyan." Sabi pa ni Pauline sa akin. \

Magkasama na kami sa loob ng kotse at nasa harapan kami ng bahay ng Mommy ni Abi. Hindi kalayuan sa pinaradahan namin ay kitang-kita namin si Abi na umiiyak habang yakap-yakap ng kaniyang Ina.

"Ang galing na artista ni Ate!" palakpak pang sabi ni Pauline kay Abi.

"Asawa ko iyan, okay?" sabi ko sabay titig ng masama sa kaniya.

"Okay!"

"Pero, hindi talaga totoo iyong mga iyak niya. Something is really wrong," sabi pa ni Pauline.

"Ano bang problema mo sa asawa ko?" sabi ko kay Pauline.

"W-wait, bakit mo ba ako pinagtataasan ng boses? At anong tinatanong mo? Ang problema ko sa asawa mo? Malandi iyan asawa mo, inagawa lang naman niya ang asawa ko." Sabi pa ni Pauline sa akin.

"Asawa lang kayo sa papel, okay? Hindi ka mahal ni James, magkaiba iyon."

"Ang sakit mo naman magsalita! B-bakit, mahal ka rin ba ni Abi?" napahinto ako. Hindi kaagad ako nakakibo.

"See? Natameme ka no? Kasi, naguguluhan ka! You question yourself. Am I not enough? Bakit ito nagawa sa akin ni Abi? Si Abi na napaka-perfect! Si Abi na walang ginawa kundi ang magbigay ng kaligayahan at inpirasyon sa akin para mabuhay. Si Abi na..."

"Stop!" sumigaw ako sa loob ng kotse at maya-maya bigla nalang bumuhos ang luha sa dalawa kong pagod na pagod ng mga mata.

"Tang-ina!" bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse pero piniglan ako ni Pauline.

"O-oh, anong gagawin mo?"

"Kakausapin ko lang si Abi," umiiyak na ako ng minutong iyon, pero para bang nanghihina ang braso ko't hindi ko ito makontrol ng maayos.

"Sa ganyang estado mo? No! Sinasabi ko sa iyo na mas lalo ka lang iiwasan ni Abi niyan." Wala na akong nagawa. Kundi ang paghahampasin ang manuebela at magsisigaw sa loob ng kotse hanggang sa mapagod ako't masaktan.

"Okay ka na? Nailabas mo na? Tara, inuman na!" sabi ni Pauline.

The Battered HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon