#2

3.1K 52 14
                                    


#2

Blind fold.

Tinakpan ni Abi ang mga mata ko gamit ang isang panyo. Pagkalipas ng tatlong araw ay lubusan ng bumalik ang lakas ko. Nakabalik na rin ako sa trabaho pero mas minabuti ng boss ko na magleave muna raw ako at para makasama ko naman raw ang asawa ko at magkaroon kami ng quality time. Nagtataka rin ako na biglang nagkaroon ng oras si Abi sa akin. Nagleave rin siya sa trabaho niya at ngayon nga ay nasa Tagaytay Prime Residence kami naka-check-in para sa sinasabing supresa sa akin ni Abi.

Kasalukuyang inaalalayan ako ni Abi paakyat ng hagdan dahil nga nakatapik ang mga mata ko ng oras na iyon. Alas otso na nang gabi at halos kakarating lang din namin sa room namin nang sinabihan nga ako ni Abi na kailangan ko raw takpan ang mga mata ko. Sumunod naman ako at ito na nga ang nangyari. Muntikan pa akong madapa sa ikalawang paghakbang ko dahil wala talaga akong makita, mabuti nalang at kaagad akong nasalo't naalalayan ni Abi, hanggang sa makaramdam na ako ng malamig na simoy ng hangin. Malakas ang pakiramdam ko na nasa roofdeck kami ng building na iyon. At maya-maya pa ay pinuwesto ako ni Abi, naramdaman kong bumitaw siya sa pagkakahawak niya sa akin at narinig ko nalang na sinabi niya na tanggalin ko na raw iyong panyo. At nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.

Bumilis ang tibok ng puso ko at tila para bang naluluha ako ng minutong iyon. Hindi ako makapagsalita, at nanginginig ang tuhod ko. Kaagad na lumapit si Abi sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Hinalikan ako sa labi at saka siya nagsalita.

"Happy 3rd anniversary, Love." Bati pa niya sa akin. Kumunot ang noo ko ng minutong iyon. Anniversary? E, sa susunod pa na araw iyong anniversary namin. Nakapag-booked na nga ako sa isang restaurant para do'n kami mag-dinner after ng trabaho niya.

"Love, h-hindi ba bukas pa iyon?" sabi ko tapos niyakap niya ako patalikod. Nilock niya ang dal'wa niyang kamay sa bisig ko.

"Alam ko, inadvance ko lang." sagot niya sa akin.

Muli kong pinagmasdan ang surpresa sa akin ni Abi. Marahil ito iyong mga pinagkakaabalahan niya nitong mga nakaraang araw. Mayro'ng projector na kung saan may nakaabang na palabas mula sa Netflix. Mayro'ng popcorn sa gitna na nakalagay sa maliit na table. Mayro'n din inumin at iba't-ibang klaseng pagkain. Ganito ang pangarap kong gawin namin ni Abi. Ang manood ng mga palabas, mga romantic movies sa ilalim ng mga nagkikislapang mga bituin.

"Ready ka na ba?" tanong niya sa akin. Hinila na niya ang kamay ko at sabay kaming umupo sa beach couch at tinanong niya ako kung anong gusto kong panooring movie sa Netflix. Sabi ko kahit ano. Siya nalang ang pinapili ko. At naghanap siya ng palabas na panonoorin naming dal'wa. When we first met ang unang pinili ni Abi. Starring, Adam Devine, Alexandra Daddario, at Robbie Amell.

Noah meets Avery at a Halloween party and falls in love but gets friend-zoned. 3 years later she's engaged to someone else. Noah uses the photo booth time machine several times to return and fix things. Will it work or...? ito ang plot ng kwento. Maganda ang kwento, nag-enjoy naman akong panoorin ito. Pero siyempre, mas nag-enjoy ako na kasama ko ang pinaka-mamahal kong asawa. Masarap talaga sa pakiramdam iyong parang simple lang ang lahat. Iyong walang kumplikado. Iyong kahit na kayong dal'wa lang ang magkasama? Kahit na nga wala kayong ginagawa, basta magkasama lang kayo at nagmamahalan? Iyon ang tunay na pagmamahal.

Hanggang sa, tumayo si Abi dahil kailangan raw niyang sagutin ang tawag ng kaniyang boss. Medyo malayo siya sa kinaroroonan namin, marahil sa lakas na rin siguro ng tunog ng pinapanonood naming dal'wa. Napansin ko na para bang nakikipagtalo siya rito. Muling bumalik sa isipan ko iyong lalaking nakita ko sa opisina niya. Hindi kaya iyon ang kausap ngayon ni Abi?

Pagkalipas lang ng ilang minuto ay bumalik si Abi. Nakangiti siya ng bumalik sa pwesto, pero ramdam ko ang inis sa kaniyang aura.

"Trabaho na naman ba?" tanong ko sa kaniya.

"Love, sorry. Ayaw ko sanang masira ang araw na ito, pero kailangan kong bumalik sa opisina ngayon. Pinapabalik ako ni Sir Alfie dahil kailangan na naming ifinalized iyong presentation para bukas." Malungkot na sabi niya sa akin.

"It's okay. Naiintindihan ko, Love." Sabi ko sabay himas sa kaniyang kanang kamay ng minutong iyon.

"P-paano ka? Gusto mo bang ihatid muna kita sa bahay bago ako bumalik sa office?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

"No! I'm okay. Dito nalang muna ako. Siguro, bukas na ako nagche-check out. Sayang naman kasi iyong room na nireserve mo," paliwanag ko. Bumuntong hininga siya ng malalim.

"Sorry talaga, Love." Niyakap pa niya ako ng mahigpit. Tinapik ko ang balikat niya at saka ko hinalikan ang buhok niya.

"It's okay. I understand. Sige na, mag-ayos ka na baka magalit pa iyong boss mo sa iyo at hindi niyo pa mahabol iyong deadline ng presentation niyo." Sabi ko.

"Thank you so much, Love. Sobrang saya ko na ikaw ang asawa ko, sobrang nakapa-understanding mo. Kaya mahal na mahal kita, e." sabay halik pa nito sa pisngi ko sabay tayo at kumaripas ng takbo pababa ng roofdeck.

Habang ako, napatingala nalang sa kalangitan at dahan-dahan kong ipinkita ang aking mga mata, mataimtim na nanalangin na sana, hindi siya nagsisinungaling sa akin. Na sana hindi niya ginagawang dahilan iyong trabaho niya para makasama iyong lalaking iyon. Dahil, sobrang masasaktan talaga ako at hindi ko na ang alam ang gagawin ko, kung mangyayari nga iyon.

The Battered HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon