#30

1.4K 27 6
                                    

#30

Nasa isang café si Pauline dahil mayro'n itong ka-meeting kaso nacancel, dahil may emergency ang kaniyang ka-meeting, kaya imbis na masayang ang araw ay umorder nalang din siya ng kape at nag-stay ng ilang minuto. Habang si Gino naman ay inutusan ni Abi na bumili ng brewed coffee.

"Good morning po, welcome to Coffee machine!" bati ng babaeng kahera kay Pauline.

"Ate Paorder nga po ng brewed coffee, iyong grande." Sabi nito.

"For dine-in po?" tanong ng kahera sa kaniya.

"Dine-in po." Tugon nito.

"110 php po lahat." Sabi ng kahera sa kaniya. Kinuha niya ang kaniyang wallet sa loob ng bag ngunit wala siyang madukot.

"Ate, wait lang ah? Nandito lang iyon sa loob e." sabi niya na natataranta na.

Muli niyang binuklat ang laman ng slingbag niya pero wala talaga iyong wallet niya, hanggang sa naalala niya na, baka naiwan ito sa loob ng bag.

"Ate, pwede bang balikan ko nalang, naiwan ko kasi sa loob ng kotse iyong wallet ko. Promise, babalik ako!" nagtaas pa siya at nangako sa kahera na babalikan niya iyong inorder niya, natatawa nalang iyong kahera kasi mukhang natataranta na talaga siya.

"Ate, ako na ang magbabayad ng bill niya," sabi ni Gino sabay abot ng 500 pesos. Napalingon si Pauline sa lalaking nag-abot ng limang daan sa kahera. At napataas ang kaniyang kilay ng makita niya na si Gino pala ito.

"Ate, h'wag mong tanggapin niyan, please." Sabi niya sa kahera, iyong kahera tuloy nastock at hawak-hawak iyong limang daan pesos habang nakatingin kay Pauline.

"Please, tanggapin mo na. Ang haba na ng pila oh," sabi pa ni Gino sabay turo sa haba ng pila ng minutong iyon. Hindi napansin ni Pauline na mahaba na nga pala talaga ang pila at ang sasama na nang mga tingin ng mga ibang customers sa kaniya. Napabuntong hininga siya at tumango na lamang ng minutong iyon.

"One Brewed Coffee Grande by Miss Pauline!" sabi ng server. Pumunta si Pauline at itinaas ang kaniyang kamay.

"Miss iyong receipt po nila?" tanong ng server sa kaniya.

"A-ah?" sabay napatingin kay Gino. Napabuntong hininga siya ng malalim. Para bang mas lalong nasira ang araw niya dahil sa pagdating ng lalaking ito.

"Miss, ito na po iyong resibo niya," sabi ni Gino sabay abot doon sa server, pagkatapos tignan ay inabot na ang order ni Pauline sa kaniya.

"Enjoy po!" sabi pa sa kaniya, pero inirapan niya lang ito.

"Alone?" napakunot si Pauline sa tanong ni Gino sa kaniya.

"Close ba tayo, bakit mo ako kinakausap?" taas kilay na sabi ni Pauline kay Gino.

"I'm just asking," sabi ni Gino, na hindi mawala-wala ang ngiti sa kaniyang labi.

"So, don't ask. We're not close! And please, stop englishing me, okay?" muli niya itong inirapan at naghanap ng mauupuan. Pero, laking gulat niya ng hindi siya nilubayan ni Gino.

"You're waiting for someone?" muling tanong ni Gino sa kaniya.

"Hehehe, get lost!" sagot naman ni Pauline.

"How are you?" pangungulit pa niyang muli.

"Fuck you!" tugon ni Pauline sa kaniya, napapailing nalang si Gino at para bang may nagtutulak sa kaniya na mas kilalanin pa ang babaeng ito.

"Ganyan ka ba talaga sa akin?" dahan-dahang napaharap si Pauline kay Gino ng minutong iyon. At hindi niya maiwasang hindi mapamangha sa taglay na kagwapuhang dating ng lalaki. Parang pagkalipas ng dal'wang taon ay mas lalo siyang gumawapo.

"A-anong ganyan?"

"Ganito makipag-usap. Ganito makitungo. Ganito magsalita. Ganito tumingin?" napangiwi at sabay natawa ng bahagya si Pauline sa huling sinabi ni Gino sa kaniya.

"Assuming ka rin e no? Ako, tinitignan kita?"

"Iba ang tingin mo sa akin kaysa sa tingin ng asawa ko. Para bang may kakaiba, hindi ko maintindihan. Parang may connection iyong tingin mo sa akin. Parang may gusto kang sabihin, hindi ko mawari." Nalilitong sabi ni Gino.

"A-ah iyon ba? Ang gusto kong sabihin e, umalis ka na. Malamig na iyang kape na inorder mo, baka hindi na niya magustuhan ang lasa," sabay tumayo na si Pauline at naglakas palabas ng coffee shop na iyon. Napailing nalang si Gino habang pinagmamasdang makaalis si Pauline. Hanggang sa nakaramdam siya ng pagkirot sa kaniyang ulo.

....

"Bakit ang tagal mo?" medyo may inis sa tono ng boses ni Abi ng minutong iyon.

"Sorry na," sabi ni Gino sabay halik sa pisngi ng asawa, tapos abot ng kapeng hindi na mainit.

"Bakit hindi na ito mainit?" pagtataka ni Abi.

"Sorry, kasi nakita ko si Pauline." Nanlaki ang mga mata ni Abi ngunit hindi niya ito ipinahalata kay Gino.

"T-talaga?" nauutal na reaksyon niya.

"Oo," tugon ni Gino.

"T-tapos?" sabay tingin nito sa kaniyang asawa.

"Kinausap ko siya. Pero, ayaw niya akong kausapin."

"Iwasan mo nalang kasi siya." Inilagay ni Abi ang kape sa may cup holder sa gilid ng kotse at kinuha ang cellphone nito at kunwari nagkakalikot pero wala naman talaga siyang ginagawa.

"Mahal, sumakit na naman ang ulo ko kanina." Sabi ni Gino kay Abi.

"A-ah? O, kamusta naman ang pakiramdam mo?" nakaramdam ng takot si Abi. Kaagad niyang hinawakan ang ulo ni Gino.

"Okay naman ako. Kumirot lang, hindi ko maintindihan bakit sumasakit ang ulo ko sa tuwing nagkikita kami ni Pauline." Pagtataka nito.

"B-baka nagkakataon lang."

"Hindi e, dalawang beses na kaming nagkita pero palaging gano'n ang nangyayari. Tapos, parang galit na galit siya sa akin. Alam mo ba iyong pakiramdam na parang may nagawa akong kasalanan sa kaniya, tapos wala kang maalala? Kasi..."

"Mahal, please. H'wag mo nalang pansinin iyon, baka mas lalo pang sumakit ang ulo mo." Tumingin si Gino kay Mahal at saka ito ngumiti.

"Sige, mahal. Hindi ko na siya iisipin." Saka niya inilapit ang mukha niya kay Abi at hinalikan ang labi nito.

"I love you, Mahal." Sabi ni Gino.

"Hmp, I love you too, Mahal." Tugon naman ni Abi sa kaniya. Pero pagkatapos no'n ay hindi maalis-alis sa isipan ni Abi iyong pangamba na baka isang araw, bigla nalang bumalik ang ala-ala ni Gino at biglang magbago ang lahat. 

The Battered HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon