#37

1.3K 32 8
                                    


#37

James's POV

HINDI ko masisisi si Pauline kung gano'n parin ang tingin niya sa akin. Kung bakit kahit lumipas na ang maraming taon ay hindi parin niya ako napapatawad. Sa totoo lang, sinubukan ko naman talaga siyang mahalin. Sinubukan ko, kaso paano ko mamahalin ang isang tao kung hindi ko alam kung paano. Nakulong ako sa nakaraan. Inaakala na maaayos at maibabalik pa namin ang dati, pero hindi. Mali. Maling-mali, ang ginawa namin ni Abi. Pero, nandoon na. Nangyari na, at tinapos na namin kung ano man ang namamagitan sa aming dal'wa. Pero, nang makita ko ulit si Pauline, hindi ko alam kung bakit parang may kakaiba akong naramdaman. Para bang sobra ko siyang namiss? Para bang namiss ko iyong kakulitan niya. Namiss ko iyong ingay niya. Namiss ko siya ng sobra. Nang dumating siya sa buhay ko, nagkaroon ng kulay ang madalim at tahimik kong mundo. Dinagdagan niya ng kakaibang panlasa ang takbo ng buhay ko.

Masaya ako sa narating niya. Alam ko at alam kong deserve niya ang lahat ng mga karangyaan na natatamasa niya ngayon. Sobra talaga siyang nag-iba. Sa kung paano siya manamit. Paano magsalita. Paano pumustura. Pero isang bagay ang hindi parin nagbabago sa kaniya. Hindi parin niya ako ma tignan sa aking mga mata ng diretso. Ewan ko, kung bakit tila iwas na iwas parin siya at para bang naiilang sa tuwing nagtatama ang aming mga mata. Minsan nga, naalala ko noong bago pa lang kaming nagsama. As in sa loob ng mansion. We need to pretend to Lola Agnes that we're real couple. So, kinailangan naming tumira sa Mansion na kung saan naninirahan si Lola, then we slept together in one room. Alam niyo ba iyong pakiramdam na para bang may nakatingin sa inyo? Kahit nakapikit ako ng oras na iyon dahil sa sobrang pagod ay ramdam ko na tinitignan ako ni Pauline. At nararamdaman ko pa ang hangin na lumalabas sa kaniyang ilong ng oras na iyon. Ramdam ko rin ang init na lumalabas sa kaniyang katawan, na tila ba para bang nag-aapoy na siya ng minutong iyon. Narinig ko pa siyang nagsasalita, although hindi ko na gaanong maalala kung ano ang sinabi niya pero alam kong kinikilig siya.

Maayos naman ang plano. After 3 years kinakailangan na naming maghiwalay, pagkatapos kong makuha ang mana ko kay Lola Agnes, dahil nga ang hiling niya bago siya mamatay ay makita na settled na ako at doon sa taong talagang mahal ko. That time, wala naman akong ibang karelasyon at wala talaga akong mahanap na babaeng perfect para kuntyabahin tungkol rito. I tried to get connected with my other girlfriends and the girls that I had fling before, but most of them are happily married, o di kaya naging tomboy na, at iyong isa, nagmadre pa. So, I was so desperate to find the perfect girl na magiging asawa ko, si Abi sana iyon kaso, I found out that she's now married to his highschool colleague. Kaya, nadepress ako. My friend and I went to this beach at the Mindoro, and sadly biglang natumba iyong Bangka and when I woke up, I'm in an small isolated island in Mindoro at do'n ko nakilala si Pauline, the one who saved my life.

...

09215173237: Hi?

Pauline: Who u?

09215173237: An old friend?

Pauline: Oh, really?

09215173237: Opo.

Pauline: Sorry, wala kasi akong naaalalang lumang kaibigan.

09215173237: Kinalimutan mo na kasi ako.

Pauline: Well yes, tama ka! Marami na akong kinalimutan. At kinailangan kong gawin iyon, para makamove forward ako.

09215173237: I'm sorry.

Pauline: ?

09215173237: Sorry, kung kinailangan mong maramdaman at mapagdaanan ang mga iyon.

Pauline: It's okay. It made me stronger, bolder and definitely wiser.

09215173237: I'm proud of you

Pauline: So, sino ka nga?

09215173237: Mas okay na hindi mo na akong makilala, baka kasi iwasan mo na naman ako.

Pauline: Siguro, malaki ang nagawa mong kasalanan sa akin?

09215173237: Sobra.

Pauline: Ang bad mo!

09215173237: Kaya nga ako humihingi ng sorry. Hindi ko man masabi ng harapan, soon masasabi ko rin at sana kung dumating man ang panahon na iyon, mapatawad mo na ako.

Pauline: James?

Napatingin ako sa cellphone ko. Mukhang nakatunog na siya.

Pauline: Ikaw ba iyan, James?

Hindi ako nagreply. Bigla akong nawala sa wisyo. Hindi ko alam bigla ang sasabihin ko sa kaniya.

Pauline: Hindi ka parin nagbabago, kupal ka parin!

Pauline: Wala kang isang salita!

Pauline: Anong sabi mo? Mapapatawad kita? Ipakita mo muna na nagbago ka na nang talaga, then maybe, maybe a 1percent sa 100percent na nagawa mong kasalanan ay mababawasan.

Pauline: Ano? Nabahag na naman ang buntot mo? Diyan ka kasi magaling, magaling ka lang magsalita, pero kulang ka naman sa gawa.

Pauline: Nakakahiya ka! Kinailangan mo pang kunin ang number ko kay Gino para lang itext ako?

Pauline: Galing, hindi na siya nagreply, ampota!

James: Bumalik na tayo sa dati.

Pauline: Wala na tayong babalikan, James. Remember? Tinapon m o na?

James: Hindi na ba pwedeng pulutin ang mga bagay na tinapon?

Pauline: Iyong bagay na tinapon mo, tinapakan at hinusgahan na nang iba, ang sakit no? Ay, wait! Hindi mo pala alam iyon, kasi wala kang pakiramdam! Kasi sarili mo lang ang iniisip mo.

James: Sorry na nga!

Pauline: Alam mo ang weird mo. Kasi, hindi ka naman ganyan. You never say sorry to anyone. Ang ginagawa mo, binibigyan mo sila ng pera then tapos na. Parang walang nangyari. Just like what you did to me. You treat me as your slave.

James: That's why I mean it. When I say sorry to someone, I mean it. So, hindi ako magsasawa to tell you sorry, until you realized that my sorry it worth it.

Pauline: Ulol mo!

James: I miss you, Pauline.

Pauline: Missed your fucking shit! Stop wasting your time to me, dahil nakamove on na ako. And please, h'wag mo nang sirain ang buhay ko kasi ayos na, okay? Maayos na ang buhay ko. Kung makitid iyang utak mo at hindi mo maintindihan ang tagalog na salitang iyon, then wala na akong pakialam.

Ang sakit. Pero, deserve ko naman na talaga lahat ng mga sinasabi niya against me.

Pauline: See? Nawala ka na namang hayup ka!

At ayaw na niya talaga akong makausap ng lagay na iyan ah? 

The Battered HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon