#23

1.4K 30 7
                                    


#23

Habang pinagmamasdan ni Pauline ang kaniyang mga kapamilya sa ibaba ay napansin kong nagpunas siya ng kaniyang mukha do'n ko napansin na humihikbi rin siya. Umiiyak si Pauline? Lumapit ako at saka ko tinapik ang braso niya, napalingon siya sa akin at nakita ko na namumula ang mga mata niya. Alam kong magtatanong na naman ang mga kapatid niya kung bakit namumula ang mga mata nito, at tiyak na malalagot ako kapag hindi ako nakasagot ng maayos.

"Alam kong mahirap, pero gaya ng sabi ko nandito lang ako para suportahan ka, para tulungan ka. Hindi kita pababayaan, Pauline. Gaya ng hindi mo pagsuko sa akin." Nakangiting sabi ko sa kaniya.

Siniko niya ako ng mahina at umarte ako na nasaktan sa ginawa niya. Saka siya tumawa at sinabihan ako na oa.

"Kidding aside, malaki talaga ang naitulong mo sa akin," dagdag ko pa.

"Kahit na tinalikuran kita? Kahit na iniwan kita sa ere?" taas kilay na sabi niya. Well, totoo rin naman iyong sinabi niya. Pero, alam kong nagawa niya lang iyon para makapagisip ako ng maayos, kaso hindi naging maganda ang mga desisyon ko magmula ng umalis siya. Magmula ng iwan niya ako.

"Ano ka ba, okay lang iyon. Hehe, tara, baba na tayo? Kanina pa nila tayo inaantay," biglang yaya ko sa kaniya.

Pagbaba namin ay kaagad na kinantyawan si Pauline ng kaniyang mga kapatid at tinanong kung nasaan raw ang asawa nito. Napatingin sa akin si Pauline at nagkatitigan kaming dal'wa saka niya hinarap ang mga kapatid niya na nagtatanong sa kaniya.

"Kuya Anton, nasa maynila pa po. Alam mo naman iyon, busy sa mga tinatayo niyang negosyo." Sagot ni Pauline. Ramdam ko ang takot niya ng minutong iyon, pagkatapos ay umupo na kaming dal'wa. Katabi ko si Pauline at nakapalibot kami sa harapan ng kaniyang pamilya. Sa ilalim ng lamesa ay palihim kong hinawakan ang kamay ni Pauline, napatingin siya sa akin, at tila nabasa niya ang nais kong ipabatid sa kaniya. Na kailangan niyang huminga ng malalim, kailangan niyang maging normal. Kailangan niyang ikalma ang sarili niya dahil mahahalata ng pamilya niya ang kinikilos niya. Ako nga na hindi kami gaanong close, halata ko na may inililihim at tila para bang may nais itong sabihin na hindi niya masabi-sabi. Ramdam ko kasi sa mga mata niya ang takot. Iyon pa kayang pamilya niya na buong buhay niya ata kilalang-kilala na siya.

"A-ano pong tawag diyan?" tanong ko sa nakakatandang kapatid ni Pauline na si Anton sa iniinom niyang tila mukhang alak.

"Tuba," mabilis na sagot nito sa bruskong tono ng boses.

"M-masarap po ba?" tanong kong muli. Sabay nagtawanan ulit ang mga bruskong kapatid ni Pauline. Tapos hinila ako ng isa sa mga kapatid ni Pauline na si Isaac at hinila palayo sa hapagkainan, napatingin si Pauline sa akin at nagtanong kung saan nila ako dadalhin, sabi naman ni Isaac, it's boys time only lang raw. Napangiwi si Pauline, nagtaka kung saan nakuha ng kaniyang kapatid ang linyang iyon, gayong hindi naman ito marunong mag-english.

Sa likod ng kanilang bahay ay inilatag ng mga kapatid niya ang mga pulutan at ang inuming alak na tinatawag nilang tuba. Pinaupo niya ako sa upuan na gawa sa pinutol na kahoy at nagsimula na silang magtawanan.

"Malakas ka bang uminom, tol?" tanong ni Ramon. Pangatlo sa mga kapatid ni Pauline ang kaniyang sinundan.

"A-ah, hindi gaano." Sagot ko. Totoo naman kasi. Hindi naman ako malakas uminom. Madalas, kapag nakakainom ako, kung ano-ano ang nasasabi ko. Lagot! Baka may masabi ako na hindi maganda kapag pinainom nila ako. Bakit ba kasi, nacurious pa ako sa iniinom nila kanina e. Lagot na talaga!

"Hehe, hindi naman malakas ang tama nito," malakas na tawa ni Isaac. Napansin ko ang bolo niya sa kaniyang gilid. Mukhang matalim ito at sa kanilang tatlo, tanging siya lang ang may bitbit nito sa aming pag-iinom. Hindi ba niya ito maiiwan-iwan? O baka naman... jusko, h'wag naman sana. H'wag naman sana na dito matapos ang buhay ko? Sabi kasi ni Pauline, may mga pagkapsychopath raw ang mga kapatid niya. Hindi sa pagiging judgemental ah? Pero, sa mukha palang kasi nila, nakakatakot na talaga sila, like mukha silang mga goons sa pelikula ni FPJ. Patawad po, idol!

"Oh, ikaw ang unang tumagay," sabi pa ni ramon. Sabay abot sa akin ng isang basong puno ng laman na alak na tinatawag nilang tuba. Inamoy ko ito, kakaiba ang amoy at parang ang tapang-tapang. Napailag ako ng kaunti dahil sa tapang nito. Tapos napatingin ako sa kanila, nagtatawanan sila. Napabuntong hininga ako ng malalim at saka ko ito nilagok. As in inubos ko ng husto. Ang init sa lalamuna. Parang napaso ang lalamunan ko sa ginawa ko, tapos nilunok ko. Napatingin muli ako sa kanila at nanlaki ang mga mata nila.

"T-talaga bang hindi ka umiinom?" pagtataka pa ni Anton sa akin.

"H-hindi po," sagot ko sabay abot ng baso. Nagkatitigan silang magkakapatid at pagkatapos ay nagtawanan at nagapiran. At nagpatuloy kami sa pag-iinom.

Nakakailang bote na kami ng tuba at ramdam ko ng umiikot na ang paningin ko at tila para bang sinasapian na ako ng espiritu ng alak na iniinom ko. Kung ano-ano na ang nakikita ko at halatang umiikot na ang panginin ko sa kanilang tatlo.

Maya-maya ay biglang tumayo si Isaac at dahan-dahang lumapit sa akin, tapos napansin kong hinawakan niya iyong bolo niya, bumilis ang tibok ng puso ko. Ganitong-ganito ang napapanood ko sa mga horror movies. Biglang nagbago ang tingin ko kay Isaac. Nagmukha siyang demonyo sa paningin ko. Tapos mabilis siyang gumalaw at akmang itatarak sa akin iyong itak saka ko siya narinig na...

"H'wag kang gagalaw," malakas pero para bang mahina ito na rumehistro sa tenga ko.

Hanggang sa natumba nalang ako.

Nawalan ng malay.

The Battered HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon