#14

1.6K 27 16
                                    


#14

Biglang tumakbo si Abi at hinabol naman ito ni James. Sa hindi ko maintindihang pangyayari ay tila para bang kinain ng lupa ang paa ko't hindi ko man lang sila nagawang habulin.

"Ayaw kong tanungin na kung okay ka lang, pero sa tingin ko. Maligo nalang tayo sa dagat!" sabi ni Pauline at saka niya ako hinila palabas ng restaurant na iyon. Sa baybaying dagat, nakaupo kaming dal'wa ni Pauline habang pinagmamasdan ang malaking buwan na siyang nagdadagdag ng ilaw sa buong isla.

"Gustong-gusto kong habulin ang asawa ko, Pauline." Mahinang sabi ko kay Pauline, pero mukhang hindi niya ako narinig.

"A-ano?" ang ingay kasi ng agos tubig, kasama pa ang tunog ng mga banda nagmumula sa mga restautant sa paligid.

"Wait lang ah? Bibili lang ako ng maiinom natin," sabi ni Pauline sa akin.

Tumayo ako't tila hinayaan kong dalhin ako ng mga paa ko sa dagat hanggang sa maramdaman na nga ng paa ko ang tubig at unti-unti akong lumubog hanggang sa muntikan na akong malunod. Mabuti nalang, nakita ako ni Pauline. Mabuti nalang binalikan ako ni Pauline, dahil kung hindi, marahil wala na ako ngayon.

"Tang-ina mo! Magpapakamatay ka!" ilang sampal at bugbog ang inabot ko mula kay Pauline ng minutong iyon. Do'n ko lang siya nakita na sobrang nag-alala sa akin.

"Hindi pagpapakamatay ang solusyon para matapos ang problema mo, Gino! Tandaan mo iyan. Ang kailangan mong gawin ay harapin ito. Dahil kung hindi mo ito kayang harapin, mababale wala ang lahat ng pangarap mo. Akala ko ba mahal mo si Abi?"

"M-mahal ko siya," walang ganang sagot ko.

"Mahal na mahal ko siya, Pauline. Alam iyan ng Diyos, pero anong magagawa ko, kung hindi naman pala niya ako, Mahal?"

"Gago ka! Hindi ka naman papakasalan ni Abi, kung hindi ka niya mahal."

"Ikaw nga, hindi ka naman mahal ni James, bakit ka niya pinakasalan?" sabay sabi ko.

"E, gago ka pala e! Iba iyong sitwasyon namin ni James. Kailangan niya ako, at kailangan ko rin siya. It's a win-win situation. Magkaiba iyon, okay? Bakit ba ako iyong naging topic dito!" saka niya ako pinatayo.

"Hoy! Mangako ka, na ito na iyong huling beses na gagawin mo ito. Ito na iyong huling beses na magpapakatanga ka sa babaeng iyon. Kung talagang mahal ka niya, babalikan ka niya. H'wag kang maghabol, hindi ka aso, Gino. Mas lalong h'wag kang bumuntot dahil hindi ka anino ng sino man. Binigyan ka ng sariling pag-iisip, buhay at desisyon ng Diyos. Gamitin mo iyan! O-okay?" sa totoo lang parang nahihilo ako sa dami ng mga sinasabi ni Pauline, kung saan humantong sa paglapat ng labi ko sa labi niya para lang matahimik siya.

Saglit lang iyon. Smack lang iyon. Pero kitang-kita ko sa mga mata ni Pauline ang pagkagulat.

"Ang daldal mo kasi, hindi ko alam kung paano ka patitigilin sa pagsasalita." Sabi ko sa kaniya.

"Ang gago mo!" sabi niya sa akin saka niya ako sinikmurahan.

...

Pagkalipas ng dal'wang araw ay muling bumalik si Abi sa bahay. Laking gulat ko na bitbi na muli niya ang kaniyang mga gamit.

Kaagad kong tinext si Pauline.

"Bumalik na siya." Sabi ko kay Pauline.

"Anong ibig mong sabihin?" reply niya.

"Dala-dala niya ang gamit niya, halos lahat." Sabi ko.

"Gago! Magpapalaba lang iyan. Tandan mo, matigas ka! H'wag kang magpapadala sa mga sasabihin niya." Sabi ni Pauline.

"Marupok ako, Pauline."

"Tang-ina mo! Umayos ka!" huling reply niya.

"Si Pauline ba ang katext mo?" tanong ni Abi sa akin. Hindi ko siya kinibo at nagpatuloy ako sa ginagawa ko sa harapan ng laptop ko.

"Hindi ko siya kaagad nakilala. Actually, hindi ko pa talaga siya name-meet. Kasi sabi ni James, kakaibang babae raw siya." Paglalahad pa nito.

"Mukhang pera. Malandi. At higit sa lahat, mayro'n raw siyang STD." dagdag pa ni Abi. Sa totoo lang, parang hindi na siya iyong Abi na kilala ko. Hindi naman ganito magsalita o makipag-usap iyong babaeng minahal ko noon.

"So, what?" sagot ko.

"Uhm, hindi ka man lang ba nangangamba na baka..." hindi niya maituloy-tuloy iyong gusto niyang sabihin, pero ang gusto niyang ipunto ay baka raw mahawa ako sa sakit na mayro'n di umano si Pauline.

"Walang nangyayari sa amin. And please, bumalik ka talaga dito para pag-usapan ang ibang tao? Abi, mayro'n tayong malaking problema." Kaagad na lumapit si Abi sa akin at paluhod itong hinawakan ang tuhod ko't nagsimulang umiyak.

"Hindi naman kita gustong saktan, Gino." Nagsimula na siyang umiyak.

Kapag umiiyak na siya. Isipin mo iyong mga oras na magkasama silang dal'wa ni James. Iyong magkatabi sila sa kama, iyong kamay ni James sa katawan ng Abi. Iyong labi ni James sa labi ni Abi, ang puso ni James sa puso ni Abi. Tandaan mo, Gino! (minsan pang paalala sa akin ni Pauline)

"Gustong-gusto ko ng sabihin sa iyo, pero nauunahan lang ako ng takot. Takot na baka magalit ka sa akin. Na kamuhian mo ako. Na ikahiya mo ako. Alam ko na perpekto ako sa paningin mo, Gino pero tao lang din ako, Gino. Nagkakasala din ako. Nagkakamali din ako. Hindi ako santo, Gino." walang humpay ang pag-agos ng luha sa mga mata ni Abi ng mga oras na iyon.

"Kaya please, patawarin mo na ako." Pagsusumamo pa niya.

Sa totoo lang, parang nawala lahat ng galit sa puso ko ng minutong iyon. At kaagad kong nakalimutan iyong mga masasakit na naranasan ko nitong mga nakaraang linggo. Lalong-lalo na iyong pangyayari na naganap sa Boracay. Nang marinig ko mula sa bibig ni Abi na hinihingi niya ang kapatawaran ko.

"Tumayo ka na diyan," sabi ko sa kaniya. Tumayo siya't niyakap ko ng mahigpit.

"Mahal na mahal kita, Abi. At ipinangako ko sa Diyos, na kahit anong mangyari, ipaglalaban kita. Tandaan mo iyan." Saka ko siya hinalikan sa labi at muling niyakap ng mahigpit.

Tanga na kung tanga, pero nagmahal lang ako. At kung hindi ito maiintindihan ng ibang tao. Kulang ang pagmamahal nila sa taong, mahal nila. Sa sitwasyon namin ni Abi. Sobrang mahal ko siya, at kahit na nagawa niya akong lokohin. Bukas palad ko parin siyang tatanggapin at mamahalin.

The Battered HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon