#33

1.1K 27 5
                                    


#33

HINDI parin maintindihan ni Pauline kung bakit sa tuwing nakikita niya si Gino ay awa ang nararamdaman niya rito. Nakikita niya sa mga mata nito ang pagnanais na malaman ang nakaraan nito. Sa loob ni Pauline, gustong gusto na niyang sabihin o ikwento kung paano siya pinaikot-ikot, sinaktan at pinaasa ng sarili niyang asawang si Abi. Pero, hindi. Pero, mali. Mali na manghimasok pa siya sa problema ng dal'wa. Kung malalaman man ni Gino ang katotohanan, marahil magandang hindi na ito manggaling sa kaniya.

"Oh, bakit natahimik ka?" napansin ni Gino ang pagkatahimik bigla ni Pauline ng minutong iyon. Umiling ang dalaga at ngumiti.

"Wala," tugon nito.

"So, tutulungan mo ba akong maalala ang nakaraan ko?" tanong muli ni Gino kay Pauline. Hindi nakapagsalita si Pauline, tila nakain nito ang kaniyang dila ng minutong iyon. Walang salitang nais na lumabas sa kaniyang bibig, marahil maski ang kaniyang mismong katawan ay umaatras na rin sa nais ng kaniyang puso na tulungan ang kawawang lalaki.

"H-hindi mo ako tutulungan?" tanong niyang muli. Umiwas ng tingin si Pauline at isa-isa na nitong niligpit ang mga kalat sa hapagkainan ng oras na iyon.

"B-bakit ba ayaw niyong malaman ko ang nakaraan ko?" biglang tanong sa sarili ni Gino ng minutong iyon. Napahinto sa pag-aayos si Pauline at tila para bang nakaramdam siya ng kirot sa kaniyang puso.

"May nagawa ba akong mali noon?" ani ni Gino.

"May nasaktan ba ako noon?" dagdag pa niya.

"Nasaktan ba kita noon?" nahihirapan na niyang makahingan ng minutong iyon at tila para bang naiipon na ang luha sa kaniyang mga mata ng minutong iyon, pero pinigilan niyang hindi maluha. Kinuyom niya ang kaniyang mga daliri at huminga ng malalim, saka hinarap si Gino.

"Hindi," ngiting sagot niya rito.

"O, gano'n naman pala. Bakit nga?" pangungulit pa niya.

"Ang kulit mo! Hindi ba pwedeng maging masaya ka nalang kasi..." napahinto siya ng biglang magsalita si Gino.

"Sa tingin mo, masaya ako?" napatitig ng husto si Pauline kay Gino at kitang-kita niya sa mga mata nito ang lungkot. Maya-maya ay bigla nalang bumagsak ang isang butil ng luha at mula sa kaliwang mga mata nito, at nasundan pa hanggang sa pinunasan na ito ni Gino at tumayo at akmang aalis na ng oras na iyon ng pinigilan siya ni Pauline. Hinawakan nito ang braso ng lalaki at nagtama ang kanilang mga mata.

"Mag-iingat ka," hindi ito ang naisa sanang sabihin ni Pauline, kundi gusto niya sanang sabihin na, "Ayaw kasi kitang masaktan. Ayaw ko na maramdamam mo ulit iyong sakit na naramdaman mo noon. Ayaw ko na makita mo ulit iyong mga kahayupang ginawa ng asawa mo noon sa iyo. At ayaw ko na mawala kang muli sa akin." Pero hindi. Hindi niya ito nasambit kay Gino.

...

ALALANG-ALALA si Abi dahil halos tatlong oras ng hindi sinasagot ni Gino ang kaniyang cellphone, tinanong na niya ang mga posibleng taong nakakakilala sa kanila ngunit wala itong nakuhang impormasyon sa kanila. Hanggang sa biglang may nagdoorbell ng minutong iyon. Sinilip ni Abi sa butas at laking tuwa niya ng makita na si Gino ito. Dali-dali niyang binuksan ang pintuan at mabilis na kumaripas ng takbo at pasalubong niyang niyakap ng mahigpit ang kaniyang asawa.

Umiiyak na parang batang nawalan ng paborito niyang laruan itong si Abi, habang yakap-yakap ang kaniyang asawang si Gino. Gumanti si Gino sa yakap na ibinigay sa kaniya ni Abi, maya-maya ay umangat ang ulo ni Abi at ngumiti si Gino, tinanong ni Abi kung saan ito nanggaling. Huminga ng malalim si Gino saka ito sumagot sa kaniyang asawa.

"Diyan lang," tipid na sagot nito.

"Saan? Kanina pa ako nag-aalala sa iyo," ginulog-gulo ni Gino ang buhok ng kaniyang asawa saka muling ngumiti rito.

"H'wag ka ng mag-aalala nandito na ulit ako." Sabi ni Gino kay Abi.

"Please, h'wag mo na ulit gagawin iyon. Sobrang mo akong pinag-alala, halos mabaliw na ako sa kakaisip kung nasaan ka." Muli na naming umiyak si Abi ng minutong iyon. Pinunasan ni Gino ang luha ng kaniyang asawa gamit ang kanang kamay nito at muling niyakap.

"Promise, hinding-hindi na kita iiwanan." Mahinang sambit nito.

...

Nakatingin sa kalangitan si Pauline at hindi maalis-alis sa kaniyang paningin ang imahe ng mukha ni Gino na siyang nakikita niya sa kalangitan ng minutong iyon. Iyong ngiti sa kaniyang labi, ang mapungay na mga mata at matangos na ilong at namumulang tenga. Hanggang sa napalita ito ng malungkot na imahe ng lalaki. Umiiyak. Malungkot. At desperado.

Napapikit siya't mataimtim na nagdasal. Inihiling niya na sana ay patnubayan siya ng maykapal sa desisyon na kaniyang gagawin.

"Ito ang tama, masakit man, pero ito ang nararapat." Sabi niya sa kaniyang sarili. 

The Battered HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon