#38

1.3K 30 13
                                    


#38

James's POV

Kung seryoso ka talaga na mapatawad niya, kailangan mong bumawi. Kailangan mo siyang harapin. Kahit na ayaw na ayaw ka niyang makita. Ito ang sabi ko sa sarili ko. Kaya ngayon nakaharap ako sa salamin at pusturang pustura, maayos na buhok, floral na polo, kahit na hindi naman talaga ako nagsusuot ng ganitong klaseng damit. Na pinartneran ng Jeans at white rubber shoes. Kung titignan mo ang sarili ko, para akong nagbibinata palang sa suot ko. Na may makapal nab albas siyempre sa mukha. Naaasiwa ako sa itsura ko, pero kung makukuha ko ba naman ang atensyon ni Pauline sa ganitong paraan, bakit ko naman ipagkakait iyon sa sarili ko?

"Sir, saang costume party po kayo pupunta?" tanong ng secretary kong si Jasmine sa akin. Palihim siyang natatawa pero nakikita ko sa mga mata niya na nagtitimpi lang siya na pagtawanan ko.

"Sige na, pwede ka nang tumawa. Libre lait, ngayon lang ah?" sabi ko pa sa kaniya na may ngiti sa aking mga labi.

"Wow, mukhang mayro'n date ang boss ko ngayon ah, who's the lucky girl?" pagtataka niya.

"My Ex-wife," mabilis kong sagot.

"Ex-wife?"

"Wala naman akong ibang pinakasalana, hindi ba?" pagpapaalala ko pa sa kaniya, saka niya narealized na si Pauline iyong sinasabi ko.

"Malay ko ba kung mayro'n kang ibang asawa." Taas kilay niyang tugon sa akin.

"Tumigil ka na nga diyan, ano? Please cancel all of my appointment today dahil pupuntahan ko si Pauline sa office niya," sabay kindat sa kaniya.

"Nako sir., ako na pong bahala sa lahat." Saka siya bumuntong hininga at nagworried ako.

"Oh, ang lalim no'n ah?" sabi ko.

"Masaya lang po ako na masaya na po kayo ulit." Napansin kong tila para bang naluluha si Jasmine. Lumapit ako sa kaniya at niyakap ko siya nang mahigpit. By the way, Jasmine is my newly hired secretary and she's only 20 years old. She's pretty and smart, pero hindi ko siya type. Para na akong Kuya niya o Tito kung papatulan ko pa siya, and besides, she's not into boys. She's a lesbian and she's have a girlfriend na nagsusundo sa kaniya parati dito sa office. I'm happy that she's happy. She's like a sister to me. Wala kasi akong ibang kapatid. I'm the only child of my parents, tapos namatay pa silang dal'wa, at naiwan akong mag-isa sa poder ng Lola Agnes ko.

"Thank you." Sabi ko sa kaniya saka ako kumalas sa pagyakap at do'n ko napansin na naluha na siya.

"Oh, bakit ka umiiyak? Baka isipin nila na winawarkshock na naman kita ngayon." Ngising sabi ko, saka siya napatawa.

"Sir. naman e, nagbibiro pa." saka niya ako mahinang hinampas sa braso.

"Don't worry about me, okay? If hindi maging maganda ang outcome nito then so be it. Marami pa naman akong chances na maaaring gawin and besides, single pa naman si Pauline, siguro titigil lang ako kapag mayro'n na siyang nahanap na taong gusto niya. Mahal niya. Iyong pang-forever niya." Sabi ko habang nakatingin sa kawalan.

"Sir. Walang forever." Basag na sabi ni Jasmine sa akin.

"O siya, baka malate na ako. Please, take care of yourself, okay? See you tomorrow." Then I salute to her saka ako lumabas ng kwarto.

...

Pauline's POV

"Sino ba iyang importanteng taong iyan ah?" sabi ko sa secretary kong si Kristal. Dapat nasa Australia ako ngayon para sa business summit na pupuntahan ko sana do'n. Kaso, sabi ni Kristal, gusto akong kausapin ng personal ni Mr. Sy, na isa raw businessman na interesadong mag-invest sa kumpanya ko. Kakaurat! Pero, okay lang din, another opportunity na rin ito para mas lumawak pa ang negosyo ko. By the way, napapaisip kayo siguro kung ano ang negosyo ko no? Ako lang naman ang tumalo sa Camila Sardines. Ligaya Sardine. "Sa unang kagat, Ligaya ang malalasap." Ligaya Sardines! Ang ganda hindi ba? Bago palang kami sa merkado, pero kaagad na nakilala ang produkto naming, dahil kami lang naman ang kauna-unahang kumpanya na hindi gumagamit ng msg. natural ang mga ginagamit naming ingredients at isa pa, napaganda ng aming packaging, kaya kung makakakita kayo, bumili na kayo, then put #ligayasardines. Thank you!

Pero, sino ba kasi itong Mr. Sy na ito? Nasa harapan na ako ng conference room at saka binuksan ni Kristal ang pintuan at kaagad akong nagtaka kung bakit nakapatay ang ilaw at nakatutok ang ilaw sa lalaking nakaupo sa may harapan. Nakatalikod ito at kaagad kong napansin ang makulay na suot niyang pang-itaas. Ano ba ito, joke-joke lang? Isang businessman nakasuot ng floral na polo? Sa sobrang inis ko, ako na mismo ang nagbukas ng ilaw. Kasi mukhang maski si Kristal, namemerize sa paandar ng mokong na ito.

Nang bumukas na ang ilaw, hindi parin siya nagpatinag at hindi kaagad ito humarap.

"Kung sino ka mang poncio pilato ka, wala akong pakialam kung gusto mong mag-invest sa negosyo ko. Tingin mo sa sarili mo, importante? May papapatay-patay ilaw ka pang nalalaman? Ano ito, dramarama-hapon, ah? Pinaglalaruan mo ba ako?" saka ako pinigilan ni Kristal.

"Ma'am, magpigil naman po kayo sa pananalita niyo po." Sabi niya sa akin.

"What? Bakit ko naman gagawin iyon, e nasa loob siya ng kumpanya ko. Ang kumpanya na pinaghirapan kong itayo. Dugo't pawis ang ibinigay ko dito. Ako nga rin mismo nagtayo nitong building e." saka napatingin sa akin si Kristal na may pagtataka sa kaniyang mga mata.

"Siyempre, charot lang iyon." Seryosong bawi ko naman kaagad sa kaniya.

"Hoy, ang dami ko nang dinada dito, hindi ka parin ba haharap diyan." Sabi ko sa lalaking nakatalikod sa amin. Pero hindi siya tumugon.

"Hoy, ano sa tingin mo iyang ginagawa mo? Kinagwapo mo? Hoy, mukha kang tanga! May pa-floral-floral ka lang na lalaman, para kang jejemon, hindi bagay sa iyo." Sabi ko sa kaniya.

"Kasi Ma'am, siya ang bagay sa iyo." Kinikilig na sabi ni Kristal sa akin.

"Hoy! Para kang uod na nalagyan ng asin. Para kang tanga!" sabi ko sa kaniya saka ko siya pinaalis at pinabalik sa trabaho niya at muli kong hinarap ang kenkoy na businessman na gusto raw mag-invest sa negosyo ko.

"Hoy, hindi mo ba talaga ako haharapin?" sabi ko sa kaniya. Naglalakad na ako palapit sa kaniya ng bigla siyang magsalita at para bang pamilyar sa akin ang boses na iyon.

"Ganyan mo ba kausapin ang mga taong gustong tumulong na mas paunlarin pa ang negosyo mo?" seryosong sabi niya sa'kin.

"Hindi purkit, nakasuot ako ng floral na polo ay hindi na ako kaaya-aya. Mukhang tanga na. Natatandaan ko kasi na may isang taong nagsabi sa akin no'n na kahit anong isuot ng tao, maging pinakamahal pa ito sa buong mundo, sa mata ng Diyos, pantay-pantay tayo." Dagdag pa niya.

"Edi talo na ako, gumamit ka na nang Diyos e. Ano ba namang laban ko do'n? Diyos na iyon! Edi tinapos mo na! Ikaw na! Ikaw na ang hindi nagkakamali! Ikaw ang perfect! Ikaw na ang anak ng Diyos!" naghihisterikal na sabi ko sa kaniya.

"Ikaw na..." saka siyang biglang humarap.

"I-ikaw na....dimunyo ka!"

The Battered HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon