#22

1.6K 34 10
                                    


#22

Mukhang hindi nagbibiro si Pauline sa sinabi niya sa akin. Binalaaan naman niya ako na medyo may pagka-psychotic raw ang pamilya niya. Nang oras na dumating kami ay nagluluto sila sa bakuran. Ang daming tao. Ang daming nagtutulong-tulungan. Nabalitaan raw kasi nila na babalik na ang prinsesa nila. Kaagad na sinalubong si Pauline ng mga naglalakihang katawan na mga lalaki. Tapos napatingin ito ng masama sa akin. Ngumiti ako kahit na nangangatog na ang tuhod ko sa takot. Akala ko sa aha slang ako matatakot. Pero, iyong pagtitig nila sa akin na para bang isa na ako do'n sa mga lulutuin nila mamaya?

Bala-bara Island. Occidental Mindoro! Halos apat na oras din ang binayahe namin sa dagat palang ah? Makarating lang sa isla nilang ito. Akala ko na sa ibang mundo na ako kasi, hindi ko akalain na nasa gitna ng napakalawak na dagat ay may uusbong na ganito kagandang isla. At may mga nakatira talaga dito.

Payak ang pamumuhay sa islang ito. Pangingisda ang pangunahing ikinakabuhay nila, siyempre nasa gitna sila ng dagat. At the same time, mayaman din ang islang ito sa mga iba't ibang klaseng prutas. Masasabi mo talagang ang sarap mabuhay sa lugar na ito, at makakaranas ka talaga ng kapayapaan. Kaya nga malaking pagtataka ko na bakit pinili ni Pauline ang maingay, mausok at magulong mundo sa maynila para pakisamahan si James kapalit ang tahimik na buhay dito sa probinsya nila.

"Sino siya?" may angas sa tono ng boses ng lalaking yumakap ng mahigpit kay Pauline.

"Kuya, si Gino. Gino, si Kuya Anton, panganay namin." Nakipagkamay ako at nakipagkamay din siya. Ramdam ko sa palad niya ang gaspang ng kaniyang palad at ang bigat ng kamay nito. Napakamot nalang ako ng ulo. Maya-maya lumabas na ang Tatay ni Pauline at gaya ng mga kapatid niyang lalaki ay niyakap at hinalikan din siya nito. Tapos, sumunod ang Nanay niya, mas mahigpit ang pagkakayakap dito. Napalingon sila sa akin at kumaway lang ako't saka ngumiti.

Tapos niyaya ako ni Pauline na sumunod sa kaniya. Hindi gaanong malaki ang bahay nila pero ramdam mo iyong pagiging malaki nito dahil malalaki ang puso ng mga taong nakatira dito. Ang babait nila. Ang sasaya nila tignan. Para bang wala silang mga problema. Nagtatawanan. Nagbibiruan. Nagkukulitan. Nagkakasiyahan. Hinatid ako ni Pauline sa magiging kwarto ko. Maliit lang ito pero okay na, hindi naman ako nagexpect ng husto at wala nga akong dalang gamit. Pinapauwi pa nga ako ni Pauline ng oras na aalis siya kasi wala naman raw akong gamit, sabi ko gusto ko talagang sumama, kaya ang ending dumaan muna kami sa may mall at namili ng mga damit. Siyempre, namili na rin kami ng mga pasalubong sa mga kapatid niya at mga pamangkin.

Habang pinagmamasdan niya ang mga kapamilya niya sa kanilang bakuran ay napansin kong nagpunas ng luha si Pauline. Lumapit ako sa kaniy at inakbayan ko siya, saka naman siya napalingon at ngumiti sabay siniko ako ng loko, tapos kunwari napangiwi ako sa sakit ng ginawa niya. Tapos muli siyang nagpunas ng luha.

"Ang hirap ba?" tanong ko sa kaniya.

"Gino, hindi ko alam kung paano ko sisimulan." Sabi niya sa akin na malungkot talaga ang boses. Ngayon ko lang siya nakita na ganito kahina.

"Pauline, mahal ka ng pamilya mo. At kitang-kita na kahit anong gawin mong pagkakamali ay tatanggapin ka parin nila." Sabi ko sa kaniya. Napangiti siya pero isang malalim na buntong hininga ang muli niyang pinakawalan.

"Ayaw ko kasi silang madissapoint sa akin, Gino. At higit sa lahat, ayaw ko silang saktan." Habang nasa bangka palang kami ay nagkukwento na si Pauline kung paano siya napasok sa sitwasyon na ito.

Dumating si James sa lugar nila na halos helpless siya. Natagpuan niya ito sa may dalampasigan na halos hirap na hirap at akala niya noong una ay wala na itong buhay. Kaya lumapit siya, at tinulungan ito tapos laking gulat niya ng bigla siyang bugahan ng tubig mula sa bibig nito nang tignan niya ng malapitan ang mukha nito. Buhay pa pala ang loko. Tapos tumawag siya ng mga makakatulong sa kaniya at binuhat nila si James at dinala sa may bahay nila, na hindi kalayuan sa lugar na kung saan siya natangpuan.

Tumagal ng halos isang buwan si James at lingid sa kaniyang kaalaman na unti-unti nang nahuhulog ang loob ng dalaga sa binata. Kaya nga ng magoffer ito sa kaniya ng kasal. I mean, fake na kasal, ay grinab na niya kaagad ang opportunity. Dahil, sa dami ng mga ipinangako ni James sa kaniya, at siyempre para mas mapalapit pa sa binata. Kaso, kapalit nito ay kailangan niyang iwanan ang pamilya niya dito probinsiya at sabihin sa kanila na totoo ang kanilang nararamdaman para sa isa't-isa.

Tinanggap rin ni Pauline ang offer ni James dahil nang mga panahon na iyon ay may malubhang karamdaman ang kaniyang Ama. Mayro'n itong cancer at kailangan ng malaking pera para maoperahan ito. Si James ang gumastos lahat, mula sa pagpapagamot at tirahan nilang mag-ama ng mga panahon na nagpapagaling ito, si James lahat ang umako. Kaya nga mas lalo siyang nahulog rito. Kaso, wala naman nararamdaman si James sa kaniya. Siya lang pala itong naghahabol sa taong kahit kailan hindi naman siya masasaktan.

Kaya siguro kami ipinagtagpo ni Pauline dahil pareho kaming naghahabol sa mga taong mahal namin, pero hindi naman kami kayang mahalin pabalik.

Naaawa ako sa kaniya.

Nakikita ko ang sarili ko sa kaniya.

Naaawa din ako sa sarili ko.

The Battered HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon