#10

1.8K 35 5
                                    


#10

Magpapanggap kaming magkasintahan ni Pauline. Para sirain ang paghiwalayin ang dalawa. Magandang ideya, pero sa totoo lang kinakabahan ako. Hindi ko alam kung magiging maganda ba ang kalalabasan nito. Paano kung dahil dito ay marealize ni Abi na dahil nakahanap na ako ng iba, ay may karapatan na siyang maging malaya? Paano kung dahil sa ideyang ito ay mas magkaroon ng tyansa si James na ipaglaban iyong nararamdaman niya para sa asawa ko? Paano na ako? Paano na si Pauline?

"Alam mo, hindi pa man tayo nagsisimula ang negastar mo na!" negastar? Ano namang ibig sabihin no'n?

"Negastar, hindi mo rin alam? Akala ko ba sa callcenter ka nagtatrabaho. Wala bang nagsasalita ng mga gaylingo do'n?" umiling ako. I heard a few, pero hindi ko talaga sila naiintindihan.

"Sorry, I serve half of my life sa dagat at wala namang mga gano'ng salita akong naririnig." Sabi ko.

"Hays, tuturuan kita." Kumunot ang noo ko.

"What makes you think na gusto kong matuto?" tanong ko sa kaniya.

"Para... actually hindi ko rin alam. Basta, tuturuan kita. Bakit ba ang dami mong tanong? Pwede bang magfocus nalang tayo sa plano, okay?"

"Fine." Wala naman sigurong masama kung itatry namin. And besides, ginagawa at gagawin ko ang lahat ng mga ito, kahit pa malaking kalokohan ang sumama at makisama sa babaeng ito, gagawin ko dahil, mahal na mahal ko si Abi.

...

Nakabalik na ako sa trabaho kinabukasan, kahit na medyo nahihilo pa ako ay kailangan ko nang bumalik dahil sa dami ng mga tambak na trabaho akong naiwan nitong mga nakaraang araw. Medyo namiss ko rin iyong stress. Iyong hindi emotional stress. Iyong stress na at the end of the day, maihiga mo lang mawawala na. Hindi katulad na kahit matulog pa ako ng mahabang panahon, kapag nagising muli ako, muli kong maalala ang mga nangyari na minsan, niloko ako ng asawa ko. At kahit na gano'n pa man, patuloy ko parin siyang minamahal.

Lunch break.

3am.

"Sir., may naghahanap po sa inyo sa may reception," sabi ni Jane sa akin. Isa sa mga magagaling na agent namin.

"Uhm, sino raw?" tanong ko sa kaniya.

"Si beauty raw?" beauty? God! Don't tell me! Paano niya nalaman iyong office namin?

Kaagad ko siyang nilabas at hinarap sa reception.

"Jusko! Akala ko hindi mo na ako lalabasin dito. Inip na inip na ako!" nagrereklamo pang sabi niya sabay abot sa akin ng isang supot.

"A-ano ito? At anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Pauline. Pinagtitinginan na kami ng mga kaofficemate ko at itong si Pauline e parang wala lang sa kaniya na pinag-uusapan kaming dal'wa ng mga katrabaho ko. Hinila ko siya sa may gilid at do'n ko siya kinausap.

"What the fuck are you doing here?" medyo inis na tanong ko sa kaniya.

"Kumalma ka nga! Alam mo bang mas mabilis kumalat ang tsismis sa loob ng opisina kaysa sa kanto? Just wait ang see." Kalmadong sabi ni Pauline sa akin. At maya-maya biglang nag-vibrate ang phone ko. Pag-slide up ko ay nakabasa ako ng text mula kay Abi.

"Who is that girl?" tanong ni Abi with angry emoji.

"See? I told you. Let them be, iinisin natin sila. Paiikutin natin sila. Paglalaruan natin sila, hanggang sa sila na mismo ang sumuko. Tapos, sa huli, tayo ang magwawagi." Hindi ko parin maintindihan.

"Para kasing mali." Sabi ko.

"Sa tingin mo ba, tama ba ang ginagawa nila? Tama ba, na saktan ka nila ng ganito? Deserve mo ba na maramdaman itong sakit? Hindi 'diba? Atleast, in our case, we do it because, we care. We love them. Because of love, Gino." Tapos tinapik ni Pauline ang balikat ko at hinalikan ako sa pisngi.

Tapos, nakareceive na naman ako ng text mula kay Abi.

"Hindi na kayo nahiya. Sa loob pa talaga kayo ng office naglalandian! Ang kapal ng mukha mo!" ramdam ko ang inis at galit ni Abi ng mga oras na iyon.

At some point, parang tama rin naman si Pauline. Kahit papaano e, may sense din naman pala itong baliw na babaeng ito. Kung sila may karapatang manakit ng iba, bakit ako, wala? And besides, tama rin siya na ginagawa ko ito, dahil sa pagmamahal ko sa kaniya. Dahil mahal na mahal ko siya.

The Battered HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon