#4

2.2K 55 25
                                    


#4

Napaupo ako sa couch niya pagkatapos kong marinig ang mga sinabi niya ng minutong iyon. Ayaw ko siyang paniwalaan. Pero, nanumbalik sa akin iyong nasaksihan ko no'ng nakaraang araw sa mismong opisina niya na mayro'ng lalaki siyang kahalikan. Kung tatahi-tahiin ko ang lahat ng mga iyon, para bang iisa lang ang ibig sabihin nito. Nagsasabi ng totoo si Pauline sa akin.

"A-are you okay? Gosh! Pauline, siyempre hindi! Pero, sorry! Hindi ko naman tinatangka na sirain ang pamilya mo. Actually, naaawa lang ako sa iyo." Do'n ako napatingin sa kaniya. Ang bigat na ng mga mata ko ng oras na iyon, at tila ba parang ilang saglit nalang ay babagsak na ang luha sa mga mata ko.

"Oo. Nakita kita. Nakita kita kagabi, pagkatapos kang iwan ng asawa mo. Pagkatapos niyang sirain ang napaka-sayang gabi na para sana sa inyong dal'wa. And I felt the agony. I felt the pain. At habang nakikita ka na mag-isa, naramdaman ko rin iyong sakit." Tapos lumapit siya sa akin. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin hanggang sa magkatapat na ang mukha naming dal'wa.

"Ube ice-cream, gusto mo?" sabay abot niya sa akin ng ube ice-cream. Akala ko tuloy, hahalikan niya ako. Ano bang iniisip mo, Gino? Pero, sa totoo lang biglang nawala iyong bigat sa dibdib ko ng minutong iyon at napalitan ng ngiti dahil sa ginawa niya.

"Ayan, mas cute ka kapag ngumingiti ka!" saka siya kumindat at iniwan ang ube ice-cream sa ibabaw ng table.

"Diyan ka lang okay, h'wag ka munang magpakamatay, okay? Dahil, ipagluluto kita ng napaka-sarap kong putahe."

"A-ano naman iyon?" magpapakamatay talaga kaagad?

Tanong ko.

"Pakbet!" masiglang sagot niya. Napailing nalang ako. Alam ko na kung bakit siya iniwan ng asawa niya, may sakit siya sa pag-iisip!

"Hoy! Alam ko ang iniisip mo. Hindi no!" nanlaki ang mga mata ko. Ibig bang sabihin na nababasa niya ang iniisip ko? O gano'n lang talaga ako kadense?

"Hindi ako baliw! Basilio! Crispin! Mga anak ko! Nasaan na kayo!!!" umaarte pa siyang nababaliw! Napailing nalang ako habang nags-scoop ng ice-cream na inihanda niya para sa akin.

"Nakasimangot ka na naman. Please, pwede bang mamaya ka na magsimangot at mamaya mo na isipin ang asawa mo?" lumapit siya sa akin at kinuha niya ang cellphone ko. Akmang ite-text ko na kasi si Abi pero bigla niyang hinablot.

"I need to talk to my wife, Pauline!" sabi ko.

"No! Sa ganyang estado ng isip mo? No way!"

"B-bakit ka ba nange-ngealam sa buhay ko, sino ka ba ah?"

"Concern citizen. And by the power of love given to me by God. Basta, tutulungan kita." Kumunot ang na naman ang noo ko.

"What?"

"Sabi ko, tutulungan kita."

"Tutulungan?"

"Ang bingi mo! Oo, tutulungan kitang mahuli sa akto iyong asawa mo at iyong kabit niya. Para maging masaya ka na. Maging Malaya ka na, katulad ko!" turo pa niya sa sarili niya.

"Sinong nagsabing hindi ako masaya?"

"Ako!"

"Sino ba sa tingin mo? You're just a stranger."

"A stranger who will help you to realize that your bitch wife is the bitches of them all!" taas kilay pa niya ng minutong iyon.

"Baliw!"

"Promise! Just let me help you,"

"Bakit ba ang kulit mo?" nakukulitan na talaga ako sa kaniya.

"Kasi, maganda ako?"

"Who told you?"

"My ex-husband?"

My gosh! Nababaliw na ako sa babaeng ito!

"Please, Pauline! Just give me the damn phone!" tumaas na muli ang boses ko at napatalon muli siya sa gulat, tapos dahan-dahan niyang inabot sa akin iyong cellphone ko. Tapos kinuha ko na ito sa kaniya, at akmang aalis na nang muli na naman siyang magsalita.

"Gusto kitang tulungan kasi, asawa ko ang kalaguyo ng asawa mo." 

The Battered HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon