#35

1.3K 37 13
                                    


#35

"Ikaw?" inaasahan na ni Abi na ang sinasabing bisita ng kaniyang asawa ay si Pauline, pero hindi siya handa. Lalo pa't nandito ang dati nitong asawang si James. Kaagad na pumasok sa kaniyang isip ang kaniyang asawa. Maguguluhan ito. Hindi lang ito maguguluhan kundi masasaktan niya ito. Hindi naman talaga niya balak na itago ang katotohanan sa kaniyang asawa, sadyang hindi palang talaga siya handa. Totoong pinagsisisihan na niya ang lahat ng mga nagawa niya noon sa kaniyang asawa. Pagkatapos ng paghihirap niya ng magkasakit ito, masasabi niya na ito na ang karma niya. Hindi niya sinasabing nagsisisi siyang inalagaan niya si Gino, gusto niyang gawin iyon. Gusting-gusto niya. Dahil, gusto niyang bumawi. Gusto niyang magpakaasawa sa kaniyang asawa kahit sa mga mata ng tao ay sobrang dumi na niya. Kahit na sa tingin nila ay wala siyang karapatan, ginawa niya. Nilunok niya ang pride niya. Tinanggap niya ang lahat ng masasamang tingin ng tao sa kaniya. Nangalap siya ng pera, para lang maisagawa ang operasyon ni Gino. At laking pasasalamat niya na gumaling na nga ito.

Nagkatitigang silang dal'wa.

"Hon?" biglang tinawag si Abi ng kaniyang asawa. Lumabas siya ng pintuan. Hinawakan niya sa braso si Pauline at hinila't saka nito sinarado ang pintuan.

"A-anong ginagawa mo dito?" naluluhang tanong ni Abi kay Pauline. Napalunok ng laway si Pauline habang pinipigilan niya ang kaniyang sarili. Hindi parin niya kasin nakakalimutan kung paano siya tinawag nitong ahas ng babaeng ito. At mas lalong hindi pa niya nakakalimutan iyong ginawa niyang pang-aagaw sa kaniyang asawang si James. Kinalma nito ang kaniyang sarili, saka tumugon sa tinatanong sa kaniya.

"Pinapunta ako ni Gino," taas noong sagot nito sa kaniya.

"H-hindi ka dapat nandito!" pinagtaasan na siya ng boses ni Abi, habang hawak-hawak parin siya nito sa braso, mas humihigpit ang paghawak nito sa braso ng babae at nararamdaman ni Pauline na tila dumidiin ang mga kuko nito sa kaniya ngang braso. Kaya hinila na niya ang braso niya palayo kay Abi at tinitigan ito ng masama. Maya-maya biglang bumukas ang pintuan, at nadatnan ni Gino na nagkaharap na ang asawa niyang si Abi at Pauline at napansin niyang tila parang mainit ang namamagitan sa dal'wa.

Huminga ng malalim si Pauline at aktong aalis na sana ng minutong iyon ng biglang lumapit si Gino at hinawakan ito sa braso't napatingin si Pauline sa kaniya.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Gino sa kaniya.

"Hindi dapat ako nandito," sagot ni Pauline sa kaniya.

"Please, stay." Sabi ni Gino kay Pauline. Para bang sinasaksak ng matalas na bagay sa kaniyang likuran si Abi sa kaniyang mga naririnig mula sa kaniyang asawa.

"G-gino," she was trying to say something pero para bang nauutal siya sa tuwing nakikita niya sa mga mata ng lalaki na para bang gusting gusto niyang manatili ito.

"Please," he was teary eyed that time. Nanlambot ang tuhod ni Pauline biglang lumabas si James. Tila para bang bumalik ang lahat ng sakit na naramdaman niya sa dati niyang asawa. Mas lalo na niyang kailangang umalis.

"Gino, hindi talaga p-pwede." She was about to walk out ng biglang tinawag ni James ang pangalan niya saka siya napahinto.

"Pauline," sambit ni James sa pangalan ng dati niyang asawa.

Hwag kang humarap. Please, h'wag kang humarap, Pauline. Sabi niya sa kaniyang sarili.

"Pauline," muli niyang binanggit ang pangalan nito na siyang ipinagtaka ni Gino, at nagkatitigan sila ng kaniyang asawang si Abi. Na tila may tanong sa kaniyang mga mata.

Hanggang sa ang mahinang si Pauline ay humarap sa dati niyang asawa.

"James?" nagkunwari pa siyang hindi niya ito napansin.

"Kamusta?" kaswal na tanong nito sa kaniya. Na para bang wala lang ang nangyari sa kanilang dal'wa.

"Magkakilala kayo?" kunot noong tanong ni Gino sa dal'wa. Napatingin siya pareho sa dal'wang ito, tapos muli siyang napatingin kay Pauline.

"Hindi lang magkakilala, dati pa kaming mag-asawa." Tugon ni Pauline saka siya naglakad muli pabalik sa kinatatayuan nila.

"A-ano, tatayo nalang ba tayo dito? Hindi ba tayo papasok sa loob. Kasi, nilalamok na ako." Tila biglang nagbago ang ihip ng hangin. Kanina, parang gustong-gusto ng umalis ni Pauline, pero nang makita niya si James, tapos nando'n rin si Abi at si Gino. Mukhang magandang reunion ito ah.

"Tara, pumasok na tayo." Yaya pa ni Abi sa lahat. At sabay-sabay na silang pumasok sa loob ng bahay. Ramdam ni Abi ang tension at gano'n din kay James sa pagdating nila sa loob ng hapagkainan.

"Ihahanda ko lang ang kakainin natin," sabi ni Abi, tapos tumayo si Pauline upang tulungan siya.

"Tulungan na kita." Nagkatitigan silang dal'wa, saka tumingin si Abi sa asawa niyang si Gino na busy sa pakikipag-usap kay James ng minutong iyon.

"Sure," nakanginting sagot ni Abi, saka sumunod si Pauline sa kusina nila.

Habang kinukuha ni Pauline ang mga plato't baso ay hindi na napigilan ni Abi na magsalita rito.

"Hindi ko alam ang dahilan mo kung bakit biglang nagbago ang isip mo. May tyansa ka ng umalis ng oras na iyon, pero bakit bigla kang bumalik?" pagtatakang tanong nito kay Pauline.

"Wala lang. I just find it interesting." Sagot nito sa kaniya.

"Pauline. Alam kong hindi naging maganda ang nakaraan nating dal'wa, pero nagbago na ako."

"Talaga? Akala ko kasi, kahit magbago ng bihis ang ahas, ay ahas parin siya." Walang sabi-sabing sinabi ito ni Pauline sa kaniya.

"Alam kong hindi mo parin ako napapatawad sa nagawa ko sa iyo noon, pero gusto ko lang sabihin na pinagsisisihan ko na ang lahat ng mga nagawa ko." Dagdag pa nito.

"Kung talagang nagsisisi ka, bakit hindi mo sinabi kay Gino ang totoo?" napatahimik siya saglit at saka kinuha ang potholder at hinawakan ang isang bowl na naglalaman ng putaheng niluto niya para sa kanilang hapunan. Sinigang na baboy.

"Abi, hindi kasi gano'n kadali." Naluluhang sabi nito.

"Siyempre, iniisip ko parin iyong kundisyon niya. Paano kapag sinabi ko nga sa kaniya ang totoo, tapos makakaapekto pala ito sa utak niya, tapos ikapahamak pa niya ito. Ayaw ko ng mangyari ulit iyong oras na halos pakiramdam ko ay mawawala na siya sa akin. Mahal na mahal ko si Gino, at sabihin mo mang, gaga ako. Pokpok. O kahit ano pang gusto mong sabihin, sa loob-loob ko, mahal ko ang asawa ko. At kahit na magsinungaling ako para lang mabuhay siya gagawin ko. H'wag lang siyang mawala sa akin." Napailing nalang si Pauline sa baluktot na dahilan nito.

"Ikinukulong mo siya sa isang relasyon na hindi tama. Naaawa ako sa iyo. Dati, si Gino ang nanlilimos ng pagmamahal para lang mapansin mo siya. Para lang makalimutan mo iyang si James, tapos ngayon ikaw naman. Ang karma nga naman. Hindi man dumating sa araw na iyon, dumating at dumating parin."

Hindi na nakakibo pa si Abi, at tila tinanggap nalang niya ang mga salitang ibinato sa kaniya ni Pauline ng mga oras na iyon.

The Battered HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon