#16

1.5K 37 21
                                    


#16

"Matutulungan ka ni James na mabigyan ng magandang trabaho. Marami siyang koneksyon. Marami siyang kumpanya na pwede mong pagtrabahuan, Gino, para ito sa future natin, Gino." Paliwanag pa ni Abi sa akin.

"Abi, naririnig mo ba ang sarili mo?"

"Gino, let's be practical!"

"Abi, hindi pa ba ako sapat sa iyo?" hindi nalang ako nasasaktan sa ginagawa ni Abi sa akin, kundi tinatapakan na rin niya pati ang pagkatao ko.

"Gino naman,"

"Sagutin mo ako, Abi. Hindi ba ako sapat sa iyo?"

"Ayaw kitang saktan, Gino." Dahan-dahan pa niyang sagot sa akin.

"Putang-ina, sa tingin mo ba sa ginagawa mo sa akin ngayon, hindi pa ako nasasaktan nito? Abi, durog na durog na ako. Bawat salitang lumalabas diyan sa bibig mo, si James ang nilalaman. Abi, nasaan ba ako sa mga plano mo? Kasama pa ba ako sa plano mo?"

"Kaya nga pinapapili kita, kasi kung ayaw mo na rin naman. Palayain mo na ako. Pagbigyan mo na akong maging masaya."

"Abi, hindi naman kasi pu-pwedeng gano'n."

"Kailangan mong mamili, Gino. Kailangan mong mamili," tumayo siya at biglang umalis. Habang ako, nakasalampak lang sa sahig at litong-lito.

Kinuha ko ang cellphone ko't tinawagan ko si Pauline, mabuti't kaagad niyang sinagot ang tawag ko, pakiramdam ko kasi mababaliw na ako.

"N-nasaan ka?" tanong ko kay Pauline.

"Umiiyak ka ba?" bungad niyang tanong sa akin.

"Nasaan ka nga!"

"Ay, galit? Nasa condo, bakit?"

"Pwede bang magkita tayo?" tanong ko sa kaniya.

"Okay," mabilis na sagot niya.

...

"Uy, mag-iisang oras na tayo dito sa coffee shop na ito, pero hindi ka parin nagku-kwento, ano na ba? Ang sakit na ng daliri ko sa kakalaro sa tetris, hindi ka parin nagsasalita. Siguro, namiss mo lang talaga ako no?" tapos napansin niyang umiiyak na ako ng minutong iyon.

"Hoy! Tang-ina nito, umiiyak ka talaga?" sabi niya sa akin.

"Ang gago mo rin e no? Siyempre, tao lang ako. Kahit nga imahe ng Sto. Nino, umiiyak, ako pa kaya na may pakiramdam?"

"Ayun, nagsalita rin. Jusko, purgang-purga na ako sa kape sa katawan, tapos ngayon ka lang magsasalita? A-ano na?"

"Hindi ko kasi alam kung paano ko ikukwento," hindi ko kasi talaga alam. Ayaw ko rin kasi isipin ni Pauline na para bang gusto ko iyong ideya na sinasabi ni Abi.

"Jusko, kailan ba kita hinusgahan? Bukod sa mukha kang bakla, e wala naman akong ibang sinabi sa iyo," tinignan ko siya ng masama.

"Sorry na, ayaw mo kasing mag-kwento e. Sige ka, uuwi na ako." Sabi niya sa akin.

"Gusto ni Abi na, tanggapin ko na rin raw si James." Nanlaki ang mga mata ni Pauline ng minutong iyon.

"Tarantada! Anong pumasok sa isip niya? Nababaliw na talaga siya!" nagsimula na siyang mainis.

"Kumalma ka, okay?" sabi ko.

"Paano ako kakalma, Gino. Involve din ako dito, okay? Asawa ko ang pinag-uusapan niyo. Para bang gusto ni Abi siya lang ang manalo? Ano? Ginto ba ang pepe niya?" jusko, nagsitinginan na ang mga customer sa paligid namin.

"Pauline!" tinatry kong pigilan siya pero parang mas mainit pa siya kaysa akin.

"Kapag nakaharap ko talaga iyang asawa mo, kakalbuhin ko talaga iyan." Nangigigil na sabi ni Pauline sa akin.

"Pauline, pinagtitinginan na tayo ng mga tao." Nahihiyang sabi ko. Nakayuko na ako ng minutong iyon at nakakaramdam na ako ng hiya. May ilang mga kumukuha na ng litrato kaya tumayo na ako't hinila ko na palabas ng shop na iyon si Pauline at sa loob nalang kami ng kotse muling nag-usap.

"Pinapapili ako ni Abi, kung siya raw ang pipiliin ko, kailangan ko raw tanggapin sa buhay namin si James, dahil kung hindi, kailangan ko na raw siyang palayain." Paliwanag ko pa kay Pauline.

"Edi palayain, tang-ina pala niya e." galit na sabi ni Pauline. Hindi ako nakakibo.

"H'wag mong sabihing? Tang-ina naman, Gino! Mahal mo parin ang gagong iyon, kahit na ginagago ka na?"

"Pauline, hindi mo kasi naiintindihan." Sabi ko.

"Alin ba sa mga sinasabi mo ang hindi ko maintindihan?" sabi niya.

"Mahal na mahal ko si Abi."

"Nando'n na tayo, Gino. Mahal mo siya etcetera! Pero, Gino! Harap-harapan ka ng ginagago! Papayag ka bang, pag-gising mo mukha ni James ang makikita mo?"

"H-hindi,"

"Pwes! Palayain mo na siya!"

"Hindi ko nga kasi kaya!" inis na sabi ko sa kaniya.

"Pwes, kayanin mo. Kasi siya, wala siyang pagdadalawang isip na iwanan ka, Gino. Kaya ka lang hindi maiwan-iwanan ni Abi, dahil may responsibilidad siya sa iyo bilang asawa mo. Kasal kayo, okay?"

"Pauline, anong gagawin ko?" I'm so helpless.

"Tigilan mo na ito. Palayain mo na siya."

"Hindi kasi gano'n kadali, Pauline." Dagdag ko pa.

"Masakita talagang makita na iyong taong pinangarap mo, ay unti-unting mawawala sa iyo. Masanay ka na, ganyang talaga ang buhay, Gino." Sa lahat ng mga sinabi ni Pauline, ito na ata ang may pinaka-sense sa lahat.

The Battered HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon