#13

1.6K 39 5
                                    

#13

Almost 9pm na nang nagdesisyon kaming bumaba na mula sa unit. Tinignan namin kung nasa loob pa ba sila Abi, siyempre hindi ako ang tumingin, mahina ang loob ko sa mga ganitong bagay, kaya si Pauline na ang nagpresinta. Lumabas siya't sumilip sa unit nila James at maya-maya bumalik siya sa unit namin at sabay sabing, wala na raw tao do'n. It means, nasa labas sila. Either nagdidinner na sila o baka nasa beach sila.

Kaya tsinek namin sa receptionist kung talaga bang walang tao sa kabilang unit, at siyempre si Pauline ulit ang nagtanong. Tinanong ng receptionist kung anong relasyon niya do'n sa kabilang unit. Kasi raw VIP room raw iyon. Maya-maya ay mayro'ng inilabas na id si Pauline. Isang company ID ng pamilya ng mga SOLER. Gaya nga ng sabi ko, itong hotel na nilalagian namin ay pagmamay-ari ng pamilya SOLER at hindi pa naman sila opisyal na naghihiwalay, kaya parte parin siya ng pamilya SOLER at dala-dala parin niya ang apelyedo nito.

Nataranta ang babae at kaagad na tsinek at tinawagan ang unit nila James. At nakumpirma nga nila na walang tao roon. Sunod na tinanong ni Pauline ay kung saan sila pumunta. Pero hindi siya mabigyan ng sagot. Pinatawag ni Pauline ang Manager ng babaeng receptionist at nang lumapit ito ipinakilala ni Pauline ang kaniyang sarili.

"Good evening, Ma'm. How can I help you?" magalang na bungad ng Manager sa aming dal'wa ni Pauline.

"Ikaw siguro iyong Manager, hindi ba?" tanong ni Pauline.

"Opo, ano pong maipaglilingkod ko po sa inyo?" sabi ulit nito.

"Pwede mo bang ma-trace kung nasaan ang asawa ko?" kumunot ang noo ng Manager at tila nagtaka.

"Uhm, sino pong asawa niyo?" sabi pa nito.

"Sino pa ba? Edi, si Jameson Soler! Ano, malalaman niyo ba kung nasaan ang asawa ko?"

"Hindi maaari, dahil kausap ko lang kanina si Mr. Soler at kasama niya ang kaniyang asawa," napatingin si Pauline sa akin. Asawa? Sinabi ni James na asawa niya si Abi? Kapal ng mukha niya!

"Uhm, gusto mo pa bang ipakita ko ang marriage certificate namin, para malaman mo na ako ang tunay na asawa niya?" napatingin ang Manager sa kanyang mga staff.

"I am Mary Pauline Bautista Soler, okay na ba?" kaagad na kinuha ng Manager ang kaniyang security staff at inassist kami papunta sa security room. Do'n ipinakita sa amin ang cctv ng paligid ng Hotel. Even the nearest restaurant na possible na puntahan nilang dal'wa, hanggang sa napansin ni Pauline ang dal'wa sa isang restaurant hindi kalayuan sa Hotel at tinuro niya ito. Tapos hinila niya ang kamay ko't dinala ako sa lugar na iyon.

Sa entrance palang ay kitang-kita na naming dal'wa kung gaano sila ka-sweet sa isa't-isa at napahinto ako ng minutong masaksihan ko ang pangyayaring iyon.

"Good evening, Mam/Sir Welcome to Honeymoon Restaurtant!" masayang bati ng isang staff sa aming dal'wa.

"May reservation po ba sila or walk-in po?" dagdag pa nito, pero hindi ko siya nakibo, si Pauline nalang ang kumausap dito.

"Walk-in! Uhm, Miss pwede bang do'n kami malapit sa dal'wang iyon?" turo pa ni Pauline sa pwesto nila Abi.

"Ah, kanila Mr. and Mrs. Soler?" muling napatingin si Pauline sa akin.

"Ah, Oo! Bestfriend kasi nila kami at isusurprise lang namin sila." Nakangiting sabi ni Pauline sa staff.

"A-ah, gano'n po ba? Please wait for a while." Sabi ng staff at umalis na ito. Napatingin muli sa akin si Pauline na tila nag-aalala sa akin.

"Ano? Itutuloy pa ba natin? Pwede ka pang umatras. Pwede pa tayong umatras, kung gusto mo lang naman." Iyong ngiti niya ang nagbibigay lakas sa akin ng oras na iyon.

"Hindi! Kung may dapat mang mahiya sa atin, sila iyon. Wala tayong ginagawang masama, Pauline." Sabi ko sa kaniya.

"Yan! That's the spirit!" tapos bumalik na iyong babae at hinatid na kami sa upuan namin.

Hindi nila kami napansin dahil busy sila sa pag-uusap nilang dal'wa, hanggang sa makaupo kami. Nakayuko pa ako ng minutong iyon para hindi mahalata nilang dal'wa, pero sa totoo lang nag-iinit na ang dugo ko. Gusting-gusto ko ng sugurin si James at pagsasapakin ang mukha nito, pero hindi naman kasi ako pinalaki ng pamilya ko na bastos at basagulero. Mayro'n akong respeto sa tao, at sa iba. Lalo na't nasa pampubliko kaming lugar.

Kaso, itong si Pauline, hindi niya napigilan ang kaniyang sarili.

"Waiter!" tawag pa niya sa waiter ng naglalakad sa harapan namin ng minutong iyon.

"Yes, Ma'm?" sabi nito.

"Uhm, question. Nagpapapasok ba kayo ng hayup dito?" tanong ni Pauline. Patuloy parin sila sa pagtatawanan at pag-uusap na malapit ang mukha sa isa't-isa.

"H-hindi po. Hindi po allowed iyong any pet sa restaurant po." Sagot niya kay Pauline.

"E, bakit may nakita akong ahas dito?" biglang natumba ng babae sa tabi namin iyong baso niya at natakot sa narinig mula kay Pauline.

"P-po? Ma'am, wala naman pong ahas dito!" sabi ng waiter kay Pauline.

"Mayro'n. Gusto mong ituro ko pa sa iyo?" nagkakaro'n na nang pag-bubulung-bulungan iyong mga tao sa paligid namin.

"Ma'am nagkakamali po ata kayo," dagdag pa ng waiter.

"Talaga ba? E, siya?" tumayo si Pauline at tinuro si Abi.

Do'n na sila napatingin sa amin.

Nagkatitigan kaming dal'wa ni Abi, at gano'n din silang dal'wa ni James at Pauline.

"Ma'am, bawal po ang eskandalo dito," sabi ng waiter kay Pauline.

"Hindi ako nag-eeskandalo. Tinanong kita, kung pwede ba kayong magpapasok ng hayup dito, specifically, ahas! And you told me, it's not possible. Then, anong tawag mo sa isang babaeng mang-aagawa ng asawa? Ahas, hindi ba?" do'n na lumapit si James at hinawakan niya sa braso si Pauline at pinigilan.

"Enough!" sabi ni James kay Pauline. Tumayo na ako't tinanggal ko ang kamay ni James sa pagkakahawak niya sa braso ni Pauline.

"Pre, ikaw ang tumigil!" sabi ko sa kaniya.

"Sino ka ba?" tanong ni James sa akin.

"Tsk. Hindi mo ako kilala?" tanong ko sa kaniya, sabay tingin sa asawa kong si Abigail.

"You know what, wala akong panahon sa inyong dal'wa. Pwede bang umalis na kayo? Security!" sabi pa niya sa aming dal'wa sabay tawag ng security.

"Ako lang naman ang asawa ng babaeng kasama mo." Sabi ko sa kaniya. Saka siya napatingin kay Abi na umiiyak na ng minutong iyon. 

The Battered HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon