#18

1.5K 34 16
                                    


#18

Kinabukasan.

Muli nang bumalik si Abi at this time, kasama na niya si James. Sa totoo lang hindi pa ako sanay na makita siya o silang dal'wa, pero tinatry ko ang sarili ko na pakalmahin. Nandito na, wala na akong magagawa pa. Kailangan kong tanggapin na ito na ata talaga ang magiging buhay namin. Ako, si Abi at si James.

"Love, si James." Pagpapakilala pa ni Abi sa akin kay James.

"Gino na nga pala. Humihingi ako ng tawad sa nangyari no'ng huli nating pagkikita. I know na hindi maganda iyong ginawa namin ni Pauline." Sabi k okay James tapos nakipagkamay ako sa kaniya.

"No! It's okay. Actually, nawiwirduhan parin ako sa set-up natin, pero I thank God na pumayag ka sa ganitong klaeng set-up." Sabi ni James sabay yakap ng mahigpit sa asawa ko.

"Narealize ko na, nakakapagod makipaglaban lalo na iyong kalaban mo e iyong nakaraan." Sabi ko sabay tingin kay Abi.

"Uhm, I prepared some dishes for our dinner today, and I hope you like it. Na-ikwento na ba ni Abi na masarap akong magluto ng adobo?" I try to be a nice sa harapan nilang dal'wa kahit na sobrang awkward ng mga nangyayari.

"Oo, babe! Sobrang sarap niyang magluto ng Adobo, iyong adobo niya may saging at pineapple kaya naghahalo iyong tamis at asim. You should try that one, babe." Babe? So talagang may tawagan na sila? O, endearment na nila iyan no'ng sila pang dal'wa?

"Shall we?" sabi ko saka nila ako sinundan sa may dining area.

Inalalayan ni James si Abi na umupo sa favorite spot naming dal'wa. Inshort, siya ang umuupo ngayon sa upuan na dapat ako at marahil napansin ni Abi iyon ng mapatingin ako sa gawing iyon, habang hawak-hawak ko ang isang mangkok na naglalaman ng niluto kong adobo.

"Hmmm, it looks delicious!" sabi pa ni James.

"Masarap talaga iyan, luto iyan ng Love ko e," sabi ni Abi sabay hawak sa kamay ko habang ikinikiskis niya ang ilong nila sa bawat isa.

"Babe," rinig kong sabi ni James kay Abi.

"Oh, let us pray first before we eat." Sabi niya, magkakahawak kami ng kamay ng minutong iyon habang nagdadasal si Abi. Pero silang dal'wa lang ang nakapikit at ako nakatingin lang sa kanilang dal'wa. Nang matapos siya ay umarte ako na napadilat din.

"Ang haba naman ng dinasal mo, Love. Mukhang from old testament to new testament iyon ah?" pabirong sabi ko, pero mukhang hindi niya nakuha ang biro ko.

"Hehehe. Shall we start?" sabi ko. Tapos tumayo ako para pagsandukan si James ng luto ko.

"You don't have to do that, Bro," sabi ni James sa akin pero nagpumilit parin ako.

"It's okay, ganito talaga kami..." tapos natapunan ko siya sa damit niya ng sarsa ng adobo. Kaagad kong binitawan iyong bowl at pinunasan iyong damit niya gamit ang kamay ko, tapos tumayo siya at kaagad akong humingi ng tawad. Sinundan ni Abi si James sa may kusina, and I heard them na nagtatalo, after few minutes. Muli silang bumalik, pero aalis na pala si James. Hinatid pa ni Abi si James sa may labas, sinundan ko sila at nakita kong hinalikan ni James si Abi sa labi bago ito pumasok sa loob ng kotse. Tapos, kumaway si James sa akin, kumaway din ako sa kaniya at lumingon si Abi sa akin, naglakad palapit sa akin na masama ang titig.

"My God, Gino! Anong kalokohan iyon?" galit na sabi ni Abi sa akin habang papasok kami ng bahay.

"A-anong kalokohan ang sinasabi mo?"

"Do you think, hindi ko alam ang ginagawa mo?" napakunot ako ng noo sa sinasabi ni Abi sa akin.

"Abi, hindi kita maintindihan," sabi ko.

"B-bakit mo pa kasi gustong hainan si James ng ulam na ginawa mo, tapos ipinagyayabang mo na masarap iyong luto mo?" hindi ko talaga siya maintindihan, bakit siya nagagalit sa akin ng gano'n.

"Love, ikaw ang nagsabi kung gaanong kasarap iyong luto ko, love. Hindi ako." Paliwanag ko sa kaniya.

"Ofcourse, ayaw kitang mapahiya. Siyempre, ginatungan ko na iyong mga sinasabi mo, para lang hindi ka magmukhang tanga sa harapan niya. My God, Gino! Sana sa susunod, sabihan mo ako sa mga ginagawa mo, hindi iyong nagmumukha tayong tanga. Nakakahiya sa kaniya!" naisip pa talaga niya iyong ibang tao? Samantala na ako iyong asawa niya, hindi ba niya naisip na mahirap para sa akin na makita siya at ang kabi niya na ginagawa iyon sa harapan ko? Sa mismong pamamahay ko? Sa mismong asawa ko?

"Sorry, Love," paghingi ko pa sa kaniya ng tawad at sabay yakap ng mahigpit sa kaniya. Kaso, tinanggal lang niya iyong pagkakayakap ko't umakyat na siya ng kwarto.

Napailing nalang ako ng minutong iyon, hanggang sa mayro'ng unregistered number na tumawag sa akin. Sinagot ko ito.

"Hello, sino ito?" tanong ko sa tumatawag.

"Uhm, it's James." Sagot niya.

"James? N-napatawag ka?" nawiweirduhan ako na kausap ko ang kabit ng asawa ko.

"I called you, to say thank you for accepting this set-up. I know it sounds weird, that we talk like this without getting into fights, but I'm happy that you gave me a chance to share my love to your wife." Para bang may sumusuntok na kutsilyo sa puso ko.

"Anyway, regarding what happen awhile ago. I left, because I have an urgent meeting tonight. And I'm sorry, if I didn't had a chance to taste your wonderful, adobo. Maybe next time?" sabi pa niya.

"Sure, next time."

"Okay, then. Well, good night?"

"Good night, have a safe trip." Sabi ko tapos binaba na ni James iyong tawag niya sa akin.

Paano mo ito nagagawa sa sarili mo, Gino? Paano? 

The Battered HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon