#28

1.3K 29 3
                                    


#28

Sa sobrang lakas ng pagkakasapak ng lalaki sa mukha ni Pauline ay kaagad itong nawalang ng malay at dinala sa hospital.

"Gising na po ang pasyente." Sabi ng doctor. Hindi alam ni Gino kung matatawa ba siya o maaawa sa itsura ng babae ng oras na iyon. Nakabenda ang mukha nito dahil sa namamaga pa ang mukha nito dahil sa nangyari.

Kanina pa niya napapansin ang babae. No'ng una, inisip niya na pulubi ito, iyong mga tao bang nangdudutdut sa balikat mo tapos hihingian ka ng barya? Pero, sa gilid ng kaniyang paningin napansin niyang nakapustura naman ang babae at hindi siya mukhang pulubi. Kaya inisip niya na baka baliw. Iyong bang nakatakas sa mental hospital? Pero, masyado naman siyang maganda para maging baliw. Kaya nagkibit balikat nalang siya at nagpatuloy sa pagpili ng isdang gustong ipabili ng kaniyang asawang si Abi, pero hindi siya pamilyar sa mga klase ng mga isda.

Hanggang sa sinigawan na siya ng babae, pero hindi parin niya ito pinansin hanggang sa mas nilakasan na niya ang pagsigaw niya dahilan para iyong mismong tindera na ng isda ang magsabi na tinatawag siya ng babaeng nasa gilid niya. Tinignan niya ito at hindi niya maintindihan kung bakit gano'n nalang ang tingin sa kaniya ng babae. Iyong klase ng tingin na para bang nagtataka.

"Yes?" sabi ni Gino. Hindi naman niya kasi alam kung paano ito kakausapin. Baka bigla nalang siya nitong kagatin, kasi nga iniisip nga niya na baka takas sa mental ang babae.

Kaya laking gulat niya ng bigla nalang itong magreak na para bang inis na inis siya sa sinabi nito.

"Yes, mo mukha mo!" sabi ni Pauline kay Gino dahilan para mas lalo niyang hindi pansinin ang babae at talikuran ito. Kaso, bigla niyang naramdaman na may enerhiyang tila papalapit sa kaniya ng minutong iyon at napalingon siya, tapos laking gulat niya na nasa harapan na niya ang babae at nagkadambahan silang dal'wa, naout of balance at nadulas dumausdos ang likuran sa may basang at masangsang na amoy ng sahig ng palengke. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay napadikit ang kaniyang palad sa dalawang malulusog nitong suso.

"You look horrible," sabi ni Gino kay Pauline sabay pilit nitong hindi matawa.

"Tang-ina mo!" sagot ng dalaga sa kaniya habang inirapan siya.

"Look, i don't know who you are. And I'm sorry if I offended you by my actions a while ago, kasi hindi nga kita kilala." Giit pa nito.

"Kahit na, tang-ina mo parin!" sabi ni Pauline sa kaniya.

"Kilala mo ba ako?" tanong ni Gino kay Pauline.

"Tang-ina, ang arte mo! May pa-english-english ka pa ngayon. Dami mong alam." Inis na wika ni Pauline sa kaniya. Lumapit si Gino kay Pauline at akmang sisipain sana siya nito pero mukhang nagalaw ang kaniyang leeg at umaray ito sa sakit.

"Bakit ka galit?" pagtataka ni Gino.

"Kasi, ang arte mo! Hindi ka naman ganyang dati." Sabi ni Pauline sabay irap muli.

"Dati? So, kilala mo nga ako?"

"Gino Hernandez! And yes, kilala kita. Dal'wang taon lang tayong hindi nagkita tapos makaarte ka na para bang hindi mo na ako kilala, ang sama mo!" ramdam ni Gino ang inis na nararamdaman ng babae ng oras na iyon. Kung paano siya magsalita at kung paano siya tumingin sa kaniyang mga mata ay masasabi nito na talagang nagtatampo siya.

"I'm sorry, I had a surgery few months ago," napakunot ng noo si Pauline sa narinig mula sa dating kaibigan.

"Surgery?" pagtataka niya.

"Yes, brain surgery." Dagdag pa niya. Bigla siyang kinabahan sa narinig. Kaagad na pumasok sa kaniyang isip na kaya pala siya hindi makilala nito dahil sa side effect ng nangyaring surgery sa kaniya.

"I had a brain tumor. And luckily I survived the operation but sadly, the very first time my eyes were open, again. Wala akong maalala. Even my wife, Abigail. Hindi ko siya maalala. Siguro, that's the side effect of the operation. And according to my surgeon, those are just side effect and eventually, through therapy, my memory will be okay. Babalik na raw muli sa dati, kailangan ko lang raw ay panahon. So, sorry if hindi kita matandaan kasi, hindi talaga kita nakikilala." Pagpapaliwanag pa ni Gino kay Pauline.

"Tang-ina mo parin!" sabi ni Pauline kay Gino.

"Why are you still mad at me?" hindi parin maintindihan ni Gino kung bakit tila galit parin ito sa kaniya.

"Tang-ina! You left me behind. You just disappear! Just like that? Tapos, babalik ka nang ganyan? Tang-ina mo!" hindi naiwasan ni Pauline na maluha.

"Are you crying?" tanong ni Gino.

"Are you asshole? Get lost! Umalis ka na! Mas mabuti na ngang wala kang maalala." Sabi ni Pauline. Nagtaka si Gino sa inaasal ng dating kakilala. Bakit gano'n siya magsalita? Bakit parang gano'n nalang siya pakitunguhan nito. Bakit parang pakiramdam niya ay may nagawa siyang malaking pagkakasala dito?

Umalis siya sa lugar na iyon na may halong pagtataka, medyo nakaramdam siya ng kirot sa kaniyang ulo ng minutong iyon at kaagad niyang tinawagan ang kaniyang asawa na si Abi.

At nagkita silang dal'wa sa isang parking lot sa isang mall malapit sa hospital na pinagdalhan niya kay Pauline.

"What happened?" nag-aalalang tanong ni Abi sa kaniyang asawa. Kaagad niyang inilabas ang gamot ni Gino at pinainom ito. Pagkatapos inumin ay lumiyad siya, habang hawak-hawak parin ang ulo, saglit na napapikit at tila para bang nakikita niya sa kaniyang paningin ang mukha ng babaeng nakilala niya kanina.

"I met a girl a while ago." Sabi ni Gino.

"O-okay," pagtataka ni Abi.

"Sino raw siya?" tanong ni Abi.

"I don't. I forgot to know her name, but she seems so mad at me."

"Baka, Ex mo?" sagot ni Abi.

"Ex? You told me, that I don't have Ex, kasi ikaw lang iyong babaeng minahal ko, right?" suddenly, Abi clears her throat. Yes, he's right. Wala naman ibang babae talaga na minahal si Gino, bukod sa kaniya.

"I'm just kiddin," palusot pa ni Abi ng minutong iyon.

"What is she looks like?"

"Tiger?" kumunot ang noo ni Abi sa sinabi ni Gino.

"What?"

"She's like a tiger. She roars so loud. And she's so annoying. She kept on saying "Tang-ina mo" to me, a lot. Hon, did I do something terrible in my previous life?" tanong ni Gino kay Abi.

"W-wala," nag-aalangang sagot ni Abi.

"Tsk. After our conversation, biglang sumakit iyong ulo ko. Para bang may nagti-triggered sa ulo ko, and I think that she's the reason, kung bakit sumakit ang ulo ko." Dagdag pa ni Gino.

"I don't think so, maybe we can go to Dr. Santos para malaman natin kung bakit sumakit muli ang ulo mo," suggestion pa ni Abi.

"It's our anniversary today, Hon. And besides, may schedule naman ako sa kaniya on Friday, so please h'wag na nating sirain iyong araw na ito, okay?"

"Okay." Sabi ni Abi sabay halik sa labi ng asawa.

"And I'm sorry, if hindi ko nabili iyong isda na sinasabi mo, ang dami kasing isda sa market e," paghingi pa niya ng tawad.

"I told you, na magpadeliver nalang tayo e, ikaw kasi itong makulit." Kinurot pa niya sa tagiliran niya si Gino at nagkulitan na silang dal'wa sa loob ng kotse.

The Battered HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon