#11

1.6K 35 7
                                    


#11

"Sino iyong babaeng iyon?" pagdating ko ng bahay ito kaagad ang binungad sa akin ni Abi. Galit na galit ng datnan ko siya sa bahay. Tama nga si Pauline. Medyo umiipekto na iyong pagpapanggap namin.

"S-sino?" kunwari hindi ko naiintindihan iyong ipinupunto niya.

"Nagdedeny ka pa, kitang-kita mo naman. Sino nga siya?" pinagtaasan na niya ako ng boses.

"Babalik ka na ba?" tanong ko sa kaniya.

"Don't change the fucking topic! Who is that damn girl?" she's still yelling at me as she pointed the phone in my face.\

"A-ah, si Pauline. The girl that I told you na nameet ko sa Prime Residence. Iyong sinamahan kong mamalengke at hinatid ko sa unit niya, what's the problem with her?" pilit kong kinakalma ang sarili ko pero sa totoo lang nanginginig na ang buong katawan ko.

"What's the problem? Do you really fucking asking me, what's the problem? Wake up, Gino! It's not you! Hindi ganito ang Gino na kilala ko. Hindi ako kayang lokohin ng Gino na kilala ko. Mahal na mahal ako ng Gino na kilala ko, so please! Tell me, sino ba talaga siya?" she's started to hysterical. Pero sa totoo lang, para bang hindi na ako naniniwala sa mga sinasabi niya. Tama naman siya. Hindi ko siya kayang lokohin. Ni hindi kailanman sumagi sa isip ko na lolokohin ko ang isang tulad niya kasi nga, magmula highschool palang e, pangarap ko na siya. Pero, siya. Niloko niya ako. Nakuha niya akong saktan. Nakuha niya akong gaguhin.

"She's just nobody," walang ganang sagot ko. Tapos dumiretso ako sa may kusina at binuksan ang ref. tapos kumuha ng pitsel na may lamang malamig na tubig at isinalin ito sa baso't saka ako lumagok at pagkatapos ay muli akong hinarap ni Abi.

"Nobody?"

"Yes, ano pa bang gusto mong marinig?" sagot ko sa kaniya.

"Bakit ganyan ka sumagot sa akin?" ikalma mo ang sarili mo. Hindi pa panahon para malaman niyang may-alam ka sa mga kalokohan niya.

"Sorry, Love. Pagod lang ako sa trabaho." Umaarte pa akong sumasakit ang ulo ko.

"No! Palagi ka namang pagod sa trabaho, pero never mo akong sinasagot ng ganyan. Sino ba talaga siya, ah!"

"Nasabi ko na hindi ba?" umarte ako. Hinagis ko iyong basong hawak ko para lang mapatahimik siya at laking gulat ko na tumahimik siya't nagulat sa ginawa ko.

"G-gino." Naluluhang sabi niya. Sa totoo lang hindi ko napiglan ang sarili ko't nilapitan ko siya. Nang makita kong umiiyak siya, para bang nadurog ang puso ko. Sasabihin ko na sana sa kaniya kaso bigla siyang nagsalita.

"Maybe, oras na para maghiwalay na tayo." Pinunasan niya ang luha niya tapos kinuha ang bag niya't nagwalk-out siya.

Kaagad kong tinawagan si Pauline.

"Puta naman oh? Ano na naman?" 7:30 na nang umaga at halos kararating ko lang galing sa trabaho, tapos si Pauline, kakagising lang din. Hindi ko siya masisisi na pagmumurahin niya ako dahil hindi pa siya nakakakumpleto ng tulog magmula ng magkasama kami nitong mga nakaraang araw.

"Sorry kung naistorbo kita, pero gusto ko lang sabihin na nakasurvive ako sa pagtatalo namin ni Abi ngayon." Sabi ko kay Pauline. At some point para bang narelieve iyong puso ko, at kahit papaano ay nabawasan iyong bigat ng nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw kasi nailabas ko iyong tension sa katawan ko.

"Good for you! Pwede na ba akong bumalik sa pagtulog?" sabi niya sa akin na halatang inaantok pa.

"Sige,"

"Okay, goodnight. Este, goodmorning na pala!" tapos binaba na niya ang tawag ko. Napabuntong hininga ako ng minutong iyon at napatingin ako sa basong hinagis ko kanina. Iyon pala iyong basong regalo sa akin ni Abi no'ng first year anniversary namin. Iyong baso na may litrato niya. Kinuha ko iyong dustpan at walis at inilis ko iyong mga kalat sa sahig. Tapos naghugas ako ng kamay at umakyat na sa kwarto ko.

Kinabukasan.

Muli akong pumasok sa trabaho at laking gulat ko ng nando'n si Abi at kausap niya ang boss ko. Tapos nang magtama ang aming mga mata ay napansin ko na namumugtong ang kaniyang mga mata. Tapos napansin ako ng Boss ko, tinawag niya ako at do'n na nagpaalam si Abi. Gusto ko sana siyang kausapin at habulin pero tinawag muli ako ng Boss ko.

Sa loob ng office ay kinausap ako ng Boss ko.

Isa sa policy namin sa trabaho naming ay ang pagbabawal ng magkaroon ng kalantari o kabit. Lahat ng mga empleyado na malalaman o mahuhuli sa akto nang Gawain ito ay tatanggalin kaagad sa trabaho. Kahit na gustong-gusto kong ipagtanggol ang sarili ko hindi ko magawa. Hindi ko masabi sa Boss ko na, nagpapanggap lang kami ni Pauline. Na ginagawa lang namin ito para marealized nila iyong mawawala sa kanila. At sa hindi ko maintindihang bagay ay kahit na nangyari ito. Kahit na tinanggal ako sa trabaho dahil sa kaniya. Siya parin ang iniisip ko. Siya parin ang laman ng puso ko. At kapag nalaman ng ibang tao na siya talaga ang nanloloko sa aming dal'wa, pakiramdam ko masasaktan ako ng husto. Kapag nakita siyang nasasaktan.

The Battered HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon