Chapter 1

5.6K 53 0
                                    

Dedicated to Ms.Maria! I love your stories po, and I love Zeus hehe. Keep writing po Ate! 


=========


(Casper's POV)

Tinignan ko ang babaeng sumasayaw sa stage ng Bar ko. Kanina pa niya ako tinitignan at binibigyan ng makahulugang ngiti. Nginitian ko naman ito, a playful smile.

Oo casper, tama yan. Libangin mo ang sarili mo.

Ininom ko ang alak na nasa baso ko, at nag lagay ulit. Nilibot ko ang paningin sa buong bar. Nandito ako sa second floor ng Bar ko, at kahit dito, madami ng tao. Anu pa kaya pag sa baba?

Napailing na lang ako. Indeed, sobrang swerte ko sa field ng business. I got everything. At the age of 20 napatayo ko ang unang bar ko located sa Quezon City, at pag 22 ko naman, tinayo ko na yung second Bar ko. Now that I'm 26 I already have 7 Bars.

Pero bakit ganun, kahit gaano kana ka successful sa buhay. May kulang pa din. There's just something inside of me, that's broken. It seems like, it's been broken for a long time, and I thought time will heal it. But it didn't. Mas lalo lang itong lumalim. Mas lalo lang itong sumakit.

Napatigil ako sa pag iisip ko ng may uminom ng alak ko. What the hell? Agad akong nag angat ng tingin at nakita ko si Bryzon. This bastard.

"Alone?" he said at umupo sa tabi ko.

"Yeah, awhile ago. But now, hindi na." sabi ko na ikinatawa naman niya. "ininom mo alak ko pero di mo man lang nilagyan ulit" saad ko.

"Oh right." sabi niya at nag lagay ulit ng alak. Ininom ko naman yun at nag lagay ulit.

"So tell me, kailan mo ko ilalakad kay monique?" I was talking about the  model na kilala niya. Its not that Im serious. I just want to, you know, have her. More like, have fun with her.

"She was not there" casual niyang sabi.

"So talo ka" natatawa kong sabi.

"Whatever." he said na ikinatawa ko.

Nag pustahan kasi kaming dalawa. If mapapakilala niya ako kay monique, titigilan ko na yung pag papadala ng iba't ibang babae sa office niya. Pero if hindi, I will have his Private plane for 3 months.

"I don't even know why you choose to have my plane for 3 months. You can always buy one, you know" he said.

"Nah. Ayoko pang bumili nun. Besides, I know how busy you are travelling lately, that's why Im getting it. Para bumili ka ng ticket." I said and laugh. Tinignan niya naman ako ng masama.

Gustong gusto ko talagang inisin yung mga taong nasa paligid ko. Hindi ko naman gagamitin yun e. Iniinis ko lang talaga si Bryz.

"Asshole" pikon niyang sabi na ikinatawa ko.

Nice. Matatapos nanaman tong gabi ko na may nainis na tao.

=========
(Khacy's POV)

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Okay naba tong itsura ko? Hindi ba masyadong makapal tong make up ko?

Tinginan ko naman ang damit ko, okay naman tignan yung floral sakin diba? Eh yung shoes, bagay ba sakin to?

"Anak! Bilisan mo na at kanina kapa hinihintay ng papa mo!" sigaw ni mama mula sa baba.

"Opo ma! Patapos na po!" Sabi ko.

Agad ko ng kinuha ang sling bag ko at tinignan ulit ang sarili ko sa salamin. Yep. Think positive. Kaya mo yan.

Pag bbring up ko sa sarili ko. Alangan naman ibring down ko diba?

Pag baba ko ay agad akong sinalubong ng yakap ni mama. "kaya mo yan anak. Wag kang kabahan ha" she said. Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ni mama.

"Thank you ma" sabi ko at niyakap ito.

"Hindi ko man gusto, pero kailangan na naming umalis ng ating princesa,aking reyna" napatingin naman kami kay papa na nakatingin sa amin habang naka tayo sa may pintuan.

Ngumiti naman si mama, "Naku ang aga aga binobola mo ko" sabi ni mama.

"Totoo naman. Ikaw naman talaga reyna ko ah. At princesa ko naman itong maganda na batang ito" sabi ni papa sabay hawak ng kamay ko.

"Hindi na po ako bata pa" sabi ko habang tumatawa.

"oh e, princesa ka pa rin namin" saad ni papa. "Diba reyna ko?" sabi niya sabay tingin kay mama.

"Nag iisang princesa" sabi ni mama habang nakatingin sakin.

"Naku ang mga magulang ko." sabi ko sabay pulupot ng dalawang kamay ko sa mga kamay nila "Wag po kayong mag alala. Forever niyo po akong magiging Princess!" I said while smiling.

Tumawa naman sila. Hinatid na kami ni mama sa labas at si papa naman ay pinaandar na ang aming lumang van. Luma lang siyang tignan pero okay pa naman.

"Anak, kinakabahan kaba" tabong ni papa.

"hmm. Medyo po pa" sabi ko.

"Wag kang mag alala. Sigurado ako matatanggap ka sa papasukan mong trabaho." sabi ni papa

"Sana nga po pa" saad ko.

Nag papasalamat talaga ako dahil nag karoon ako ng mga suppotive na magulang. Kaya sobrang mahal na mahal ko sila, dahil sakin nila binubuhos lahat ng pag mamahal nila. Ako lang kasi yung anak nila, kaya binibigay sakin yung mga kailangan ko. Masaya din ako kasi lumaki ako na nakikitang sobrang mahal na mahal ni papa si mama, at ganun din naman si mama.

Napaisip tuloy ako, kailangan kaya ako mag kakaroon ng lalaking iibig sakin habang buhay?

Please Try (COMPLETED)Where stories live. Discover now