(Khacy's POV)
"Anak, ma llate kana. Bilisan mo na diyan, hinihintay kana nang Papa" narinig Kong sigaw ni mama sa baba.
"Opo! Sandali Lang." Sabi ko at binilisan nag pag aayos ako.
Bakit ba Kasi late ako nagising? First day mo sa trabaho, pero mukhang nag tatampo si tidhana sakin, dahil ako nanaman ang pinag tripan.
8:00 am Ang pasok namin. At 6:50 na ako nagising kanina, and mind you, 20 minutes Yung biyahe Mula sa bahay namin papunta sa Kompanya na pinag ttrabahuan ko. Hindi pa traffic Yung 20 minutes, Anu na Lang Kaya Ang mangyayari sakin ngayon Kung traffic mamaya? At update Lang ha. 7:30 na. Jusko! Nag ccramming na ako.
Pag katapos Kong mag ayos, agad na akong bumaba. Pumunta ako sa kusina, at kumuha Lang ng isang tinapay at nag lagay ng hotdog dun. Akmang lalabas na ako nang mag salita si mama.
"Aba aba, asan ang kiss ko?" Sabi ni Mama. Nakangiting nilingon ko Naman siya at hinalikan sa pisnge.
"Bye Mama. I love you!" I said at tumakbo na palabas Ng bahay. Nakita ko Naman si Papa na nasa Kotse na at hinihintay ako.
"Bilis na pa, ma llate ako." Sabi ko nang maka upo na ako.
"Oo na, Ito na." Sabi ni papa at nag madaling mag drive.
Nang makarating kami sa tapat ng building nang kompanya na pinag ttrabahuan ko, ay agad akong nag paalam Kay Daddy at lumabas.
Jusko! 8:01 na!
Late na ako. As in!
Agad akong sumakay ng elevator at pumunta sa department Kung san ako naka-assign. Hindi ko pa Alam Kung Anu Yung exact na trabaho ko, iba Kasi Yung inaplayan ko keysa sa nakuha Kong trabaho e.
Nang tumigil na Ang elevator, ay agad akong lumabas. Dahil sa pag mamadali, may naka bangga ako. Natumba Naman ako, pero agad din Niya akong na salo.
Tinignan ko Ito, at nakita Kong Isa siyang lalake. Hindi ko Alam pero bigla akong nakaramdam ng paru paru saking tiyan. Bilis din bumilis Ang tibok ng puso.
Anung nangyayari sakin?
Nakatingin Lang Ang lalake sakin na gulat na gulat. Hindi ko Alam Kung dahil ba sa katangahan ko, Ang pag ka gulat Niya o dahil ba sa ganda ko.
Oo. Maganda ako. Di ko babawiin Yan.
Gusto ko pa sanang tagalan Ang pagtitig sa gwapo na nilalang na to, pero nahagip ng mata ko Ang wall clock. 8:07 na! Agad Naman ako napatayo at inayos ako sa sarili ko.
"Thank you ha." Yun Lang Ang sinabi ko bago ko Ito nginitian. Halata Naman na nagulat siya sa pag ngiti ko.
Bakit ba siya nagugulat? Ako Lang to.
Mabilis akong naglakad papunta sa opisina na inemail sakin. Pero bago ako Pumasok dun, nilingon ko Muna Ang lalakeng nabangga ko. Nakita ko Naman na nakatingin Lang Ito sa direksyon ko. I smiled at him before going inside.
Hindi ko Naman maikakaila na Ang gwapo Niya. Pasok siya sa Type ko. Anu ba Yan, Kung Anu Anu Yung iniisip ko. Late na nga ako sa first day ko sa trabaho, pero inuuna ko pa ang pag landi.
"Are you Ms.Santos?" Napatingin Naman ako sa babaeng naka salamin.
"Opo. Pasensya na po kayo na late ako. Hindi na po mauulit talaga." I said. Mukhang mataray Yung babae. Kaya huminge na agad ako ng pasensya.
"It's okay. Just don't do it again." Sabi niya. Tumango Naman ako bago siya nginitian. "Come here, I'll orient you on what you need to do as the Secretary of the CEO." Sabi niya. Natigilan Naman ako.
Sandali.
Tama ba Ang rinig ko?
Secretary ng CEO?
"Sandali po." Sabi ko. Nilingon Niya Naman ako. "Sinabi niyo po bang, secretary ng CEO?" Tanong ko.
"Yes." She said. Nanlaki naman Ang mga Mata ko.
"Paano? Bakit?" Tanong ko.
"It's because you're applying a job? That's why we hired you?" Sabi niya na Para bang napaka Bobo Ng tanong ko. Napayuko Naman ako.
Tama nga Naman siya. Nag aapply ako, Kaya andito ako mag ttrabaho.
"Let's go." She said at tumalikod na Mula sakin. Sumunod Naman ako sa kanya.
"So First of all, our CEO don't want any of her employees to be late. She really hates that. Second, pag dating na pag dating Niya, ay kailangan may mainit na siyang kape sa table Niya. It is always cream before sugar. Third, ayaw na ayaw niyang tumatanggap ng bisita, maliban na Lang sa parents Niya sa asawa Niya at sa kaibigan Ng asawa Niya. Kung merong pumunta na Wala sa tatlong binanggit ko, paalisin mo agad." Sabi neto.
Kahit Hindi ko pa nakikita o nakikilala Ang CEO, natatakot na ako. Mukhang Ang daming gusto. Mukhang mahihirapan ako sa trabaho ko. Ultimong pag timpla Lang ng kape dapat organize din.
Anu ba Yan!
Bakit ba Kasi ako reklamo nang reklamo? Ako Ang nag ttrabaho, dapat matuwa pa nga ako na may trabaho ako e. Hindi Yung nag rreklamo ako.
"Yan Lang naman Ang mga importanteng bagay na dapat mong tandaan. Yung Iba ieexplain ko na Lang sa desk mo." Sabi niya at nauna nang mag lakad sakin. Nakasunod Naman ako sa kanya.
I sighed heavily. Hindi pa nag uumpisa Ang trabaho ko, napapagod na ako. Pero fighting Lang! Kailangan Kong mag trabaho. Kaya dapat kakayanin ko to.
Inexplain sakin lahat nang dapat Kong malaman. Pag kalipas ng isang oras, nag paalam na Ito at sinabing kailangan Niya Ng bumalik sa opisina Niya. Nag pasalamat Naman ako sa kanya at muling tinuon ang attensyon ko sa monitor na nasa harap ko.
Paano nga ulit to?
Naka focus ako sa pag alala Ng mga tinuro sakin, nang biglang may kumalabit sakin. Nilingon ko Naman iyun, at nakita ko Ang isang babae.
She's beautiful! Pero mukhang mataray siya. Parang pag sumeryoso Ang mukha Niya, matatakot ka talaga. Pero nevertheless, she is still beautiful.
"Hi!" She said at ngumiti sakin. Nagtaka Naman ako. Hindi ko siya kilala. Empleyado din ba siya dito? Pero mukhang Hindi e. Iba Yung suot Niya. Tipong hindi kayang suotin ng di hamak na empleyado Lang.
"Hello din" bati ko sa kanya. Medyo nahihiya ako sa kanya. Hindi ko Naman Kasi siya kilala e. Nagulat Naman ako Ng tumawa Ito. "Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Nothing" she said. Tumigil Naman siya sa pag tawa. "I just missed you" she said na ikinataka ko.
She miss me?
Anu daw? Normal paba tong babaeng to?
"Anyway, where's my coffee?" She asked. Natigilan Naman ako.
Omg.
Don't tell me....
"I'm Tazanna Sy Tan, I'm the CEO of this company" she said na nag palaki ng dalawa Kong Mata.
YOU ARE READING
Please Try (COMPLETED)
RomantizmI am Casper Locsin, and I will do everything to get her back. I am Khacy Santos, and I will do everything to move on. (RED HEART SERIES) [UNEDITED]