Chapter 11

1.3K 28 0
                                    

Kakatapos Lang namin kumain nila Mama. Hinintay ko lang makatapos si papa para mag paalam sa kanya. Hindi ko na mabilang Kung ilang beses akong tumingin sa relos ko para tignan ang oras.

Bakit ba Ang bagal ni Papa kumain? Sa dinami dami ng araw na pwede niyang i-enjoy Ang pagkain Niya, bakit ngayon pa?

Hindi Naman halata na excited akong Makita si Casper nu? At Hindi din Naman halata na nag mamadali ako?

Argh! I don't know. I just want to see him. I just want to be with him.

Iba Yung epekto ni Casper sakin. I don't know why pero iba talaga.

Nasa huling subo na si papa nang umangat Ito Ng tingin sakin. Nabigla Naman ako sa ginawa niya. "Bakit po?" tanong ko sa kanya.

"May lakad kaba anak?  Mukhang nag mamadali ka ah?" Tanong Niya.

Ganun ba ka obvious?

Ngumiti Naman ako. "Opo. Pero uuwi din Naman ako mamayang Gabi." Sabi ko. Napakunot naman Ang noo ni papa.

"San ka Naman pupunta? May kasama ka ba?" Tanong ni papa. Hinawakan Naman ni mama Ang kamay ni papa at pinisil iyun.

"Hayaan mo na si, Khacy. Kailangan Niya din Naman mag gala pa minsan minsan." Sabi ni Mama at ngumiti sakin. Napangiti Naman ako.

See? Sakin talaga kampi si mama e.

Huminga Naman Ng malalim si Daddy bago ako tinignan. "Oh siya. Basta bumalik ka bago mag 8:00 okay?" Sabi ni papa. Napangiti Naman ako. Agad akong tumayo at humalik sa kanik.

"Opo! Thank papa, thank you Mama." Sabi ko bago nag paalam na aalis na.

Nang makasakay na ako Ng taxi ay agad Kong kinuha Ang phone ko at nag text na Kay Casper.

-Papunta na ako sa LM (Lopez Mall). Dun na Lang Tayo magkita?

Yun Lang Ang tinext ko at sinend ko na. Hindi pa nakaka dalawang minuto nang mag reply siya.

- Sure. Papunta na din ako. See you 😊♥️

Sa Hindi malaman na dahilan biglang bumilis Ang tibok ng puso ko.

Bakit may heart?

Bakit din bumibilis Ang tibok Ng puso ko? Argh! Pate dito sa text napapa kilig Niya ako!

Okay, Kalma Khacy!

- Okay. See you.

Yan Lang at sinend ko na.

Tama ba Ang tinext ko? Dapat mag lagay din ako Ng emoji? Paano ba Naman Kasi, pag nag lagay ako ng emoji baka iba Yung iisipin Niya.

Eh Anu Naman sayo? Gusto mo nga siya diba? Sabi Naman Ng isip ko.

Argh bahala na!

Nag text ulit ako.

-♥️

Send.

Waaah! Ang landi ko!

Hindi ko na ma explain Yung pag kapula ng mukha ko. Pero Kasi, fudge! Kinikilig ako.

Pagkalipas ng kalahating oras, dumating na ako sa LM. As far as I can remember, Isa to sa mga malls ni Laurence. Nakasabay ko na din siya nung last na nag lunch kami ni Zanna with her friends. Nakakatakot din si Laurence. I don't know pero Parang iba Yung aura Niya. Yung tipong wag Kang magloloko pag siya Yung kausap o kasama mo.

Naglakad na ako papasok nang LM. Hindi ko Naman maiwasan Ang Hindi mamangha sa mall na'to. Hindi Naman Kasi siya ordinaryong mall Lang e. Tho it has different shops, may department store din, and of course may supermarket din. But it has also it's own open area.

Open area means, walang bobong na part nang mall. Yung tipong pag gusto mong mag pahangin Lang, ode Kaya pag gusto mo mag smoke. Dun ka ka Lang pupunta. Also the mall has it's own function hall.

Nag lalakad Lang ako at tumitingin sa ibang shop nang may biglang umakbay sakin. Agad akong napatigil sa pag lalakad at tinignan Kung Sino iyun. Agad Naman nawala Ang takot ko nang mapag tanto ko kung sino Ang umakbay sakin.

"Tinakot mo ko!" I said to Casper. Natawa Naman siya. Hindi ko Naman maiwasan Ang Hindi siya tignan at Hindi hangaan.

Naka plain black shirt Lang Ito, pants, at naka cap. Bakit kahit Ang simple ng pormal Niya Ang lakas pa din ng dating Niya?

" Kanina pa ako nakasunod sayo. Pero mukhang malalim Ang Iniisip mo." Sabi niya. Napatingala Naman ako sa kanya, at dun ko na Lang napagtanto na Ang lapit pala namin sa isa't Isa.

Of course! Naka akbay siya sakin e!

Wait....

Naka akbay siya sakin! Omg! I can feel butterflies in my stomach!  Feeling ko tuloy Ang pulang Pula na ng mukha ko.

"You're blushing, Peach" he said. Dun ko Lang nakita na naka tingin na pala siya sa mga Mata ko. Napahinto tuloy ako sa pag lalakad. Lumayo ako sa kanya ng onti. Nagulat Naman siya sa ginawa ko.

"W-What should we do?" I ask at iniwas Ang tingin ko sa kanya.

Argh! Bakit Niya ba Kasi nakita na namumula ang mukha ko? Nakakahiya!

"Ikaw? You want to eat? You want to watch movies? Anung trip mo?" He asked. Nag lakad Naman na ako at nag isip isip. Sumabay na din Ito sakin sa pag lakad.

"Hmmm.. we can watch some movies." Sabi ko. Tumango Naman Ito.

"Movie it is." He said. Nakita ko din na nakangiti siya.

Ganito ba siya kasaya Kasi mag kasama kami?

"Can I ask you something?" I said habang nag lalakad kami. Tumingin Naman Ito sakin.

"What is it?" He asked.

"Mag kakilala naba Tayo? Like do I know you?" I asked.

Hindi ko na napigilan Ang sarili Kong tanungin sakanya Yun. Gusto ko Kasi talagang malaman Kung bakit ako nag Kaka ganito. Gusto Kong malaman Kung magkakilala naba kami noon, at baka nakalimutan ko Lang.

"Tingin mo kilala mo ko?" He asked. Tinignan ko Ang mga Mata Niya. I see something in there. I see pain.. I see longingness...

Nag kibit balikat Naman ako. "I don't know. But it seems like I know you. Pero Hindi ko naman naalala na nag Kita na Tayo before o mag kilala Tayo." I honestly said to him. Umiwas Naman Ito ng tingin. Parang biglang naging madilim Ang mukha Niya. Galit ba siya?

"If you think you know me, you shouldn't be asking me if we met before." He said. Kumunot Naman Ang noo ko.

"What do you mean?" I asked. Tinignan Niya ako sa mga Mata ko. Nakita ko din na seryoso Ang mukha Niya.

"Maybe the mind will forget, but the heart? The heart will always remember..." He said. 

What is he talking about?

Please Try (COMPLETED)Where stories live. Discover now