Chapter 2

2.4K 39 0
                                    

(Khacy's POV)

Nakatingin Lang ako sa pintuan sa harap ko. Ilang tao naba Ang lumalabas-pasok diyan? Hindi ko na mabilang.

Kinakabahan ako?

Oo! Sobra!

I mean, paano ba Naman Kasi. Kanina pa ako nandito, pero Hindi pa tinatawag Ang pangalan ko. Pero minsan gusto ko na Lang din na di tawagin Ang pangalan ko e.

Sobra Kasi Ang kaba ko. Kinakabahan ako sa magiging interview. Paano pag di ako natanggap? Paano pag nag kamali ako? Paano pag pumalpak ako?

Bakit ba Kasi may mga interview pa pag nag apply trabaho? Hindi ba pwedeng sabihin na Lang nila Kung tanggap ka o Hindi?

At bakit ba Kasi reklamo ako ng reklamo? Ako Ang nag hahanap ng trabaho. Pero Kung maka asta ako, Parang Ang Yaman Yaman ko. Eh Hindi Naman.

"Khacy Santos?" Napalingon Naman ako sa tunawag ng pangalan ko.

"Ako po yun" Sabi ko at tinaas Ang kamay ko.

"Okay kana. Bumalik kana bukas para mag simula. Pwede ka ng umuwi ngayon." Sabi niya. Napakunot naman Ang noo ko.

Wait, tanggap na ako?

"Sandali" agad akong pumunta dun sa babaeng nag announce. "Excuse me po, tanggap na hu ako?" Tanong ko.

"Yes Ms. Santos. Bumalik ka na Lang bukas." Sabi niya at nginitian ako. Ngumiti din Naman agad ako pabalik.

Ms. Santos talaga?

Ang pormal Naman. Hindi Naman kami Ang may-ari ng company na to e.

"Salamat po." Sabi ko. Tatalikod na Sana ako sa kanya ng tawagin Niya ulit ako.

"Ms. Santos, oo nga pala, pinapasabi samin na sa ibang department ka daw ma aassign." Sabi niya. Napakunot naman Ang noo ko. "Ieemail na Lang namin Ang details. You may go." Sabi niya bago Pumasok ulit sa office.

Teka, bakit ibang department?

Pero kahit nag tataka, Hindi na Lang ako nag tanong. Ang importante ay may trabaho na ako. Pero di ko pa din mawala ang pag kataka ko e.

Narinig Kaya ni Lord Ang sinabi ko na bat pa mag iinterview? Kung pwede Lang naman sabihin nila Kung tanggap ako o Hindi?

Omg.

Ganyan kami ka close ni Lord? Grabe. Thank you Lord!

Napag pasyahan ko na lang umuwi. Ayoko din naman gumala. At Wala Naman akong kaibigan.

Yep, I don't have any friends. Ewan ko ba. Pero Ang jolly Naman ng personality ko. Hindi Naman ako KJ, Hindi Naman ako mataray. Pero di ko Naman Alam Kung bat Wala akong kaibigan.

Nang makarating ako sa bahay ay agad Kong hinanap sila Mama at Papa. Kwenento ko din sa kanila Ang nangyari. Natuwa Naman sila na natanggap ako sa trabaho na pinasukan ko. Pero Ang ikinataka ko Lang, Nung sinabi ko na Hindi man Lang Ko ininterview pero tinanggap agad ako, ni Hindi man Lang sila nag salita. Instead, nag katinginan Lang silang dalawa.

Weird.

Pero Hindi ko na Lang pinansin Yun. Ang importante ay natanggap ako sa trabaho ko. At ang importante ay, may trabaho na ako.

"Ma, Pa. Punta muna ako sa kwarto ko ha. Papahinga Lang po." Sabi ko sa kanila.

"Sige Anak, mag pahinga kana muna." Sabi ni Mama. Ngumiti Naman ako sa kanila bago pumunta sa kwarto ko.

Gusto Kong matulog. Ewan ko ba, Ang Dali Kong mapagod. Ni hindi nga ako ininterview dun. Wala akong may ginawa dun. Pero Parang pagod na pagod ako. I don't know why.

Nilinis ko Muna Ang katawan ko bago ako humiga nang Kama ko. I just hope, when I close my eyes, I won't dream the same dream I've been having for almost a month now.


"Hey, Mi Amor." Sabi sakin nang lalake kakadating lang. Bigla Naman Kong sumaya ng Makita siya.

"Hi, Mi Amor!" I said before hugging him. He kissed me on my forehead.

"How was your day?" He asked bago ako pinag buksan ng pintuan nang kotse Niya.

"It was good! We have a new patient, she's the cutest! It's just sad na sa ganung edad niya, may sakit na siya." Kwento ko sa kanya.

"Don't be sad, Mi Amor. Just Pray for your patients na ginaling agad sila. Okay?" He said. Natawa Naman ako.

"Hindi mo man Lang sasabihin ma alagaan ko siya nang mabuti?" Sabi ko sa kanya. Natawa na din siya.

"Hindi ko na kailangang sabihin Yun. Alam Kong inaalagaan mo naman ng mabuti Ang mga patients mo e." He said.

"Ang Bolero Naman masyado." Sabi ko na natatawa pa din.

"It's true, Mi Amor. Ako nga inaalagan mo ng mabuti e. Sila pa Kaya?" Sabi niya bago ako kinindatan.

"Oo na Lang." Sabi ko bago tumawa at napailing.

This guy.. he never fails to amaze me. Palagi niyang pinapawala Ang mga paru paru saking tiyan.

"Where do you want to go, Mi Amor?" He asked.

"Hmmm... I don't know. You decide na Lang." I said. Natawa Naman siya Kaya napatingin ako sa kanyan. "What?" I asked.

"You always say that, but end up deciding where to eat after hmm.. 20 minutes " he said natatawa pa din. Napanguso Naman ako.

"Coz you always bring me sa mga seafoods na restaurant!" I said. He laughed.

"It's because I want you to eat seafoods, Mi Amor. Palagi ka na Lang fast food." He said.

"I'm allergic to seafoods Kaya!" Sabi ko sa kanya.

"No you're not, Mi Amor. Ikaw Lang Ang nag sasabi niyan." Sabi niya na natatawa pa din.

"Tsk. Sa KFC Tayo." Sabi ko.

"Wow. Faster than 20 minutes." He said na natatawa pa din.

"Shut up." Sabi mo bago tumingin sa labas.

Tsk. He's always laughing! Why is he always laughing? Ayaw ko Naman talaga sa seafoods e. Mas gusto ko Yung chicken o salad. At least my salad. At least kumakain ako ng gulay.

Napabangon ako na hingal na hingal. Ramdam ko Ang pawis sa mukha ko. It's the same dream. Hindi ko pa din nakikita Ang itsura ng lalake.

Palaging ganyan. It's already 1 month. Pero Hindi pa din tumitigil Ang mga panaginip ko tungkol dun.

Sino ba Yung lalake na Yun? I can't see his face. Palaging blurred.

Kung Sino man Yun Ang lalakeng Yun. Hindi ko Alam Kung bakit nasa panaginip ko siya. Hindi ko Alam ang relasyon ko sa kanya. But one think is for sure, he is important to me.

Pero Sino siya?

Please Try (COMPLETED)Where stories live. Discover now