Chapter 22

1.1K 20 0
                                    

After 7 Months...

Kinuha ko Ang baril na nasa harapan ko at agad Kong tinutok iyun sa isang direksyon. Tinansya ko nang mabuti Kung matatamaan ko ba Ito o Hindi. Nang masigurado Kong matatamaan ko ang target ko, ay agad akong nag pakawala nang isang malakas na putok.

Napangiti Naman ako nang Makita Kong Tama Ang Tansya ko at tinamaan ko Ang target ko.

"Impressive." Agad akong napalingon nang marinig ko ang kanyang boses.

"It's all thanks to you, Sebastian." I told him. Natawa Naman Ito.

"It's all because of your hard work, Khacy." Sabi niya. Ngumiti na lamang ako.

"Where are they?" I asked him. Kinuha Niya Naman Ang isang baril na nasa harapan ko, at tinutok iyun sa sa carton na naka-korting Tao. He pulled the trigger, and damn, sapol as ulo. "Damn. That was a good shot" Hindi ko mapigilan Hindi mag komento. Natawa Naman siya bago ako nilingon.

"Nasa loob sila. They're teaching Alexis how to handle a knife." Casual na Sabi ni Sebastian. Nagulat Naman ako.

"Again? Hazel will go berserk!" Sabi ko Kay Sebastian. Tumawa Naman Ito.

"I know. Pero Wala na akong kinalaman sa mga tinuturo sa kanya nang mga Tito niya.. ngayon." Sebastian said before laughing. I rolled my eyes before entering Sebastian's mansion.

Those guys, Wala na talagang magawang Matino. Kaya kahit ako sang ayon sa sinasabi ni Hazel na wag padalawin si Alexis dito e.

Nag lakad ako papunta sa garden nang mansion ni Sebastian. Nang makarating ako dun, ay agad ko silang nakitang nakiki pag tawanan Kay Alexis.

"That's my boy!" Sigaw ni Gage. Tumawa Naman si Alexis.

"Titos, can I ask you all something?" Alexis asked. Tumango Naman silang apat. Tumayo si Alexis sa pag kaka-upo katabi ni Gage at Blaze. Samantalang nasa harapan nila sila Damien at Dimitri, na naupo din at nakikinig din sa kanya.

Nag lakad Ito sa harap nang mga Tito niya at seryoso Ang mukha. Nanatili Naman akong nakatayo at nakatago Lang sa sliding door.

"There's this someone, he's just getting on my nerves. I don't want to punch him, coz Mommy will be called by our principal again, and we don't want that to happen by the way." Sabi ni Alexis na agad tinanguan Ng mga Tito niya. Napangiti Naman ako.

It is true.
Ayaw na ayaw ni Alexis na malaman ni Hazel tuwing napapaaway Ito. Takot si Alexis Kay Laurence, which is his daddy, and of course, takot si Laurence Kay Hazel. Pero Hindi Naman lihim samin pag may kaaway si Alexis, Ang palaging may Alam ay Ang mga Tito niya at si Sebastian. Ayaw Niya din pinapaalam sakin, Kasi sinasabi ko daw Kay Mommy Niya. Which is true. Kampi ako Kay Hazel sa pag ddesiplina Kay Alexis.

But Alexis with his Titos, ay sobrang malabo Yung salitang disiplina. Tho, I can see that Alexis is trying very hard not to get involved to a fight. Pero kusa talagang lumalapit sa kanya Ang gulo e. Sabi ni Hazel, kagaya daw Ito ni Laurence, na hindi tinitigilan nang gulo.

"But I just want to get him back, so bad." Alexis said. Nakatingin Lang ako sakanila. Hinihintay ko Ang sasabihin ng mga Tito niya.

"Just stab him." Sabi ni Damien. Agad Naman nanlaki Ang mga Mata ko.

"Nah. That's too much blood." Alexis said bago umupo sa tabi nila ni Blaze. Nilagay neto Ang kamay sa baba Niya, na Parang nag iisip ng pwedeng gawin. Napangiti Naman ako. Napaka seryoso, kagaya ng Daddy niya.

"How about a gun?" Dimitri suggest. I rolled my eyes. Ginagawa nilang killer si Alexis e.

"No. That's too loud." Alexis said.

Please Try (COMPLETED)Where stories live. Discover now