Chapter 1
"Mama, please," pakiusap ni Nunzio sa ina. "This is embarrassing for me."
"What is embarrassing about sleeping on the same bed with your kuya? Ano sa palagay mo, noong bata kayo magkahiwalay kayo ng tulugan? Mula sa sandaling nabuo kayo sa sinapupunan ko, magkatabi na kayo!" Umismid ang mabilog na babae at sinabi nang nakausli ang mga labi, "Embarrassing."
Hindi na lang siya umimik. Nabanggit na nito noong nakaraan na nais nitong matulog sila ng kakambal niyang si Kuya Melchiorre sa iisang kama, gamit ang iisang kumot, sa bisperas ng kanilang ika-dalawampu't limang kaarawan. Sa katunayan, bata pa lang sila ay sinasabi na nito iyon, kasabay ng kuwento tungkol sa "magical" quilt nito.
Ipinamana ang quilt na iyon ng lola niya sa kanyang ina. Nagmula iyon diumano sa isang gypsy sa France noong bata pa ang kanyang ina at mga tiyahin. Ayon sa paulit-ulit na kuwento ng kanyang ina, ang kanyang Lola Isidra ay labis noong nababahala para sa kapakanan ng mga anak—ang ina at mga tiyahin niya—dahil nasa lahi ng mga ito ang tumatandang walang asawa. Naihinga ni Lola Isidra ang alalahanin nito sa isang gypsy nang nasa France ito, kasama ang lolo niya. Mabait daw ang gypsy at sinabing magagawa niyong ipakita ang taong magmamahal at mamahalin ng anak ni Lola Isidra sa pamamagitan ng isang magical quilt. Sa ika-dalawampu't limang kaarawan ng gagamit ng quilt ay mananaginip ang naturang tao. Sa panaginip makikita ng tao kung sino ang magmamahal dito at mahahalin din nito nang tapat. Ang punto, sakaling walang mapanaginipan ang gumamit ng quilt, maaaring makagawa ng paraan habang hindi pa huli ang lahat.
Hindi lang ang kanyang ina ang matindi ang pananalig sa kumot na iyon, maging ang dalawang tiyahin niyang nakagamit din noon. Ang tatlong magkakapatid ay nagpapatunay na totoo ang magic ng quilt.
Sa totoo lang ay wala siyang madamang pananabik sa paggamit ng kumot. Maaari bang babae lamang ang nakakadama ng ganoon? Really, where was the fun in that? Hindi ba at mas masaya kung sorpresa ang lahat ng iyon? And what if the magic of the quilt wasn't real? What if he dreamt of a random woman and end up giving up the real mccoy because of the dream?
Not that he was surrounded by ladies, but what if?
"Oh, great! That must be your kuya!" bulalas ng kanyang ina. Agad itong nagtungo sa pintuan ng bahay at mayamaya pa ay naroon na rin sa sala ang kanyang kapatid. Napatingin siya sa kakambal. Bahagya itong tumango sa kanya, halatang hindi rin kampante sa sitwasyon. Two grown men, sleeping on the same bed, using the same quilt. Yes, he can pretty much say this was embarrassing.
"Fabrizio, the boys are here!" pakantang wika ng kanyang ina, nasa ibaba ng hagdan, tinatawag ang kanilang ama na dumating makaraan ang ilang sandali at agad na ngumiti. Marami ang nagsasabi na kamukha nila ng Kuya Melchiorre niya ang kanilang ama.
"Oh, you were able to convice them, Eusebia," pumapalakpak na wika ng papa niya, pababa sa hagdan. Inakbayan nito ang kanilang ina matapos silang tapikin sa likod na magkapatid. "How did she convice you, boys?" Tumingin ito sa kanya at nagkibit siya ng balikat, bumaling ito sa kanyang kakambal. "I was counting on you, Melchiorre."
Sukat doon ay napatawa na silang magkapatid.
Umingos ang kanilang ina. "You lost the bet, Fabrizio. You're taking a month off work. I told you I can make them do this. Boys, honestly, you should both be excited!" Namilog ang mga mata ng matanda sa labis na kasiyahan. Niyaya na sila nito sa komedor kung saan nakahain ang masaganang hapunan.
"Where's Nicci?" tanong ng kuya niya. Ang bunso nilang babaeng kapatid ang tinukoy nito.
Umismid ang kanilang ina. "She's out, as always. Makakatikim sa akin ang babaeng 'yon pagbalik." Bumaling ang matanda sa kanilang ama. "You shouldn't have let her go. She can't handle herself."
BINABASA MO ANG
Dreams of Passion 3: Nunzio and Isabela (COMPLETED)
RomanceCollab with Mandie Lee. Isang kaibigan ang turing ni Isabela kay Nunzio bata pa man sila. Ang lalaki tinaguriang "buntot" niya ng mga kaibigan niya dahil ito ang batang sunod nang sunod saanman siya magtungo. He became her best friend. Through the y...