Chapter 16

11.1K 373 11
                                    

"I CAN stay, sir."

Pinagmasdan ni Nunzio ang secretary niya. Hindi siya manhid upang hindi madama na interesado ito sa kanya. Noong nakaraang Christmas party ay hinagkan siya nito at kinabukasan din ay agad na nag-sorry. Lasing lang daw ito. Hindi nakakaligtas sa pansin niya ang mga bagay na ginagawa nito para sa kanya. Walang limitasyon tila ang oras nito kapag kailangan nilang mag-overtime. Wala ring okasyong nalimutan nitong bigyan siya ng regalo.

Sa totoo lang, naiisip niyang marahil panahon na para subukan niya ang isang seryosong relasyon. He was not getting younger and it was about two years ago when he decided he wanted children of his own some day. At pagsapit ng some day na iyon, ayaw niyang ang magiging anak niya ay walang ina. Hindi naman maaaring lumapit na lang siya sa kung sinong babae at hilinging pakasalan siya niyon. These things required effort on his part.

Hindi pa rin siya sanay sa ganoong ligawan. Sa nakaraang ilang taon, ang mga nakarelasyon niya ay kayang bilangin sa isang kamay lang at karamihan sa mga iyon ay hindi niya kinailangang gamitan ng matinding effort. Tatlo sa casual relationships niya ay nagsimula at natapos sa loob lang ng isa-dalawang linggo, sa pagtatapos din ng kung anong conference na dinaluhan niya. Most of them were foreign girls who thought he was cute.

Ang isa naman sa nakarelasyon niya ay isang babaeng nakakatrabaho niya sa internet. Nagkita sila sa personal at nagkaroon ng munting relasyon na nagtapos nang matapos ang proyekto nila. Ganoon lang parati, serye ng mga aksidenteng relasyon na kung tutuusin ay walang halaga sa kanya. O marahil nagkaroon sana ng halaga sa kanya kung nakita niyang higit pa sa pisikal ang mapagsasaluhan nila ng babae.

"No, Miss Guzman, it's late. Why don't we have dinner instead?" aniya. Wala sigurong masama kung magsisimula siya ngayon. Si Meredith Guzman ay isang beinte-siyete anyos na babae, matalino, maaasahan, may hitsura. She was not dropdead gorgeous but she was very attractive. Hindi siya naghahanap ng isang babaeng mukhang modelo o artista. Higit sa lahat, nadarama niyang walang ibang nais sa kanya ang babae kundi siya lang.

Hindi na niya mabilang kung ilang babae ang lumalapit sa kanya na ang gusto sa kanya ay hindi siya, kundi kung ano ang maibibigay niya sa mga ito. Umiiwas siya sa mga ganoong babae. Simple siyang tao at nais niya ay isang babaeng simple din lamang ang nais sa buhay.

And Isabela? Nanatili itong isang bituin na kung noon ay nais niyang abutin, ngayon ay nais na lamang niyang titigan. Matagal na panahon na rin marahil nang tanggapin niyang kailanman ay hindi sila magkakaroon ng sariling relasyon. Mula't sapul, si Zach ang gusto nito. Sa kabilang banda, nang huli niyang makausap ang babae ay natutuwa siyang mukhang masaya ito. Proud itong sabihin na nagdesisyon si Zach na iwan ang pamilya nito para rito.

It was what Isabela deserved. If someone would tell him that a man just moved heaven and earth to be with her, he would believe it.

At marahil, hindi nalalayo roon ang kailangan niyang gawin sakali man, upang makasama ito. He was no god. And he wanted to see Isabela happy. Always had. Ang ideya na mabubura ang ngiti sa mga labi nito nang dahil sa kanya ay isang bagay na hindi niya mailarawang-diwa man lang. At ang puso niya ay mayroong kung anong alwang nadarama sa isiping totoo sa loob niya ang kasiyahan na malamang masaya ang babae.

So now it was his time to find someone who would make him happy. Maybe it was Meredith. And the dream he had? Hindi iyon dapat na isaalang-alang pa dahil nangyari iyon kinabukasan pa ng kaarawan nila ng kuya niya. Besides, he never really believed in that, only wanted to believe in it when he dreamed of Isabela.

Umaliwalas ang mukha ni Meredith, isang bagay na may dulot na saya sa kanya. Ganoon ang reaksiyong nais niyang makita, isang reaksiyong nauukol sa kanya. Tumuloy na sila sa isang restaurant. Nais niyang makilala pa ang babae at naging bukas itong talakayin ang ibang bajhagi ng buhay nito.

Nagpatuloy iyon sa loob ng dalawang buwan hanggang sa ipakilala niya ito sa mga magulang niya. Ang komento ng kanyang ina, "She seems very nice, hijo. I like her!"

And so the next time Meredith and him went out on a date he said to her, "Meredith, I like you a lot. I would like for us to have a relationship, if you're okay with that."

Tawa ang una nitong naging tugon. "I never expected a very unromantic declaration of love but yes, I would like that, too."

Hanggang sa makauwi siya ay laman ng isip niya ang sinabi nito. Declaration of love? Iyon nga ba iyon? Kaya't habang nakahiga sa kama niya sa gabing iyon ay wala nang naging laman ang isip niya kundi ang sinabi ng babae. Sa kalagitnaan ng pag-iisip niya ay nakatanggap siya ng tawag mula sa hindi pamilyar na numero. Sinipat niya ang relo. Alas-dos ng madaling araw.

"Hello?" sagot niya.

"Nunzio, is that you?" tinig ng isang babae na hindi pamilyar sa kanya.

"Yes. Who is this please?"

"Oh, thank god! This is Ashley, Isabela's friend."

Agad siyang napabangon. "Is everything all right?"

"I'm afraid not. Nandito ako sa Paris. The little witch passed out from drinking too much wine. She's been crying all day since yesterday. Kanina nga may lagnat pa ang luka-luka. She's fine now and asleep. Ayoko siyang iwan dito pero kailangan ako ng anak ko. My husband called me earlier and said my little boy's sick. We're in Paris too, but I have to take care of my son. I can't leave Isabela alone. Would you mind going here? Alam kong hassle. Alam kong nasa Pilipinas ka—"

"Where in Paris?"

Sinabi nito kung saang hotel naka-check in si Isabela. Agad siyang nag-online at tumingin kung may flight agad para sa kanya. It took him a half hour. Tatlong eroplano ang kailangan niyang sakyan, o aandar ang dalawa pang araw bago siya makakahanap ng flight na may stopover lang. This was an emergency. He grabbed his luggage that was always ready for him.

Bago mag-boarding ay tinawagan niyang muli si Ashley. "I'm on my way. I'll be there in hopefully, twenty hours."

Dreams of Passion 3: Nunzio and Isabela (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon