Sinipat ni Isabela ang kanyang relo. Alas-sais ng gabi. Alas-kuwatro ang usapan nila ni Zach na magkikita sa Victoria Peak. Alam nitong bukas ay sasakay na siyang muli sa eroplano. Noong isang araw pa sila dapat na magkikita. Naiplano na niya ang pagtatagpo nilang iyon ilang buwan na ang nakakaraan. Ngunit kailangan niyang mag-adjust dahil nagkaroon daw ito ng emergency situation sa Pilipinas. Ito na ngayon ang namamahala sa factory ng mga ito. They were back together.
Nang magkahiwalay sila noong kolehiyo ay matagal silang hindi nagkita. Hindi na niya inasahan na magkikita pa sila ngunit isang araw ay sinadya siya nito sa bagong tirahan niya. Nakakuha siya ng bahay sa Antipolo na inuuwian lang niya kapag nasa Pilipinas siya.
Naroon pa rin ang sparks. Hindi na sila nangailangan ng maraming salita, o ng maraming paliwanag. Iba na si Zach sa pakiwari niya. He had grown. Muli, naging nobya siya nito. Dalawang taon. Hindi man sila madalas na nagkikita dala ng trabaho niya ay parati silang nagtatagpo sa kung saang bansa sila maaaring magsalubong. Sa pagkakataong iyon, sa Hong Kong ang tagpuan nila. Na-adjust na nang na-adjust ang lokasyon ng pagtatagpo nila. Dapat noong isang araw ay sa hotel niya. Kahapon dapat ay mamamasyal sila Giant Buddha, at ngayon ang schedule sana nila sa Victoria Peak.
She was depressed. Kanina pa niya ito tinatawagan ngunit hindi nito sinasagot ang phone nito. Walang kuwenta ang leave niya kung hindi man lang sila magkikita. It had been four months! Walang araw na hindi siya napangiti sa loob ng panahong iyon dahil inaakala niyang magiging perpekto ang kanilang bakasyon. Ngunit marahil dapat na hindi siya masyadong magdamdam. Hindi na tulad ng noon si Zach. Marami na ito ngayong responsibilidad sa kompanya.
Nag-order siya ng mushroom soup sa restaurant. Malamig ang panahon, winter. Mababa ang hamog sa bahaging iyon, palibhasa ay iyon na ang peak. Suot niya ay makapal na jacket ngunit nanginginig pa rin siya halos. Hindi pa rin sanay ang katawan niya sa malamig na klima.
Nakatanggap siya ng text message mayamaya mula kay Zach: Can't call right now. The factory burned down. Will call tomorrow.
Agad siyang kinabahan at kahit nais niyang kausapin ang lalaki ay hindi niya nagawa. Na-guilty siya bigla. Nasunog pala ang pabrika, habang siya ay naiinis na hindi nagpapakita ang nobyo. Inubos na niya ang soup at nagbayad. Lumabas siya sa restaurant at nanuyo ang ilong sa lamig ng paligid. Tinakbo na niya ang gusali kung saan naroon ang escalator pababa, patungo sa furnicular train.
Nang makababa mula sa peak ay tumuloy na siya sa hotel niya. Muntikan na siyang mapaungol nang makita ang mga tao sa lobby. Mukhang maraming event ngayong gabi at base sa magkakamukhang damit ng ibang mga babaeng nakita niya, malamang na reception iyon ng isang kasal. She hated crowds now. Ilang daang tao ang araw-araw niyang nakakasalamuha sa trabaho niya at kapag day-off niya o bakasyon, mas nais niyang manatili sa loob ng isang silid at magpahinga.
Tutuloy na sana siya sa elevator nang marinig niyang tinawag ang pangalan niya. Tumigil siya sa paglalakad at agad na lumingon. Napakaraming tao, maingay. Naisip niyang baka nagkamali lang siya ng dinig at muling tumalikod ngunit narinig niyang muli ang pangalan niyang tinawag.
Paglingon niya ay nakita niya ang isang lalaking naka-coat and tie, mabibilis ang hakbang patungo sa kanya. It took about five seconds for her to realize it was Nunzio. Halos malaglag ang panga niya.
Gone were the flabs, he was fit and so handsome! Awtomatikong napangiti siya, napuno ng kasiyahan sa puso. Tinakbo niya ito at nang magkatapat na sila ay kapwa sila ngiting-ngiti. Yayakapin ba niya ito o ano? Sa huli ay nagtaas siya ng balikat saka ito mahigpit na niyakap.
Bakit parang nais niyang mapaluha? Dahil ba nitong nakaraang ilang buwan ay damang-dama niya ang lungkot niya? Her job was a very lonely one. At gaano man ang pagnanais niyang magkaroon ng mga kaibigang bago, sadyang wala na siyang makitang makakasundo niya nang totoo, bukod pa sa parang mayroong sariling mundo ang mga kasamahan niya.
Nang maghiwalay sila ay pinagmasdan niya ang lalaki mula ulo hanggang paa. Nakanganga na siya sa puntong iyon. "You look so damned good, Nunzio!"
"You mean that?" tatawa-tawang tanong nito.
"Yeah-huh! Look at you! Sa tuwing magkikita tayo ulit, sina-shock mo ako!"
Tumawa ito. "Well, you look so beautiful. As always."
"Beautiful or old?" nakatawang tanong niya. Sa trabaho niya, madalas na mailap ang pahinga, karaniwan na rin ang pagkalito sa araw at oras, lalo na sa mahahabang biyahe. May mga sandali ring mayroong banta ng pagsabog ng kalungkutan sa puso niya sa tuwing batid niyang lalapag na sila. She hated to see airports sometimes. It was too... symbolic. Simbolo ng mga taong nagkakahiwalay. Quarter-life crisis ba ang nararanasan niya? Marahil. Ang alam lang niya ay madalas siyang malungkot.
"Beautiful, of course. You don't look a day older from the last time we saw each other. True."
"Bolero. Teka, ano ang ginagawa mo rito?"
"It's a family friend's wedding. You?"
"Dito ako naka-check in."
"Hanggang kailan ka rito? Do you still work for the airline?"
"Oo. Hanggang bukas lang ako. Actually, bukas ng tanghali ang flight ko. I have to leave early." Gustong-gusto niya itong yayaing magkape o kumain ngunit ayaw niyang makaabala rito nang labis.
"Why don't we get something to drink?"
"Pero tapos na ba ang reception?"
"It doesn't matter."
"Of course it does!"
"Come," pagbabale-wala nito sa sinabi niya. At dahil nais niya itong makakuwentuhan ay sumama na siya rito palabas ng hotel. Naglakad lang sila ng isang block at pumasok sa isang coffee shop. Kung alam lang nito kung gaano siya kasaya. Hindi niya maiwasang titigan ito habang ngiting-ngiti. Totoo ang sinabi niya kanina na sa tuwing nagkikita sila ay tila sinusorpresa siya nito. Well, look at him now!
"Isabela!" sambit nito, halata ang labis na pagkailang. "Listen, nothing really changed. I just went to the gym."
Ang lakas ng tawa niya. "Someone's inspiring you, I bet."
Dalawang kamay ang ihinawak nito sa mainit na puswelo ng kape. "Yes. You. Still you. After all these years. Still you, Isabela."
BINABASA MO ANG
Dreams of Passion 3: Nunzio and Isabela (COMPLETED)
RomanceCollab with Mandie Lee. Isang kaibigan ang turing ni Isabela kay Nunzio bata pa man sila. Ang lalaki tinaguriang "buntot" niya ng mga kaibigan niya dahil ito ang batang sunod nang sunod saanman siya magtungo. He became her best friend. Through the y...