NAPAKUNOT ang noo ni Nunzio nang makita ang isang four by four sa tapat ng bahay ni Isabela. Hindi pamilyar sa kanya ang sasakyan na iyon. Pumarada na rin siya at pagbaba ay nakitang lumabas mula ng bahay si Zach. Nag-iba man ang hitsura nito ay natitiyak niyang iyon ang lalaki. Nagtama ang mga mata nila, saka kumunot ang noo nito. Umunit ang ulo niya ngunit nagtimpi. Bukas pa dapat ang punta niya sa farm pero dahil hindi siya mapakali sa Maynila ay sumugod siya rito ngayon. Hindi alam ni Isabela na darating siya.
What the hell was this bastard doing here? Noong isang araw pa masama ang kutob niya, nang magising siyang hindi na katabi si Isabela. Bumaba siya at nakita itong nagluluto sa kusina. Nagpasya siyang makigamit ng laptop nito para mag-check ng email ngunit nasorpresa nang mabasa ang palitan ng sulat ng dalawa ni Zach. Hindi niya iyon binigyan ng kahulugan, ayaw sanang lagyan ng puwang ang pagdududa, ngunit binigyan niya ng pagkakataon ang dalaga na sabihin sa kanya ang tungkol doon—isang bagay na hindi nito ginawa. Naisip niyang baka bumubuwelo lang ito, maaari rin namang ganoon nga. Kaya hindi siya mapakali. At ngayon, lalo na siyang hindi mapakali. Zach shouldn't be there.
"Nunzio, right?" tanong nito, mayabang ang asta, na para bang sya ang huling taong magiging pamilyar dito sa kabila ng tagal nilang pagkakakilala.
Tumango siya. "What are you doing here?"
Sukat bigla itong ngumiti at nauwi iyon sa pagtawa. "So you're the one she's ashamed to talk about."
Nagpanting ang tainga niya ngunit pilit kinalma ang sarili. "Ashamed? What are you talking about?"
"Sabi niya may kasalanan daw siya sa akin, pero nahihiya siyang aminin. Naiintindihan ko na ngayon. Pinatulan ka niya. I understand though. Ang dami kong naging pagkukulang sa kanya. Nag-iisip pa siya ngayon. She asked for more time. I get it." Muli itong tumawa. "You know, we used to laugh at you, back when we were kids. Ikaw ang buntot niya, iyon ang tawag nina Ashley sa 'yo. Kahit saan magpunta si Isa, nakabuntot ka. Para kang saranggolang itinali ang pisi sa kanya. It was cute, but it was funny. I mean, you're a nerd. Hanggang ngayon pala, buntot ka pa rin."
Sa ilang sandali ay nais niya itong patulan ngunit agad niyang naunawaan na hindi niya dapat ibaba ang sarili sa tulad nito. "Still the high school bully, aren't you?"
Inignora nito ang sinabi niya. Noon lumabas si Isabela, mukhang nabigla ito. "Nunzio!" Agad itong lumapit.
Sumakay na sa sasakyan nito si Zach matapos makahulugang tumingin sa dalaga at tumango. Hinarap niya ang babae nang makalayo ang kotse ni Zach.
Agad itong nagpaliwanag. "I'm sorry."
"Did you do anything to be sorry for?"
"Well, no. Not r-really. I guess?"
"Tell me about it."
Bumagsak ang balikat nito, tila nanglata. "What did he say?"
"Things. Ang sabi niya meron ka daw ikinahihiyang bagay na hindi mo sinabi sa kanya. Ang sabi niya, ako raw 'yon."
"That bastard!" Mukhang nanggigil ito. Kung para man lang doon ay gumaan kahit paano ang loob niya. "Tawag kasi siya nang tawag kay Ashley, kinukuha ang number ko. Nape-pressure na iyong tao kaya sabi ko, ako na ang aasikaso. So sinabi ko diyan kay Zach na magkita kami. I believe I made it clear that he shouldn't bother me anymore but he came today. Sabi niya gusto niyang makipag-usap. At oo, sinabi kong meron akong ikinahihiya. And that's the fact that I have stopped loving him a long time ago and yet I never left him. Hindi ko na sinabi sa kanya dahil hindi na importante at—"
Inawat niya ang sasabihin nito sa pamamgitan ng halik. Hindi kailangang maturete ni Isabela sa pagpapaliwanag sa kanya. Hindi siya ganoong uri ng lalaki. At hindi rin niya kayang tiisin na ganoon ito, tila aligaga. Of course, he needed more explanation but not when she was obviously very stressed about it. Darating sila doon kapag kalmado na ito.
"Oh, Nunzio," sambit nito, hinaplos ang kanyang pisngi. "I'm so sorry."
"Don't be. Come."
Sumama ito sa kanya papasok ng bahay. "I will make it up to you, I promise."
"How?" nakangiting hamon niya, muling hinaplos ang pisngi nito. Bakas sa mukha nito ang matinding pagnanais na "makabawi" sa kanya.
Saglit itong nag-isip, saka sinabi, "Wait here!" Tumakbo na ito patungo sa silid.
Pilit niyang inignora ang mga negatibong damdamin sa sistema niya. Ayaw niyang pangunahan siya ng mga iyon. Lahat ng bagay ay nadadaan sa matinong usapan. Handa siyang maghintay muna.
BINABASA MO ANG
Dreams of Passion 3: Nunzio and Isabela (COMPLETED)
RomanceCollab with Mandie Lee. Isang kaibigan ang turing ni Isabela kay Nunzio bata pa man sila. Ang lalaki tinaguriang "buntot" niya ng mga kaibigan niya dahil ito ang batang sunod nang sunod saanman siya magtungo. He became her best friend. Through the y...