"Okay, so you need to choose one outfit and then go back down. Tatawagin kita kapag ready na ako," pagbibigay-instruksiyon ni Isabela kay Nunzio. Nakalatag sa kama ang tatlong attire, lahat lingerie—isang kulay pula, isang kulay itim, at isang kulay puting-puti. Naroon din ang mga sapatos na babagay sa bawat outfit.
Nunzio was in for a treat. Dapat lang, dahil sinira ni Zach ang araw nila. She was so glad Nunzio was mature enough to understand.
"Any of these?" tanong nito, nakahawak sa baba habang nakatingin sa mga lingerie.
"Any."
"You sure?"
"Yeah-huh. Pick one. Iwan mo dito." Itinuro niya ang isang recliner. "I will take a shower and be ready in a few minutes."
Tumango ito. Nagtungo na siya sa banyo at naligo. Nang matapos ay lumabas siya at tinanaw ang recliner. Wala ni isang lingerie doon. Takang lumapit siya at napabuhanglit ng tawa nang makitang ang tanging nakapatong sa recliner ay ang lipstick na ipinatong din niya kanina sa kama. Sa paanan ng recliner ay naroon ang itim na stilettos.
"Naughty," aniya bagaman nasabik sa ideya.
Pinatuyo niya ang buhok, at tulad ng request ni Nunzio, wala siyang ibang isinuot kundi ang pulang lipstick at ang itim na sapatos. Sumungaw siya sa pinto matapos.
"I'm ready, lover boy," tawag niya, saka dali-daling tumakbo sa kama. Patagilid siyang humiga roon, naghintay. Hindi siya makapaniwala na ganoon pa rin katindi ang sasal ng dibdib niya. Ganoon pa rin katindi ang pananabik niya para sa lalaki.
Nang bumukas ang pinto ay agad na napangiti ang binata. He sucked his breath through his teeth. May kiliting nanulay sa kanyang katawan.
"Well, what are you waiting for?" sambit niya.
Ngunit hindi ito kumilos, pinagmasdan lang siya, tila pinag-aaralan ang bawat bahagi ng kanyang katawan. Even that was enough to make her feel so damned hot. Marahan itong lumapit at sa bawat paghakbang ay hinuhubad ang damit. He was fully naked when he reached the bed.
Siniil nito ng halik ang mga labi niya. He gently traced the gap between her thighs. She gasped.
He whispered. "So hot and ready."
"Tease..."
Hinagkan niya ito sa mga labi. At tulad ng inaasahan niya, ang hapong iyon ay naging napakainit. Pamilyar na pamilyar na siya sa presensiya ng lalaki na nagagawa niyang komportableng makatulog sa tabi nito anuman ang porma niya. Nakatulog siyang suot pa ang stilettos at nang maalimpungatan ay nakita itong nagbibihis. Nakatalikod ito sa kanya. Napangiti siya. Nice butt.
Nang mapansin niyang pantalon na ang isinusuot nito ay nagtaka siya. Kadalasang naka-shorts lang ito sa bahay. May damit na ito roon. "Saan ka pupunta?"
"I really don't want to talk to you right now," diretsong tugon nito.
Nabigla siya at agad na napabangon. "Wait!" aniya, ngunit patuloy itong nagbihis. Alam niyang galit ito at natuturete siya dahil hindi niya alam kung bakit. Agad siyang nagsuot ng house dress nang humakbang ito patungo sa pinto. Naabutan niya ito bago ito makalabas ng bahay. Mukha marahil siyang tanga sa suot niya—house dress at stilettos. But she didn't care. Bigla ang pagpuno ng kaba sa dibdib niya. "Nunzio, wait up!"
"Just don't talk to me anymore. Everything that will come out of your lips will be a lie anyway."
"Ano ba ang sinasabi mo?!" tarantang tanong niya.
"I saw a ring in your drawer."
"Ring? Oh, that! Nunzio, binigay niya 'yon sa akin pero isasauli ko naman. Nawala lang sa isip ko."
"Do you know what's engraved inside?"
"Y-yes." Nang alisin niya ang bahid ng dugo sa singsing ay nabasa niyang sa loob ay mayroong engraving iyon: '2nd time Z & I.' "Siya lang naman ang nagpalagay noon. Akala niya tatanggapin ko ang proposal."
"You have a very funny way of not accepting a wedding proposal then." Bakas na bakas ang panga nito, tanda na nagtitimpi ito ng galit. "Kanina lang gusto kong maniwala sa sinabi mo, ayokong magduda sa 'yo. But it doesn't make any sense that a ring like that will be in your possession. Isasauli mo sana, hindi ba, at nandito siya kanina, bakit hindi mo isinauli?"
"I forgot!"
"At ni hindi mo dapat tinanggap!" Tumaas ang tinig nito, ang unang pagkakataong narinig niya itong ganoon. "Bakit mo tatanggapin ang engagement ring galing sa ibang lalaki kung may boyfriend ka na?!"
"Hindi ko naman inasahan, bigla na lang niyang isinuot sa akin!"
"Right! Bigla niyang isinuot sa 'yo at hindi mo isinauli kasi nalimutan mo. Right. That sounds perfectly logical to me." Makapal ang bahid ng sarkasmo sa tinig nito. "And since we're at it, what is up with not telling me you're going to see him anyway?"
"I just... I just thought it's my battle to fight." Nanglata siya.
"The only battle here, honey, is within you. Kung sino sa aming dalawa ang mas gusto mo. At sa ganoong laban, hindi mo ako maaasahang sumali. Kung merong duda sa isip mo kung ako nga ba, ayokong lumaban. Call me selfish but I want it to be me instantly. Without hesitations, and definitely no time to think things over. Dahil kung iniisip mo pa rin hanggang ngayon, kung hindi ka pa sigurado, hindi tayo magkakasundo."
"Of course it's you!" halos sigaw na niya.
"It doesn't look that way to me. Tama si Zach, mula noon hanggang ngayon buntot mo ako. Di ba 'yon ang tawag ninyo sa akin? Buntot mo." He was almost spitting the words out and she knew it pained him to hear that. "Ako iyong tangang parating nakasunod sa 'yo, hanggang ngayon. There's comfort in my presence, isn't there—the man who had always been there for you? You know, people who are concerned about me warned me about you. I didn't listen. And you know what? It maddens me to believe what Zach said but there's some truth in it. He you asked for more time."
"That's a lie! That's an out and out lie! Mas naniniwala ka sa kanya kaysa sa akin?!"
"Bakit, hindi ba totoong buntot ang tawag mo sa akin?"
"But that's... that's! Nunzio, please! I didn't call you that! They did!"
"And you let them."
"That was years ago! I was a child—"
"Yes, a child! But nothing really changed much! Iyon pa rin ang tingin mo sa akin—ang taong pupuntahan mo kapag may problema. Kapag wala, si Zach ang gusto mo. And just hours ago I was willing to let things go—the lying, the secrets, the fact that after that asshole took you for granted he can still go inside your house and come out whole. Kasi kung sa akin niya ginawa 'yon, baka puro pasa siya paglabas niya. I was willing to let it go because I cannot stand seeing you so agitated. But that ring and all your alibis? It made me realize you see me as a lapdog. And I probably was for the past years. Not anymore. Because, damn it, I deserve more than this shit!"
"Nunzio, please!" Tumutulo na ang mga luha niya sa pagkakataong iyon. "Let me explain! Nakalimutan ko lang talaga 'yong singsing! At nagpunta lang ako sa farm niya kasi nga kinukulit niya si Ashley. Isinuot niya sa akin ang singsing, nabigla ako, at nalimutan ko na."
"Just please stop. Ako ang nahihiya para sa paliwanag mo."
That broke her heart. "P-people concerned about you warned you a-about me?" sambit niya. Tumatak sa isip niya ang sinabi nitong iyon. Parang bangungot na naulit. Muli, mga taong walang kinalaman sa kanya ay tila may matindi nang opiyon tungkol sa kanya.
"Yes. But I didn't listen. It's hard to listen to logic where you're concerned, Isabela. Ano ba ang logical sa pagtawid ko ng dagat antimano, pagkarinig ko lang na may problema ka? Ano ba ang logical na paliwanag na basta pagdating sa 'yo, nakakalimutan ko ang lahat? You're bad for me. At parati kang nasisira dahil sa taong 'yon. I can't understand why. Ano ang nakita mo sa kanya?" Bumuntong-hininga ito. "I have to go."
Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya ito pinigilan. Napahagulgol siya. Hindi na siya nakapaghapunan sa gabing iyon, hindi na rin halos nakatulog, bagaman nakabuo ng pasya. Pupuntahan niya si Nunzio. Hindi pupuwedeng doon na lang matatapos ang lahat.
BINABASA MO ANG
Dreams of Passion 3: Nunzio and Isabela (COMPLETED)
RomanceCollab with Mandie Lee. Isang kaibigan ang turing ni Isabela kay Nunzio bata pa man sila. Ang lalaki tinaguriang "buntot" niya ng mga kaibigan niya dahil ito ang batang sunod nang sunod saanman siya magtungo. He became her best friend. Through the y...