"Did you or did you not dream of Isabela on your birthday?"
Nabigla si Nunzio sa unang tanong ng kanyang ina, iyon ang huling bagay na inaasahan niyang sasabihin nito dahil na rin sa parang iniwasan nito ang paksa sa loob ng mga nagdaang taon. Naniwala siyang labis itong apektado sa kawalan niya ng panaginip. Ngayon ay para silang nasa interoggation room.
"I did not."
Natigilan ito, halatang hindi inasahan ang naging tugon niya. "Oh. I thought you lied. Are you lying now?"
"Of course not."
"Oh. I thought... Well, I just assumed—"
"I dreamt about her the night after."
Natigilan na naman ito, mayamaya ay nagtanong. "Well, it's none of my business and frankly, this is embarrassing for me to ask, son, but... did the dream happen? Did it actually happen?"
Ngayon ay siya naman ang napahiya at ayaw sana niyang sagutin ang tanong kung hindi lang sa matinding emosyon sa mukha ng matanda. Napabuga siya. "Yes, Mama, it did. But that doesn't make any sense, and we both know it because it wasn't my birthday—"
"Unless! Hold on. I will call your Ninang Doktora." Agad nitong hinarap ang telepono. Ang tinukoy nito ay ang ninang nila ng kakambal niya na siya ring nag-deliver sa kanila, ang obstetrician ng kanilang ina.
Humugot siya ng hininga. Hindi niya alam kung saan hahantong ang usapan nilang mag-ina, iba ang laman ng isip niya. Isabela. Of course, it's Isabela. Again. Nais niyang maniwala rito ngunit nahihirapan siya. Sa nakaraang isang linggo ay hindi siya mapakali, nagpapatianod lang sa kung ano ang nais ng kanyang ina. Ideya nitong anyayahan si Meredith sa get-together ng pamilya, at pinabayaan na lang niya ito. Ideya rin nitong dalhin si Meredith sa bahay niya, tulad na lang sa araw na iyon ng Sabado.
"Kumare, of course I found out! Of course, of course! Oh, that certainly clears things up. No. No problem at all. I know, I know you're only thinking about us. I know, I understand. I agree. Mahirap talagang kambal sila at magkabukod pa ng birthday. And yes, yes, kumare, it's not unethical at all. Ikaw na mismo ang nagsabi, it's only a fraction of a minute. Ano nga ba naman iyon? How did I find out? Well, it's hard to explain but I will some other time, Kumare. Okay, I have to go now. Don't worry about it. Alam kong retirado ka na, Mare. Balewala sa akin iyon."
Tumirik ang mata ng kanyang ina sa pagharap sa kanya, ipinaypay ang kamay sa mukha. "So as it turned out, you came out a few seconds after midnight. So technically, your birthday is not the same as your Kuya's. Oh, this is so exciting! The gypsies must be laughing at me!"
"You mean—"
"I mean exactly that!" Mapagmalaki ang ngiti nito, tila mayroong isang bagay na napatunayan. "You had the dream the day after beause you were born the day after! So go ahead, son, take Isabela in your arms and tell her you love her."
"All because of the dream?"
"Yes. And you will thank me one day, trust me. Go now."
Sa pagnanais lang na makalayo rito kaya siya pumanhik sa hagdan. Alam niyang hindi titigil ang matanda at lalo siyang hindi makakapag-isip. Hindi niya pa rin alam kung ano ang gagawin niya. Iaasa niya ang lahat ng iyon sa panaginip niya?
Bumuntong-hininga siya bago tinanong ang kawaksing nakita kung saang silid naroon ang dalaga. Itinuro siya roon at ilang sandali bago siya kumatok. Bumukas ang pinto mayamaya. Hindi niya masalubong ang namumulang mga mata ng dalaga.
"Are you all right?" tanong niya.
"Alam kong mahirap paniwalaan ang sinabi ko kasi kapag ikinukuwento ko na, parang absurd. Parang kalokohan. Kaya may naisip akong paraan para malaman mong nagsasabi ako ng totoo."
Ayaw niyang makita ang babae sa ganoong paraan at nais na niyang sabihin ditong kumalma na muna, ngunit napukaw ang interes niya. "Oh?"
Mabilis itong tumango. "Yes. I'm willing to do a polygraph test."
Ilang sandaling inakala niyang tatawa itong bigla. But she was dead serious, for god's sake! Hindi nito nilulubayan ng tingin ang mga mata niya. At para bang hindi pa sapat ang sinabi nito, nakuha nitong idagdag, "Ikaw ang humanap para walang bias, siguradong walang daya. I will wait. Dito muna ako habang naghahanap ka. I can do it any time—"
BINABASA MO ANG
Dreams of Passion 3: Nunzio and Isabela (COMPLETED)
RomanceCollab with Mandie Lee. Isang kaibigan ang turing ni Isabela kay Nunzio bata pa man sila. Ang lalaki tinaguriang "buntot" niya ng mga kaibigan niya dahil ito ang batang sunod nang sunod saanman siya magtungo. He became her best friend. Through the y...