Chapter 30

12.1K 381 6
                                    

ISANG linggo ang pinalipas ni Isabela bago naglakas-loob puntahan si Nunzio. Naisip niyang kailangan niyang pahupain ang galit nito. Kailangan din niyang ayusin ang gusot kay Zach para tuluyan na itong tumigil sa paggambala sa kanya. Isinauli niya nang personal ang singsing na ibinigay nito at sinabing hindi na ito makakapasok sa farm niya. Binantaan niya itong kapag nagtungo pa ito sa bahay niya ay makakatanggap ito ng restraining order.

Ngayon ay nasa labas siya ng bahay ni Nunzio sa Quezon City. Kabado siya, hindi alam kung ano ang aasahan sa pag-uusap nilang iyon. Pinatuloy siya ng guwardiya sa gate at sa front door ay pinatuloy din naman ng kawaksi. Nabigla siya nang makita kung sino ang nasa sala—si Meredith at ang ina ni Nunzio.

"Nunzio will be here any second, hija," wika sa kanya ng ina nito.

"G-good afternoon po," kabadong sambit niya.

Tumango lang ang matanda. Natural na naririnig niya ang usapan nito at ni Meredith. At tungkol iyon sa nalalapit na family get-together sa probinsiya, sa bayan ng Rosario. Base sa usapan ng dalawa, taga-roon pala ang tiyahin ni Nunzio.

"Meredith, hija, why don't you be a good girl and tell Inday that we need those refreshments now. Nakakahiya naman sa bisita."

"Okay lang po, Ma'am," aniya.

Ngunit tumayo na rin si Meredith at umalis. Nailang siya sa pagkakatitig sa kanya ng ina ni Nunzio. Mukhang mabait naman ito, lamang ay naitanong niya sa sarili kung isa ba ito sa tinukoy ni Nunzio na nagbigay babala laban sa kanya?

"Hija," anito. "Do you mind if I ask what you need from Nunzio?"

"I o-only want to talk to him, Ma'am," tugon niya.

"I understand, of course. And it's none of my business. But..." Matagal bago nito nadugtungan iyon. "Honestly, well, hija, let me frank. If it's a choice between someone who seems to really love my son, and someone whom my son seems to like but doesn't like him enough... well, it's an easy choice for me. I just have to say that."

Nabigla man siya sa sinabi nito ay nagawa niyang makatugon, "Ma'am, are you referring to me as the one who doesn't seem to like him?"

"Well, it seems like it."

"But I love him!" Naiiyak na naman siya.

Bumuntong-hininga ang matanda. "I've always known Nunzio will have to settle for second best. The best being an almost perfect relationship. But the gypsies saw what will happen years before Nunzio was born. I know it doesn't make any sense to you... unless Nunzio mentioned something about a dream?"

Sa ilang saglit ay naisip niyang baka mayroong kaunting diprensiya sa pag-iisip ng matanda ngunit mukhang seryoso ito. "A dream?"

"I guess he didn't tell you—"

"He once said he dreamed of me," sambit niya, bigla iyong naalala. "But what do you mean, Ma'am?"

Ngunit inignora nito ang sinabi niya. "He said he dreamt of you?"

Biglang nag-init ang mukha niya sapagkat naaalala niya kung kailan iyon nabanggit ni Nunzio, ang tanging pagkakataong sinabi nitong napanaginipan siya nito.

"You're blusing," komento ng matanda. "Oh, my God, you're blushing! Was... was it a... dream of passion?"

Halos matulala siya. Paano nasabi iyon ng matanda? Base lang sa pagba-blush niya? "I'm s-sorry, Ma'am. I guess it's not important."

"But it is! He lied to me!"

"I don't understand—"

"Tell me, hija, just tell me, did he say he dreamt of you when he was twenty-five and was the dream... passionate?"

Dreams of Passion 3: Nunzio and Isabela (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon