"IT COSTS a lot to be a pilot. Ano ba ang iniisip mo?"
Napikon si Isabel sa reaksiyon ni Zach. Masaya siya sa pagpaplano ng kursong kukunin niya sa kolehiyo. Inisip niya iyon sa loob ng mahigit isang buwan at ngayon lang niya sinabi rito. Nakapag-eksamin na siya sa UP, pero naisip niyang ang gusto niya talaga ay ang maging isang piloto. Hindi ang mismong ideyang sinabi nito ang nakakapagpainis sa kanya kundi ang matabang nitong reaksiyon habang panay ang hithit-buga nito ng sigarilyo. Excited siya sa plano niya, pero matabang ang reaksiyon nito at hindi pa paborable sa kanya.
"Ang sabi ng nanay, kakayanin daw namin ang tuition fee," aniya, mainit ang ulo.
"Maybe on your first two years. Paano na kapag kailangan mo nang magpalipad ng eroplano?"
"Gagawa ng paraan. Parati namang nakakagawa ng paraan."
"Do you expect me to say that I will pay for it?"
Nabigla siya at sumabog na nang tuluyan ang pagtitimpi. "Ano ba ang problema mo? Kung may inis ka sa akin, sabihin mo lang!"
"I feel so pressured!"
"Saan? Hindi ako naghahanap sa 'yo. Hindi ko sinasabing pag-aralin mo ako. Nangangarap akong kasama ka, tulad ng noon!"
"Yeah?" malamya nitong balik. "Well, maybe I have forgotten those days. Maybe... maybe we're rushing."
"Rushing? Saan?"
"I can't handle this right now." Tumayo ito at tumalikod.
"Magpaliwanag ka sa akin kung bakit ganyan ang inaakto mo, Zach!" singhal niya. Salamat at walang tao sa bandang iyon. Inasahan pa naman sana niyang magiging maayos ang lahat, na magiging isang magandang hapon iyon. Puno siya ng pananabik na maikuwento rito ang pangarap niya, at heto ang katumbas noon?
"Look, let's call it quits, all right?"
Napatulala siya. Wala silang pinag-awayan bago iyon. Noon lang isang araw, naramdaman niyang parang hindi ito mapakali at nang tanungin niya ay sinabi nitong dahil daw iyon sa mama nito. Pressured ito parati sa mama nito na mataas ang inaasahan dito. At hindi mataas ang marka nito sa huling term nila. Ngunit ang makipaghiwalay ito dahil doon?
"B-bakit?" sambit niya, parang tinusok ang dibdib.
"I just can't handle this right now. I'm sorry." Naglakad na ito palayo ngunit lumingon din. "Maybe... maybe we're not really meant to be together, Isa." Saka ito nagpatuloy sa paglalakad.
Ilang minuto bago niya nagawang sumunod dito, nais itong komprontahin. Hindi na niya ito makita sa grounds kaya hinala niya ay nasa parking area ito. Nagtungo siya roon ay nabigla nang makita ang lalaki na kausap ang ex-girlfriend nitong minsan na niyang nakita, ang "college chick" nito. Ang kanina ay init ng ulo nito, tila bigla na lang naglahong parang bula. Hayun ito, nakahawak sa baywang ng babae at nakangiti. Ngiting-ngiti.
Agad siyang pumihit, nagpupuyos ang dibdib. Nakasalubong niya si Ashley. "I saw him from upstairs!" Itinuro nito ang terrace sa ikalawang palapag ng gusali. Kaya pala ito hinahapo, marahil tinakbo nito ang mataas na hagdan. "Are you all right?"
"No. Of course not," sambit niyang agad na tumuloy sa rest room. Sumunod si Ashley at hindi pa ito nakakapagsalita ay kasunod na nito ang ilan pang mga kaibigan nila. "Please, girls," aniya. Ayaw muna sana niyang kausapin ang mga ito ngunit nailang siya nang mapansing walang umimik sa mga ito, lahat ay tila naaawa sa pagkakatitig sa kanya.
"Forget him!" bulalas ni Ashley mayamaya. "He's an immature asshole! You will find someone better."
Someone better? No. Si Zach ang nakatakda sa kanya, hindi ba nauunawaan ng mga ito iyon? Ngunit agad na napalis ang isipin niyang iyon dala marahil ng labis na galit at pagtatampo.
"Who are you taking to the prom?" si Ashley.
Noon lamang niya iyon naalala. Hindi na niya iniisip ang bagay na iyon dahil natural nang si Zach ang kasama niya. Mayroon na siyang dress, regalo ni Ashley sa kanya. At sa taong iyon, ang kanilang prom ay gaganapin sa isang hotel. Libre siya sa contribution, isa sa mga perks ng pagiging scholar. Ngunit sa pagkakaalam niya ay maaaring magsama ng escort o nobya o chaperone ang isang estudyante. Kailangan pa ba niyang maging isang henyo para mahulaan kung sino ang biglang isasama ni Zach sa prom? Dalawang araw na lamang ay prom na nila. Bukas ay wala pang pasok dahil holiday.
"H-hindi ako a-attend," sambit niya.
"Are you nuts?! The dress I gave you is a Chanel!"
Napaingos siyang bigla. Alam niya naman na labag sa loob nitong ibigay iyon sa kanya, nagkataon lang na hindi kasya rito dahil hindi nito nagawang mag-diyeta.
"Well, it's true!" giit ng babae. "It deserves to be displayed! At papayagan mong magmukha kang kawawa? Show that bastard!"
Napailing siya nang maunawaang lalo lang siyang magmumukhang tanga kung kukuha siya ng escort last minute mula sa school nila. Lahat ng iyon, talo ni Zach. Zach was the most popular guy in school. "Wala akong makukuha..." Bigla siyang natigilan, saka napangiti, mayamaya pa ay napapahagikgik na siyang parang baliw. "Fine." Tumayo siya, inayos ang sarili. "I will see you all on Saturday. I will be there. Promise."
"Do you want me to pick you up?" si Ashley. Alam nitong wala siyang masasakyan.
"No need. My escort will pick me up."
"Who's the lucky guy?"
"The cutest, kindest guy I know," deklara niya at lumabas na. Tumuloy siya sa library at naroon, tulad ng inaasahan niya, si Nunzio. Nilapitan niya ito. "Nunzio, wala akong escort sa prom sa Sabado. Puwede ka ba?"
Mukhang labis itong nabigla. "Ako?"
"Oo, ikaw. Bakit, masama?"
"Pero... Well, am I allowed? I mean, you know... I'm still..." Namula ang mukha nito. "I'm young."
"Wala namang age restriction. Papayagan ka kaya?"
Matagal bago ito nakatugon, saka ito umiling. "Hindi ako payagan kasi gabi. Puwera na lang kung kasama ko si Manong. Pero kapag gabi, dapat talagang kasama ko siya sa loob ng party siguro. Pero kakausapin ko na lang siguro siya na 'wag na siyang sumama sa loob."
"Tatawag ako sa 'yo bukas para malaman ko kung papayagan ka."
Agad itong tumango bagaman nagtanong, "What happened to Zach? I thought you're going with him?"
"He dumped me."
"What an idiot."
Bigla siyang napahagikgik sa kabila ng pagtusok sa dibdib niya. Tinapik niya ang kamay ni Nunzio. "You're a good friend, Nunzio. Madalas kapag nagkukuwentuhan tayo, pakiramdam ko mas matanda ka pa sa akin. Ano ba ang sikreto mo?"
Ngiti at pamumula ang naging tugon nito.
BINABASA MO ANG
Dreams of Passion 3: Nunzio and Isabela (COMPLETED)
RomanceCollab with Mandie Lee. Isang kaibigan ang turing ni Isabela kay Nunzio bata pa man sila. Ang lalaki tinaguriang "buntot" niya ng mga kaibigan niya dahil ito ang batang sunod nang sunod saanman siya magtungo. He became her best friend. Through the y...