Chapter 22

12.6K 378 10
                                    

Simpleng-simple lang ang bahay ni Isabela sa farm. Kailanman ay hindi pa siya tumutuloy doon sa tuwing uuwi siya noon sa probinsiya dahil parating nagtatampo ang kanyang ina na bumukod pa siya, palibhasa noon ay parating isa-dalawang linggo lang ang bakasyon niya.

Ngayon ay mahigit isang buwan na siya sa Pilipinas at doon na siya tumutuloy sa bahay na ipinagawa ng kanyang ina at ng asawa nito may ilang taon na rin ang nakakaraan. Yari sa kahoy ang bahay. Mayroon lamang iyong tatlong silid at iisa ang palapag. Malaki ang kusina, mayroong makalumang pugon. Parating may hatid na lungkot sa kanya ang kaalamang magtatagal siya sa bahay na iyon nang nag-iisa. Kung minsan ay nais niyang bumalik sa bahay ng mga magulang niya na sampung minutong lakaran lang mula sa bahay niya ngunit ayaw niyang makaabala rito at sa Tiyong Pancho niya. Masyado na siyang matanda para magpaalaga sa dalawa.

And God, how she missed Nunzio.

And Zach? Sa tuwing maaalala niya ang lalaki ay mayroong lakip na galit sa puso niya, dahil inalis nito ang karapatan niyang magalit dito nang personal, sabihin dito ang nilalaman ng isip niya. He was a coward. And quite frankly, she was glad to be rid of him. Magsama ito at ang mommy nito, wala na siyang pakialam. Hindi niya alam kung nagbalik na rin ito sa Sta. Teresita ngunit wala siyang ganang alamin. Ni hindi na siya nag-abalang tawagan ito para sa mga huling habilin. Bahala ito sa buhay nito.

Sa tuwing tutunog ang cellphone niya ay parang tanggang sinusunggaban niya iyon, ngunit hindi text message o tawag ni Zach ang inaabatan niya kundi ang tawag o text message ni Nunzio.

Damn Nunzio for being away. Noong una ay nagtungo ito sa Thailand, saka ito nagbalik sa Paris, at nitong huli ay may mahalaga raw itong kailangang asikasuhin para sa pamilya, isang bagay na hindi na niya inusisa kahit gustong-gusto niya. Para siyang baliw, sa tagal ng samahan nila ni Nunzio ay nananatiling kakaunti ang mga bagay na nalalaman niya rito, mga basic na bagay lang. Ngayon bigla ay nais niyang malaman kahit kaliit-liitang bagay sa buhay nito na hindi niya rin naman magawa dahil kulang siya sa impormasyon at kulang din ang nakakalap niya sa internet.

Yes, internet. Ang desperadang mang-stalk, sa internet kumakapit. Kung noon ay hindi siya halos nagla-log in sa personal niyang account kahit pa nagla-log in siya sa account ng bed and breakfast, ngayon ay nakababad siya sa account niya para lang isa-isahin ang mga taong nagkaroon maski kaunting reaksiyon sa anumang post ni Nunzio na bihirang-bihira lang nitong gawin.

At hindi niya makita-kita si Helen, ang babaeng nabanggit noon na nobya nito. Kahit ilang taon na iyong nakaraan ay nakatatak sa isip niya. Bakit hindi magka-friend ang dalawa? Nakita na rin niya ang nobya nitong sinasabi, si Meredith. Ilang araw din siyang inis na inis sa babaeng iyon kahit hindi pa niya nakikilala. Ito halos ang laman ng page ni Nunzio, mga "good morning" o "missing you" at ang pinakanakakairitang picture na pino-post nito, mga padala ni Nunzio rito, na madalas merong maarteng caption na "thanks so much, my cupcake."

How she hated that bitch! Cupcake?! Anong pag-iinarte iyon? Lalo siyang naiinis at nakakadama ng galit dahil para bang may isang bahagi si Nunzio na hindi niya nakilala at nakikilala lang niya sa mga post ng bruhang impaktitang babaeng iyon. Ang side ni Nunzio na ang ginagawang endearment ay "cupcake." Hindi iyon gagawin ni Nunzio—o iyon ang inaakala niya sapagkat nagawa na nito. At nakabalandra sa internet, salamat sa Meredith "Putok" na iyon! Iyon ang lihim niyang bansag sa babae—si Putok. Hindi niya matanggap na cupcake ito, isa lamang itong tinapay na putok sa bakery—iyong matigas na tinapay na magaspang sa bibig. Dahil magaspang ito sa panlasa niya.

Oh, come on, admit it. She's pretty.

Natutop niya ang noo habang winiwisikan ng tubig ang orchids sa hardin niya. Napabuntong-hininga siya. Kailangan niyang aminin ang bagay na iyon. "Sweet" marahil ang tamang deskripsiyon para kay Meredith. Mukhang ito ang tipo ng mga babaeng malambing, maasikaso, mahilig mag-bake, isang taong marahil nais maging kaibigan ng lahat. At sa totoo lang, kung marahil noon ito ipinakilala ni Nunzio sa kanya ay matutuwa siyang isang ganoong tipo ng babae ang naging nobya nito.

Ang problema, hindi siya natutuwa ngayon. Ang isipin pa lang na baka nagsisinungaling sa kanya si Nunzio, at ang totoong dahilan kung bakit hindi ito nagpapakita sa kanya, ay dahil sa nangyari sa kanila ay parang hindi na niya matanggap. Gayunman, ilang ulit na niyang naiisip iyon.

Dati, kahit na anong oras ay dumarating ito para sa kanya, kahit nasa ibang bansa pa siya. Matapos ang nangyari, biglang marami na itong aasikasuhin?

OA ka. Anong gusto mo, ikaw ang maging buhay niya. Isa pa, ano ang sasabihin mo sa kanya kapag nagkita kayo? Hindi ka ba nahihiya sa ginawa mo? Nakakahiya 'yon, kung hindi mo pa alam. Alam mong may girlfriend siya tapos may nangyari sa inyo. 'Tapos ang lakas ng loob mong hilinging makita siya. Ano ka bang klaseng kaibigan na binigyan mo pa ng dahilan 'yong tao para ma-guilty kay Putok.

"But I miss him so much," sambit niya, kausap ang orkidyas. Minsan ay parang gusto na niyang umiyak sa labis na pangungulila kay Nunzio. Gusto niyang masilayan man lang ito. Ngunit mas maganda siguro kung mayayakap niya ito. Parating ito ang laman ng isip niya na ilang ulit na siyang nakakaisip ng paraan para makausap niya ang lalaki. Ang problema lang, kapag nakakaisip na siya ng dahilan para tawagan ito, umuurong ang buntot niya. Baka isipin nitong hindi siya makapakali rito, isang bagay na totoo ngunit hindi na dapat malaman ng iba, lalong hindi malaman ni Nunzio.

Muli siyang napabuntong-hininga sabay pihit at natigilan nang makitang ang lalaking laman ng isip niya sa loob ng nakaraang ilang linggo ay hayun at nakatayo sa porch niya, nakasandal sa isang posteng kahoy. Sa loob ng ilang sandali ay nabigla siya sa presensiya nito na hindi niya nagawang makapagtamuli. Nakangiti ito sa kanya, nakalagay ang kamay sa likod. She just looked at him, taking all of his male beauty in. Oh, he was gorgeous.

Nang humakbang na ang paa niya ay plano niyang marahan ang gawing paglapit dito nugnit mayroong lundag sa kanyang galaw at natagpuan niya ang sariling halos tinatakbo na ito.

"What took you so long?!" aniya nang makalapit nang ganap. Oh, he was overwhelming her.

"I said I was busy, little miss," anito, mula sa likod ay inabot sa kanya ang isang bungkos ng mga bulaklak—Equadorian roses, reddest of red, huge, beautiful. Binaha siya ng kaligayahang hindi niya kayang ilarawan sa puntong parang nais niyang maluha. Parang nabura ang lahat ng inaalala niya sa nakalipas na ilang linggo at noon lang niya naunawaang labis-labis pala ang kaba niya na baka hindi na maging tulad ng noon ang samahan nila.

But here he was now. "They're beautiful!"

She felt so alive! Para bang sumambulat ang liwanag mula sa lupa at ngayon ay makinang ang paligid. He was here. He gave her flowers. This was perfect!

"You're more beautiful though."

He was so sweet. Agad niyang hinawakan ang kamay nito at sabik na pumasok sa loob ng bahay. "Simple lang ito pero okay naman," paliwanag niya. Natural na hindi sanay ang lalaki sa ganoong uri ng kasimplehan, walang Ethan Allen furniture, walang designer chandelier. At ang tanging mga modernong gamit na mayroon siya ay ang laptop niyang nakapatong sa dining table, ang entertainment set niya, at ang ref sa kusina. That was it. "Sit down. I will get you something to drink. What do you want?"

"You. Only you."

"Damn it, Nunzio!" reklamo niya, biglang nag-init ang mukha bagaman napangiti. "I will make you something. Don't go."

Tila may pakpak ang mga paang nagtungo siya sa kusina. Mayroong mga sariwang dalanghita roon na kanina pa niya napiga at ginawang juice. Ipinagsalin niya ito sa isang baso, saka pumitas ng mint leaves sa maliliit na paso sa likod-bahay. Aligaga ang kilos niya, bagaman ngiting-ngiti. Nais niyang matuwa si Nunzio. Nagpasya siyang maghanda na rin ng sandwich para rito.

Binibiyak niya ang pandesal na plano niyang lagyan ng kesong puti nang madama ang maiinit na palad sa mga braso niya. Biglang nanulay sa mga ugat niya ang isang kiliti. Nilingon niya ito at halos magsayad ang mga labi nila. Anong pag-iinit ng kanyang mukha. "N-Nunzio."

Dreams of Passion 3: Nunzio and Isabela (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon