Chapter 6

12.8K 382 13
                                    

NAGMAMADALI si Isabela mag-empake. Sabay silang uuwi ni Zach para sa Christmas vacation ng eskuwelahan. Nakabukod na at matagal nang nakatago ang regalo niya sa kanyang ina—mga damit na hand-me-down ng mga kaklase niya. Sa kanyang ama naman ay naging sapat na ang isang kamisetang bigay sa kanya ni Zach. Wala siyang ipon, sa kasamaang-palad. Kulang na kulang ang pera niya parati. At ngayong nalalapit na ang graduation, kinakabahan siya para sa college niya. Oo at scholar pa rin siya ng congressman, ngunit batid niyang mas magigipit siya. Tiyempuhan lang na magbigay ang kanyang ama at isusumbat pa nito iyon.

Ang suweldo ng kanyang ina sa paglalabada sa isang pamilya ay halos nagagalaw din ng kanyang ama bilang pangsugal at pang-inom. Kailangan niya ng part time job sa pasukan.

Nagpaalam na siya sa tiyahin niya na inabutan siya ng sobre. Nagpasalamat siya. Tuwing Pasko, kahit paano ay nag-aabot ito. Isang-daang piso ang laman ng sobre. Puwede na rin. Papalabas na siya sa looban patungo sa tagpuan nilang fast food restaurant ni Zach nang makita niya ang sasakyan ni Nunzio. Iyon ang van na naghahatid sa magkapatid na Sandejas sa ekuwelahan araw-araw.

Bumaba roon ang binatilyo. Agad niya itong nilapitan, napangiti. "O, ano'ng ginagawa mo rito?"

"Meron kasi akong gift sa 'yo, bukas ko sana ibibigay sa Christmas party, pero nabanggit mo kahapon na tapos na ang party sa klase ninyo."

Parang hinaplos ang puso niya. "Talaga? Ang bait mo sa akin, Nunzio."

Kinuha nito ang isang malaking regalo mula sa van. Kinailangan iyong bitbitin pababa ng driver, kasama ang isang malaking basket ng mga imported na pagkain. Halos mapanganga siya. "S-sa akin lahat ito, Nunzio? Ang dami naman masyado? Naku, nakakahiya naman sa mama mo."

Kinagat niya ang ibabang labi sa pag-aakalang mapipigilan niyon ang pagpatak ng mga luha niya ngunit nagkamali siya. Kusang bumagsak ang mga luha niya at bago pa siya makapagsalitang muli ay napahagulgol na siya saka niyakap nang mahigpit ang binatilyo.

"Nunzio, ang suwerte ko na naging kaibigan kita. Ang suwerte-suwerte ko."

Hindi niya maawat ang damdamin niya. Sarili niyang ama, hindi siya mabigyan ng ganoong atensiyon, habang ang binatilyong ito na napakatalino ay naalala siya, pinuntahan siya, dala ang lahat ng iyon. Kahit isang latang luncheon meat, masaya na siya. Pero ang dala nito? Parang pinisil ang puso niya.

"Paano mo nalaman na dito ako nakatira?" tanong niya rito mayamaya.

Tahimik lang ang binatilyo, tila ba nabigla sa reaksiyon niya kaya bahagya siyang napahiya. Pinunasan niya agad ang mukha.

"Don't cry, please?"

Ah, he was cute. Marahil hanggang ilalim lang ng tainga niya ang taas nito, mas maliit pa ang katawan sa kanya, suot ang salamin nitong napakakapal. Sumisinghot ito, na parating nangyayari dahil parati itong may sipon, mahina ang resistensiya. At kahit ganoon, ipinakita nito ang matindi nitong effort.

"Na-touch lang ako sa 'yo." Hinaplos niya ang pisngi ng binatilyo.

"Well, it's Christmas time, Isabela. People give gifts this season left and right."

Napahagikgik siyang bigla habang pinupunasan ang mga pisngi niya. Ganoon ito kung minsan, kapag nagbiro ay hindi mo alam kung nagbibiro ba o ano. Pero sakay na niya ito. The boy was clever. And the kindest person she knew. Kahit si Zach, hindi nakakaalalang bigyan ang magulang niya dahil na rin batid nitong salbahe ang kanyang ama. May katwiran ang nobyo niya na hindi dapat binibigyan ang mga ganoong klaseng ama at sa isang banda, sumasang-ayon siya rito.

"Naalala kong sinabi mo sa akin na dito ka nakatira kaya nagpasama ako kay Mang Satur. Alam kong doon ka magpa-Pasko sa Sta. Teresita at gusto ko mabuksan mo ang regalo ko sa Noche Buena."

Dreams of Passion 3: Nunzio and Isabela (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon