Chapter 2
"Mom, stop it. Please?"
Pinunasan ni Nunzio ang ilong na batid niyang namumula na sa kapipisil doon ng tissue ng kanyang ina. Kailangan daw niyang isinga ang lahat ng laman ng ilong niya, at masakit na ang ulo niya dahil sa sipon. Hindi niya sinasabi ritong masakit na ang ulo niya dahil nais niyang pumasok sa eskuwela. Unang araw ng pasok at bago ang eskuwelahan nilang magkapatid. Kalilipat lang nila sa bagong bahay nila at mas malapit ang bago nilang eskuwelahan doon.
"I think you should just rest, hijo," nababahalang sabi nito. "Baka makahawa ka pa sa mga kaklase mo."
Itinaas niya ang dust mask. "I will wear this."
Tila hindi pa rin ito kumbinsido ngunit tumango na. Bumaba na mula sa silid nito ang kuya niya. Kuyang-kuya ang dating nito dahil mas matangkad ito sa kanya ng ilang pulgada. Kambal sila ngunit mas nauna itong lumaki. Sa katunayan, mukha na itong teenager kahit pareho lang silang eleven years old. Payat na payat din siya, may salamin sa mata, habang ang kapatid niya ay nabiyayaan ng twenty-twenty vision. Life was unfair.
"Did you take your medicines?" tanong ng kanyang ama na dumating na rin, karga ang bunso nilang si Nicci na maliit din para sa edad nitong lima.
"Yes, Papa," tugon niya.
"Let's go then," anang kapatid niya. Kung minsan, aaminin niyang nais niyang maghiwalay sila ng eskuwelahan dahil lalo lang napapansin ng lahat ng kaibahan niya dahil dito. Ang kadalasang reaksiyon ng mga nakakaalam na kambal sila ay "Really?!" na para bang iyon ang pinakaimposibleng bagay sa mundo.
Sumakay na sila sa van na maghahatid sa kanila sa international school na pinapasukan. Pangiti-ngiti ang kapatid niya habang binabasa ang beeper nito. Maraming nagbi-beep dito, samantalang ang beeper niya ay tumutunog lang sa tuwing ipapaalala sa kanya ng kanyang inang inumin na ang baon niyang chocolate milk. Chocolate milk, how he detested anything with milk. Bakit ang kuya niya ay walang baong ganoon? Simple—dahil ayon sa kanilang ina, hindi nito kailangan iyon. "It's what you get for avoiding your vitamins and your milk when you were little," parating sinasabi ng babae.
Totoo iyon. Noong bata siya ay iniluluwa niya ang vitamins niya at hindi rin iniinom ang gatas niya. He hated drinking those stuff. At kapag sleep time na nila, nakikiramdam siya hanggang tulog na ang lahat para magbasa ng libro. Ayaw din niyang kumain ng marami. At heto ang parusa sa kanya, kulang sa taas, kulang sa timbang, malabo pa ang mata.
Nang makarating sila sa eskuwela ay sinalubong na ng mga kaibigan nito ang kapatid niya at kahit na nais nitong sabay silang magtungo sa gym para sa flag raising ceremony ay lumayo na siya sa grupo ng mga ito. Nadarama niyang ayaw sa kanya ng mga kaibigan nito. He did not mind. He did not like them. How could he like a bunch of boys without any idea who Gandalf the Grey was?
Tumuloy na rin siya sa gym bagaman nagtungo sa isang puwesto na malayo sa iba, sa mataas na bahagi ng bleachers. Inilabas niya ang librong paulit-ulit na binabasa—Lord of the Rings. Buhay na buhay siya sa kuwentong iyon, sa isip niya, nasa Shire siya kasama ang mga Hobbit.
Napaangat siya ng tingin nang makarinig ng mga tinig. Isang grupo ng apat na kababaihan ang nasa unahan niya. Tila hindi siya napansin ng mga ito. Batid niyang high school ang mga ito base sa uniporme. Isang babae ang nakatalikod sa kanya at ito ang pinagkukumupulan ng tatlo pa.
"What did he say? Did he say he's breaking up with you?" tanong ng isang magandang babae sa babaeng nakatalikod sa kanya. Makapal ang lipstick nito.
"He didn't say that exactly but I could tell," wika ng babaeng nakatalikod, na base sa garalgal ng tinig ay batid niyang umiiyak. "I know it's because... you know, I'm only me."
BINABASA MO ANG
Dreams of Passion 3: Nunzio and Isabela (COMPLETED)
RomanceCollab with Mandie Lee. Isang kaibigan ang turing ni Isabela kay Nunzio bata pa man sila. Ang lalaki tinaguriang "buntot" niya ng mga kaibigan niya dahil ito ang batang sunod nang sunod saanman siya magtungo. He became her best friend. Through the y...