Natapilok si Isabela habang naglalakad sa hallway patungo sa suite nila ni Nunzio. Mabuway ang mga tuhod niya at mataas pa ang takong ng sapatos. Sa inis ay iniwan na niya ang sapatos sa daan, walang pakialam kahit magmukha siyang brat. Nahihiya siya sa lalaki, idagdag pang talagang pinahihirapan na siya ng takong niya. Kandamadali siyang ipasok ang keycard sa slot niyon ngunit dahil naduduling siya ay naabutan na siya ni Nunzio, bitbit ang mga sapatos niya na agad niyang inagaw dito.
Tumawa ang lalaki. He looked gorgeous when he laughed.
"Stop it," ingos niya.
"You're behaving like a child."
Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na sasabihin nito ang ganoon sa kanya. Hindi na lang siya umimik. Binuksan nito ang pinto, tumuloy na siya sa loob. Dire-diretso siya sa silid niya at nagtungo sa banyo. Tumapat siya sa mainit-init na tubig sa dutsa, nais mawala ang kalasingan niya.
Mayamaya ay nahimasmasan na siya nang kaunti, saka nagtungo sa silid. Sinipat niya ang relo. Alas-onse pa lang ng gabi. Hindi na siya lasing masyado. Gutom na siya. A warm soup would do. Lumabas siya at nakita si Nunzio sa sala, abala sa laptop nito.
"Akala ko tulog ka na?" tanong nito, hindi lumingon.
"Did I behave like a jerk?"
Noon ito lumingon sa kanya, nakangiti. "No. Come."
Agad siyang tumalima at naupo sa tabi nito. Napangiti siya nang makitang ang ginagawa pala nito ay disenyo ng logo ng farm niya. Sinabi niyang nais niyang gawing organic at flower farm iyon na isa ring honeybee farm. Noong minsan siyang umuwi ng Pilipinas ay nakapag-seminar na siya tungkol sa honeybee farming.
"That's very pretty, Nunzio. Thank you."
"You like it?"
"It's perfect." Simpleng cursive lang iyon ng "Isabela's" na sa gilid ay mayroong bubuyog na nakadapo sa isang bulaklak. May lambong ng lungkot sa puso niya ngayong naiisip niya na malalayo siya kay Nunzio. Kunsabagay, noon pa man ay parati na silang magkalayo. Mas nakakalungkot lang malaman na sa pagkakataong iyon ay kapwa sila mananatili sa isang bansa ngunit sa Maynila ito, habang siya naman ay sa probinsiya tutuloy. Mas mainam marahil iyon. Isa pa, ano ang gagawin niya sa Maynila? Gusto niya ay isang simpleng buhay lang.
"Why do you seem sad?"
"I don't know."
"And..." Natigilan ito, nakatingin sa damit niya.
Bigla siyang napatingin sa suot. Isang maxi dress iyon na samu't sari ang kulay, tube sa ibabaw, bagsak ang ilalim at lagpas pa ang haba sa sakong niya. Isa lamang iyong ordinaryong maxi dress kaya't bakit parang natitiglan ang lalaki?
Nailang siya sa gawi ng pagkakatitig nito. "M-may problema ba, Nunzio?"
"Nothing. I... I..."
"What?"
Bumuntong-hininga ito. "This seems crazy but I once dreamt of you wearing that."
Napatingin siyang muli sa suot niya. May isang buwan pa lang niyang nabibili ang dress na iyon at noon lamang niya iyon isinuot. "Talaga?" tanong niya na tinguan nito. "Tell me about it."
Hindi nakaligtas sa kanya ang pamumula ng pisngi nito. "It's not important."
"Tell me about it," giit niya.
Umiling ito, iniba ang usapan. "I will make a smaller version of this for your receipts and other printed materials that you will need, okay?"
Napilitan siyang tumango, bagaman palaisipan sa kanya ang tungkol sa nabanggit nitong panaginip. Posible nga bang mapanaginipan nito ang damit niyang iyon na noon lang nito nakita? Baka naman kamukha lang niyon. Hindi na rin niya iginiit sa lalaki ang lahat. Nagpataas siya ng mainit na sabaw at mayamaya pa ay nagsasalo na sila ng lalaki. Soup and fruits. It was an odd combination but light enough for how late it was.
"You look very pretty in that dress, Isabela."
Bigla siyang nag-blush. "Really? I look old, I know."
"You will look old if you don't stop with that."
Umirap siya. "Prangka ka rin, 'no?"
Ang lakas ng tawa nito. "I've known you for a very long time and what I love most about you is your confidence. I loved you more because..." Unti-unting nabura ang ngiti nito, marahil ay naunawaan ang lumabas sa mga labi.
Ang tibok ng puso niya ay halos sumabog na sa kanyang tainga. Love. He loved her. At ngayon ay pulang-pula ang mukha nito, malinaw na indikasyong mayroon itong nasabing hindi nito dapat sabihin. Kung inaasahan nitong mapahiya siya ay nagkakamali ito. She beamed. Para bang biglang umaliwalas ang paligid. Para bang nag-awitan ang mga anghel sa langit.
Nunzio loved her.
Well, she knew it!
Tumayo ito. "It's time to sleep, Isabela. I've already booked a flight for us the day after tomorrow. We better rest—"
"Coward."
Hindi ito umimik, nanatili lang sa kinatatayuan nito, nakatitig sa counter. Tumayo siya at kinalabit ito sa likod. Marahan itong pumihit upang harapin siya. "I didn't mean it that way."
"How did you mean it then?" hamon niya.
"You're my friend. I don't see you as... you know."
"You're not attracted to me?"
"I... I... What kind of a question is that?"
"You don't think I'm beautiful?"
"You are beautiful."
"You think I'm gorgeous?"
"Stop playing, Isabela—"
"Kiss me."
"What?"
"You heard me. Kiss me, Nunzio."
Pumihit ito ngunit hinawakan niya ito sa braso. And just like that he turned to face her and put his arms around her. He pulled her close and kissed her lips. She was taken by surprise. Hindi dahil sa pagkabigla sa pangyayari, kundi sa init ng mga labi nito sa mga labi niya. The man can kiss, and can kiss well. God, this was the stuff that dreams were made of. This kiss. His lips. His scent.
Para ba siyang nalunod sa mga labi nito, at isa iyong uri ng pagkalunod kung saan ayaw na niyang umahon pa. Her knees felt weak. He tasted like strawberries and cream, almonds and honey. And he was kissing her as if he had been waiting a lifetime for their lips to touch.
Napakabanayad man ng halik nito ay may lakip iyong pananabik na nadama niya sa bawat paggalaw ng mga labi nito. Soon, his tongue teased hers. May namuong kiliti sa gulugod niya. Hinapit siya nito. It was as if he wanted her to feel how aroused he was. His throbbing hardness was pressing against her thighs. She felt an intense rush, a sudden burst of flame from within her. It enveloped her... and made her feel velvety down there.
Later, she would wonder why she asked him to kiss her. Sa ngayon, ang tanging nangingibabaw na dahilan ay isang marubdob na pagnanais na matikman ang mga labi nito. She remembered the last time she felt something similar—when love was new and she was young.
BINABASA MO ANG
Dreams of Passion 3: Nunzio and Isabela (COMPLETED)
RomanceCollab with Mandie Lee. Isang kaibigan ang turing ni Isabela kay Nunzio bata pa man sila. Ang lalaki tinaguriang "buntot" niya ng mga kaibigan niya dahil ito ang batang sunod nang sunod saanman siya magtungo. He became her best friend. Through the y...