"HOW ARE you, brother?"
Tiningnan ni Nunzio ang kakambal. Mukhang masaya ito, malayo sa estado nito ilang linggo na ang nakakaraan. Noong una ay duda rin siya sa babaeng nais nitong makasama, isang babaeng nagpanggap na asawa nito—isang komplikadong istorya, ngunit madaling magpatawad, lalo na at nakikita niyang masaya ito.
"I'm great. You?"
"Never better. Listen, can we talk?"
Tumango siya, bagaman bahagyang nagtaka. Ang totoo ay hindi niya inaasahang makikita niya ang kakambal sa bahay ng kanilang mga magulang. Pinatawag lang siya ng kanyang ina, ang sabi ay ayusin niya ang computer nito. Hindi siya nagduda dahil kahit anong tungkol sa computer, siya ang unang tinatawagan ng matandang walang alam doon.
Nagtungo silang magkapatid sa likod-bahay kung saan naroon ang swimming pool. May kawaksing nagsilbi sa kanila ng maiinom.
"Hindi ko pa nababati sina Mama," aniya rito.
"She's busy talking to Nicci," tukoy nito sa bunsong kapatid nila. "What's up?"
Kumunot na ang noo niya. "What's up with what?"
"Your life. Got a new girl, I heard."
"What else did you hear?" Hindi na niya nagugustuhan ang tono ng usapan. Hindi tipikal sa kapatid niyang magtanong ng tungkol sa ganoong bagay.
Nagkibit ito ng balikat. "Well, it seems you're going out with Isabela. After all this time, brother?"
Hindi siya umimik. Nais niyang malaman kung ano ang punto nito. Nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Isn't she with that Zach guy? Nakakabalita pa rin ako kung minsan sa mga dating kakilala sa school."
"They're no longer together."
"Yeah? Dinig ko parang matagal din sila. Listen, I heard a lot of things and to be perfectly honest, I'm worried about you. I know they recently broke up. I don't want you to be in a rebound relationship, Nunzio. Besides, I heard that Meredith is a sweet girl. Why settle for Isabela when you can have Meredith?"
"I think that's none of your business," diretsong wika niya na mukhang hindi nito ininda. Kilala siya nito. Tahimik siya ngunit hindi siya masyadong marunong maglagay ng padding sa mga sinasabi niya.
"It is if it concerns you, brother. Think about what I said." Tinapik nito ang balikat niya at tumalikod na rin. Naiwan siya doong nagtataka kung bakit biglang naging ganoon ang usapan nilang magkuya. Papatayo na siya nang makita niya si Nicci. Bigla itong tumakbo palabas ng bahay at suot ang isang gown ay lumundag sa swimming pool. Bata pa lang ay gawain na nito iyon, dahilan upang ilang ulit na umiyak ang kanilang ina kapag nasisira ang bestida o gown ng kapatid niya.
Lumangoy si Nicci patungo sa gawi niya at umahon. Nakangiti ito. "How are you, Kuya?"
"What did you do that for, Nicci? That's a lovely gown."
Inignora nito ang sinabi niya. May ganoong katangian ito, iyon bang parang hindi naririnig ang sinasabi ng kausap kung minsan. Nicci was strange but she was very capable of taking care of herself. Menopause baby. She was special.
"I know why you're here," anito mayamaya, kinuha ang slice ng cake na isinilbi ng kawaksi sa kanya kanina, saka iyon kinain na para ba iyong hamburger. "Mama asked Kuya Melchiorre to talk to you. Kasi iyong ex mo, Kuya, she was here yesterday."
"Meredith was here?"
"Uh-huh. Umiyak pa nga siya. She stalked your current girlfriend in a social networking site. Sabi niya kay Mama, bigla ka na lang daw nakipag-break at iyon na raw si Isabela ang naging girlfriend mo—na kaka-break lang sa partner niya."
"How the hell did she know that?"
"Nang-stalk nga ng account ni Isabela. Mama and I did the same thing yesterday. Gusto kasi ni Mama ma-confirm ang mga sinabi ni Meredith kaya pinatawag niya ako. Alam mo naman si Mama, walang alam sa internet. Kahit walang picture si Isabela na kasama 'yong Zach, madaling ma-trace iyong Zach. Nandoon ang mga pictures nila ni Isabela. One was taken just a few months ago, in France. It's not hard to put two and two together."
Natural na naisip din niya ang tungkol sa rebound relationship. Sa bahagi niya ay walang problema iyon, hindi niya itinuturing na "meaningful" ang naging kung tutuusin ay isang araw lamang ng relasyon niya kay Meredith. Ngunit si Isabela? Siyempre, dumaan iyon sa isip niya. Ngunit matay man niyang isipin ay mukhang masaya ang babae ngayon, higit na masaya kaysa sa disposisyon nito sa mga taong nakalipas na nakita niya ito.
"I can handle myself, Nicci," aniya.
"I know that."
"What do you think I should do?" tanong niya sa babae, ni sa hinagap ay hindi naisip na hihingi siya ng payo sa isang babaeng naka-gown na humuhulas sa tubig.
"Listen to them, make sure they know you listen to them, but do what you want anyway. It's my mantra."
Bigla siyang napangiti. There was so much wisdom in what the little crazy lady said. "Thank you, Nicci."
Tumayo ito, nag-curtsy, saka nagbalik na papasok ng bahay. Sumunod siya rito at sa loob ay naroon ang kanyang ina, mukhang balisa, pawisan.
"Hijo, have you talked with your Kuya?"
Tumango siya, hinawakan ito sa balikat. "Everything's going to be okay, Mama."
"Are you sure?"
"Yes. Of course. Don't worry yourself over it."
Tila may nais pa itong sabihin ngunit hindi na ipinagpatuloy. Hinagkan niya ito sa pisngi at naglakad na palayo. Nakasalubong niya ang kanyang ama nang papalabas na siya ng bahay. Ngiting-ngiti ang matanda sa kanya.
"Your Mama pestered you?"
"Softly."
Tumawa ang matanda. "You're old enough, that's what I told her."
"Thank you, old man."
Napangiti siya. His father's vote of confidence was enough to make his day. Dalawa na ang kakampi niya sa pamilya, sapat na iyon.
BINABASA MO ANG
Dreams of Passion 3: Nunzio and Isabela (COMPLETED)
RomansaCollab with Mandie Lee. Isang kaibigan ang turing ni Isabela kay Nunzio bata pa man sila. Ang lalaki tinaguriang "buntot" niya ng mga kaibigan niya dahil ito ang batang sunod nang sunod saanman siya magtungo. He became her best friend. Through the y...