"Merci beaucoup, Monsieur de Gaulle." Nakangiti si Isabela sa may-ari ng bakeshop. Suki siya nito, kapitbahay itinuturing sa loob ng kulang dalawang taon niyang paninirahan sa lugar na iyon, ang Provence.
She adored that place. Nasa isang matandang village sila ni Zach kung saan nagawa nitong bumili ng property na ginawa nilang bed and breakfast. It was doing well. Siya ang namamahala roon at ilan lang ang kanilang tauhan. Simpleng-simple ang buhay nila, at sa palagay nila ay iyon ang problema.
Kontento siya sa kinaroroonan nila, bagaman nangungulila sa Pilipinas. Kaya niya iyong tiisin, sa tagal na panahong natiis niya iyon. Ngunit si Zach ang parating tila hindi mapakali, parating tila mayroong hinahanap na hindi nito makita.
Nang mabili nila ang property na iyon ay umandar ang apat na buwan bago iyon naging operational. Madalas silang fully booked, bagaman mayroon lamang pitong silid sa bed and breakfast, mga maliliit na silid na para lamang sa dalawang tao. The place was cozy, rustic, and lovely.
Bahagya pang madilim sa kalsadang mas matanda pa sa kanya. Tumuloy siya sa back entrance Maison de Fleurs, ang bed and breakfast. Nauukitan ang kabuuan ng istraktura ng mga bulaklak kaya iyon ang pangalan noon, house of flowers. Nandoon na ang cook nila na isang local.
Araw-araw magmula nang magbukas sila ay dinadaanan niya ang bagong lutong mga tinapay sa bakeshop at sariwang mga bulaklak para sa bawat silid. Sa kusina at dining area na siya maglalagi hanggang sa matapos ang almusal alas-diyes ng umaga.
Si Zach ay kadalasang hapon na bumababa. Nitong nakaraang limang buwan ay madalas itong magpuyat sa pag-inom ng alak, isang bagay na ikinaiinis niya ngunit hindi niya magawang mapigilan ang lalaki. Malamang, mamaya pa ito gigising dahil nakatulog na siya ay wala pa ito sa silid nila nang nagdaang gabi. Nang magising siya ay wala pa rin ito. Marahil, doon ito nagbabad sa cellar. Lihim siyang napabuntong-hininga.
Alas-dose ng tanghali nang matapos ang gawain niya. Pinuntahan niya ang lalaki sa cellar at wala ito roon. Nagtungo siya sa silid nila at natuklasang wala rin doon ang lalaki. Bigla siyang nag-alala, kapag umaalis ito ay nagpapaalam naman, maliban noong isang linggo na nakatulog pala ito sa isang pub ilang bloke ang layo mula sa kanila at ihinatid ito roon ng may-ari. Magkakakilala ang mga negosyante sa bandang iyon, magkakaibigan.
Tinawagan niya ang mag-ari ng pub para lang malaman na hindi nagtungo roon si Zach nang nagdaang gabi. Kabado na siyang talaga sa puntong iyon. Tinawagan niya ang cellphone ng lalaki ngunit hindi niya ito makontak. Nagbalik siya sa silid at uusisain sana ang laptop nito nang maunawaan niyang wala rin ang laptop sa mini office ng lalaki. Binuksan niya ang aparador para matuklasang wala ang maleta nito roon.
Tulirong bumaba siya at naghanap ng palatandaan sa front desk. Isang envelope ang nakita niyang nakasiksik sa log book. Pangalan niya ang nakasulat sa likod niyon. Nanginginig ang kamay na binuksan niya ang envelope. Ang sulat ay mayroong petsa ng nagdaang araw.
Isa,
By the time you're reading this I'm probably already aboard a plane to New York and from there, I'll be headed to Manila. I wanted to tell you but I feel so ashamed. Isa, I can't do this anymore. I need to come back to my family. I can't live like we have these past years. It's been very hard for me. I have always felt that kind of life is not for me. It's too simple, too quiet. I felt paralyzed.
I guess I should've started a different business. By the time I realized this it was already too late. I have already spent my life savings to buy that place. I have nothing left. And I would never ask for your money. Never.
Alam mong may gusto akong patunayan kina Mommy. Pero nagkamali ako dahil hindi ko pala kayang patunayan na kaya ko. Para akong inutil at unti-unti, hindi ko na kilala ang sarili ko. I was CEO, for god's sake. Now I own a small inn. It was a let down.
I hate goodbyes, Isa, especially if it's saying goodbye to you. I love you. I will always love you. But I can never make you happy. I'm going back to my family.
Please forgive me. If not today then someday.
Zach
PS: I've listed the inn for sale.
Itinupi ni Isabela ang sulat, tulala. Hindi niya matanggap ang nilalaman niyon. Babalik si Zach sa pamilya nito dahil hindi nito kaya ang simpleng buhay, tulad ng kung ano ang mayroon sana sila. Totoo ang sinabi nitong naubos ang savings nito para sa property na iyon. Ang pag-aari sa lugar na iyon ay hindi mura. At kahit higit sa sapat ang kita ng La Maison ay hindi iyon sapat dito. Oo nga naman, sanay itong humawak ng milyones kada transaksiyon. Malayo iyon sa libo kada transaksiyon ng kanilang negosyo.
Ang hindi nito sinabi sa sulat ay simple at masakit: Ipinagpalit ko noon ang pamilya ko sa 'yo pero hindi ko pala kayang magtiyaga sa simpleng buhay. Babalik na ako sa pamilya ko, at dahil ayaw nila sa 'yo, iiwan na kita.
Tulalang naglakad siya pabalik sa silid nila at naupo sa kama. Ni hindi niya magawang umiyak sa labis na pagkabigla. Nag-angat siya ng tingin at nakita ang sarili sa salamin. Magulo ang buhok niya na itinaas lang niya at inipitan ng chopstick sa gitna, bahagyang nangingitim ang palibot ng mata niya—ilang gabi na siyang puyat sa paggawa ng libro ng bed and breakfast. Ang mga labi niya ay tuyot, ang mga buto sa ilalim ng leeg ay nakalitaw. Handa siyang magbanat ng buto para sa ikagaganda ng lugar na iyon. Para sa kinabukasan nila ni Zach.
Stupid, old, ugly.
"Stupid, old, ugly... stupid, old, ugly... stupid... old... very old! Ugly!" singhal niya, palakas nang palakas. Tumayo siya at ibinayo ang kamay sa salamin. Nasugatan siya at bahagyang dumugo ang balat ngunit ininda niya iyon. Tuluy-tuloy siya sa cabinet upang ilagay sa maleta ang ilang damit niya at mga papeles.
Ang lahat ng laman ng kaha de yero ay ibinigay niya sa kusinerang naroon pa, maging sa housekeeper, at sa receptionist. She cancelled the bookings for the rest of the month. Nagbilin siya sa mga itong aalis na siya at kapag umalis na ang huling bisita ay ikandado na ng mga ito ang bed and breakfast.
"Mais, Madame—" wika ng receptionist.
"Monsieur Carigo is coming back. I don't know when but he will be back. Keep the keys."
Wala na siyang ganang magpaliwanag pa. Hindi na niya lilinisin pa ang duming iniwan ni Zach nang higit pa roon. Isang oras makalipas ay sakay na siya ng train patungo sa Paris. Mahaba ang biyahe at hindi pa man ay pagod na pagod na siya. Tinawagan niya si Ashley.
"What's up, girl?"
"Ashley... kill me now," bulong niya.
BINABASA MO ANG
Dreams of Passion 3: Nunzio and Isabela (COMPLETED)
RomanceCollab with Mandie Lee. Isang kaibigan ang turing ni Isabela kay Nunzio bata pa man sila. Ang lalaki tinaguriang "buntot" niya ng mga kaibigan niya dahil ito ang batang sunod nang sunod saanman siya magtungo. He became her best friend. Through the y...