"Get your things and don't ever return! Kapag bumalik ka pa ulit, Zach, hindi na kita tatanggapin!"
"Fine!"
Nakamasid lang si Isabela habang tumaas-baba ang dibdib sa malabis na galit. Dinampot ni Zach ang maleta nito, hindi na nag-abalang kunin ang ilang mga damit nito sa loob ng hotel suite. Inabot niya ang isang kamiseta at ibinato rito.
"You left this, asshole!" singhal niya, nanginginig sa galit.
Inignora siya nito at tuluy-tuloy palabas ng silid. Ibinalagbag niya iyon saka sumandal sa likod. Napahagulgol siyang bigla. Iyak lang siya nang iyak hanggang sa para bang matutumba na siya sa kinaroroonan niya.
Nang ihakbang niya ang mga paa ay natuklasan niyang nanginginig ang mga tuhod niya. Nagawa niyang maupo sa sofa at doon ay muling umiyak. Isa na namang katapusan para sa kanilang dalawa ni Zach. Pang-ilan na ba iyon? Pang-apat?
"Oh, god..." nanghihinang sambit niya.
Mula sa Phnom Penh ay nagtungo siya sa Siem Reap para lang magkita sila ni Zach at mamasyal. Nag-leave siya sa trabaho, mga leave na para lang kay Zach sapagkat nagagawa nitong puntahan siya sa kung saanmang bansa siya naroon, kundi man ay makapag-adjust silang pareho kung saan kombinyente para sa linya ng trabaho niya.
At malalaman niyang sa tingin na naman nito ay "this won't work." Para iyong isang bangungot sa kanya. Mula noon, hanggang ngayon, hindi uubra ang relasyon nila sa opinyon nito. Kahit kailan ay hindi ito nakiusap sa kanya na maghanap ng ibang trabaho o pumirmi sa Pilipinas para rito. Parati na lang hindi ito natutuwa sa sitwasyon at nais na nitong tapusin ang lahat.
Pero napakasakit. Dahil naisip niyang perpekto na ang lahat sa pagkakataong iyon. Ilang ulit niyang sinabi rito na huling pagbabalikan na nila iyon ilang taon na ang nakakaraan, ngunit nagpasya pa rin itong makipaghiwalay sa kanya ngayon. This time, she told him never to return. At sa sandaling iyon, taos sa puso niya iyon. Dahil galit na galit siya. Sumuko ito nang ganoon na lang, na para bang bale-wala rito ang naging relasyon nila sa loob ng nakaraang anim na taon. Like it was something he could just end with a wave of a hand.
She was now twenty-eight. Wala pa siyang nagiging ibang nobyo kundi si Zach lang. At binuo na niyang muli ang mga pangarap nila. It was so painful she wanted to faint. Everything seemed perfect until Zach just casually said that—"This won't work, not anymore."
Noong una ay inakala niyang nagbibiro lang ito, bagaman aminado siyang masagwang biro iyon. For god's sake, she was thinking of maybe settling down in a year or two. Bam! A break up.
"This won't work?!" singhal niya sa kawalan, saka nakakita ng kamiseta ng lalaki na initsa niya sa pader. Damn him! Anim na taon na wala silang naging problema, maliban sa panaka-nakang hindi pagkakasundo ng mga schedule nila at isang malupit na surpresa.
Ang tagal nilang nag-argumento at ang masakit pa ay sinabi nitong ilang taon na nitong naiisip na hindi maaaring magtagal ang ganoong klaseng relasyon. Nahihirapan na rin daw ito. At sa palagay nito ay hindi siya nahihirapan?
Bigla, parang hindi siya makahinga sa silid. Agad niyang tinawagan si Ashley, na ang sabi ay hindi ito makakapunta sa Siem Reap sa pagkakataong iyon dahil nasa America nga pala ito. She then called the only person she knew would listen to her: Nunzio.
"Where are you?" sumisinghot na tanong niya. Nitong nakaraang ilang taon ay nagkakausap naman sila, kadalasan ay minsan kada dalawa-tatlong buwan.
"Are you crying?"
"Sort of. Where are you, Nunzio?"
"Singapore, actually. I have a—"
"Can you fly to Siem Reap right now?"
BINABASA MO ANG
Dreams of Passion 3: Nunzio and Isabela (COMPLETED)
RomanceCollab with Mandie Lee. Isang kaibigan ang turing ni Isabela kay Nunzio bata pa man sila. Ang lalaki tinaguriang "buntot" niya ng mga kaibigan niya dahil ito ang batang sunod nang sunod saanman siya magtungo. He became her best friend. Through the y...