Chapter 14

11.7K 378 17
                                    

"Crap!" sambit ni Isabela nang makitang sumabay sa pagpasok niya sa apartment building ang isang pusa. Bawal sa gusaling iyon ang mga hayop. Hindi siya magkandaugaga sa dami ng bitbit niya, naka-palda pa siya, at hawak ang basa niyang payong na ngayon ay nagsaboy na ng tubig sa sahig. Kapag nakita siya ng superintendent ng gusali ay mapagsasabihan siyang tiyak.

"Here, kitty, kitty," tawag niya sa pusa hanggang sa mapabuga siya. Saan niya dadalhin iyon? Alangan namang ilabas niya gayong malakas ang ulan?

It was a rainy Saturday afternoon in the East Village. Mabuti at nadala niya ang payong kahit walang indikasyon kanina na uulan. Magtatatlong taon na siya sa apartment building na iyon. Silang dalawa ni Zach, bagaman madalas itong umuuwi ng Pilipinas. Tulad na lamang sa pagkakataong iyon. Bukas ng umaga ito darating upang sunduin siya. Lilipat na sila sa France. Mabilis ang desisyon iyon at sumang-ayon siya, sa kabila ng mga tanong niya.

Kinailangan niyang i-cancel ang reservation sa wedding venue nila na nai-book niya anim na buwan na ang nakalilipas. Para iyon sa susunod na taon sana, anim na buwan pa mula sa araw na iyon.

Lumundag sa kanya ang pusa at nabitiwan niya ang payong na dala, gayundin ang mga pinamili niya para sa mabilisan nilang paglisan ni Zach ng New York. Marami pa itong hindi naipapaliwanag sa kanya, bagaman ang sabi nito ay isang emergency ang lahat ng iyon. Saka na raw ito magpapaliwanag. Walang kaso sa kanya dahil dalawang buwan na mula nang mag-resign siya sa trabaho sa travel agency. Ngayon ay full time "wife" siya, kahit hindi pa siya wife.

"You've got your hands full, lady."

Noon lang siya napatingin sa isang panig ng lobby at anong tili niya nang makita si Nunzio. Agad niya itong tinakbo at niyakap. May tatlong taon na rin silang hindi nagkikita ng lalaki. Tatlong taon na rin ang nakakaraan mula nang huli siyang umuwi ng Pilipinas.

"Oh, my god!" bulalas niya. "Hindi ka nagsasabing pupunta ka?!"

"Surprise!"

"It is a surprise! Come, come!"

Ito na ang nagbuhat ng mga paper bag na dala niya, gayundin ng payong. Dinala niya naman ang pusa hanggang sa loob ng apartment. Mamaya na siya magpapaliwanag sa super sakaling makita man siya niyon.

Agad siyang kumuha ng towel para sa sarili habang nagpapaliwanag kay Nunzio. "Suwerte na naabutan mo ako kasi paalis na rin kami sa isang araw. Grabe, Nunzio, anong ang ginagawa mo rito?!"

"May conference ako sa Manhattan, naisipan kong daanan ka. Matagal na tayong hindi nagkikita o nagkakabalitaan. How come you don't log in to your social networking account?"

Napabuga siya. "Pareho kayo ng sinasabi ni Ashley. Alam mo namang hindi ako updated sa technology, nalilito at naduduling ako doon. Besides, people there seem to be from a different era."

One-bedroom at maliit lang ang apartment na iyon, bagaman malaki pa rin kumpara sa ibang New York apartment. Ilang hakbang mula sa sala ay naroon na ang kusina. Ikinuha niya ng maiinom ang lalaki. Sumama ito sa kanya hanggang sa kusina.

"Saan ka pupunta sa isang araw?" tanong ng lalaki.

"France. It's an emergency. 'Wag mong itanong dahil hindi ko pa alam kung bakit naging emergency. It is Zach's emergency, not mine."

"Kumusta kayong dalawa?"

"Fine," tugon niya kahit madalas niyang itanong sa sarili kung kailan kaya maseselyuhan ang engagement nila. Pitong taon na silang engaged ni Zach. At kung kailan nakaplano na ang kasal nila ay saka nga nagkaroon ng problema. Ngayon, kailangan naman nilang lumipat sa France.

May hinala siyang mayroong kinalaman iyon sa katotohanang ayaw sa kanya ng partidos ng lalaki. Kung mayroong isang bagay na hindi nagbago sa nakaraang ilang taon, iyon ay ang katotohanang hindi pa rin siya natatanggap nang buo ng pamilya Carigo. Naipakilala na siya ni Zach sa pamilya nito, natural, at naipakilala na niyang muli nang pormal ang lalaki sa kanyang ina. Ngunit nananatili ang katotohanang malamig ang pagturing sa kanya ng mga Carigo.

Dreams of Passion 3: Nunzio and Isabela (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon