Nunzio gently touched Isabel'as lips. Tumitig ang lalaki doon nang may matinding pangungulila sa mga mata, saka hinagkan si Isabela. Bahagya pumihit si Isabela para umalwan ang puwesto, upang mas mahagkan ng lalaki. Nalunod siya sa mga labing iyon. Pakiramdam niya ay napakatagal niyang naging tanga dahil hindi niya natuklasan noon pa man na nasa harapan na niya ang isang diyamante. Now, somebody else saw the diamond and claimed it was hers.
Sa naisip ay bahagya siyang lumayo rito. Nagtatanong ang tinging ipinukol nito sa kanya, bahagyang nakakunot ang noo.
Nag-iwas siya ng tingin. "I'm... I'm making you a sandwich here. Paano naman ako matatapos kung hahalikan mo ako agad?" Duwag din pala siya, natuklasan niya, para hindi magawang itanong dito ang tungkol kay Meredith.
"Your lips are enough."
Nais niyang itanong ang nobya nito ngunit sadyang hindi niya nagawa. Tinulungan siya nitong gumawa ng kesong puti sandwich na para bang walang anuman ang nangyari, na parang hindi ilang linggo ang nakakaraan ay pinasiklab nila ang hotel suite niya sa Pransya.
Dinala nito ang bandeha ng pagkain at inumin sa porch. Mayroong mesa doon, sa pagitan ng dalawang adirondack chair. Walang imik itong kumain, halatang gutom ito base sa bilis nitong naubos ang sandwich. Napangiti siya.
"Sa 'yo na 'to. Hindi ako gutom," aniya, itinuro ang sandwich na para sa kanya. "Balitaan mo ako. Kumusta ka na ba?"
"You sure?" tanong nito matapos lumunok, inabot ang sandwich niya. Nang tumango siya ay kumagat itong muli, uminom, banayad na pinunsan ang bibig gamit ang puting-puting panyo mula sa bulsa. Sadyang taglay pa rin nito ang katangiang ganoon—banayad, may natural na grace at tila mahiyain. "Wala kang napapansin?" tanong nito.
Saglit siyang natigilan saka biglang napabungisngis. Paanong hindi niya agad nakita na malaki ang ipiangkaiba ng damit at gupit ng buhok nito? Kanina pa niya ito pinagmamasdan pero noon lang niya iyon napansin. Suot man nito ang salamin ay iba na nga ang kabuuan nitong dating.
"You look great!"
Bahagyang tumabingi ang labi nito. "She finally notices."
Tawa siya nang tawa. "Well, for me you have always looked great anyway."
"Really?"
"Yeah! And after the last time I guess I will always see you now as a..." Natigil siya sa pagsasalita nang maunawaan kung ano ang tinutumbok niya. Agad na nag-init ang kanyang mukha, lalo na nang makitang ang ngiti sa mga labi ng lalaki ay naging ngisi. Itinaas nito ang braso, inililis ang manggas ng kamiseta—isang simpleng puting kamiseta na tinernuhan nito ng pantalong maong at kaswal na sapatos, saka pinaigting ang triceps habang iniinom ang juice.
Tawa siya nang tawa kahit ang totoo ay parang nauhaw siyang bigla. Ang paggalaw ng Adam's apple nito, ang kalamnan sa braso nito. Nagbibiro lang ito, batid niya, ngunit bakit parang hindi makaunawa ng joke ang temperatura niyang biglang tumaas? What the hell was wrong with her anyway?
"A what? A super hot stud?" pabirong wika nito, ngiting-ngiti. Those eyes, that smile.
Umingos siya, mabilis ang sasal ng dibdib. Iniba niya ang paksa. "Bakit ba parang gutom na gutom ka? Hindi ka ba pinapakain ng... ng... ng girlfriend mo?"
"I don't have one."
Bigla siyang napatingin dito. "Excuse me?"
"You heard me. I don't have one anymore. There's this beautiful girl I have my eyes on though. She's... she's been taking my breath away since I was eleven. Sa tingin mo kaya gugustuhin niya akong maging boyfriend? Maguwapuhan kaya siya sa akin? Would she discover that I'm a very simple person and decide that she'd die of boredom with me? Ano sa palagay mo?" There was a note of humor and longing in his voice.
BINABASA MO ANG
Dreams of Passion 3: Nunzio and Isabela (COMPLETED)
RomanceCollab with Mandie Lee. Isang kaibigan ang turing ni Isabela kay Nunzio bata pa man sila. Ang lalaki tinaguriang "buntot" niya ng mga kaibigan niya dahil ito ang batang sunod nang sunod saanman siya magtungo. He became her best friend. Through the y...