Chapter 19

11.4K 380 11
                                    

"IS THERE anything wrong?" tanong ni Isabela kay Nunzio. Nasa Bouquinistes sila, mga stall na nagtitinda ng samu't saring babasahin. Namimili siya ng mga iuuwi niya at isasama sa personal library niya at mukhang tulala si Nunzio.

"I saw someone."

"Did you say hello?" aniya.

"Can we just... Come."

Agad siyang napasunod sa mabilis nitong paglalakad kasunod ang isang babae, bagaman tila nagtatago sila dahil pinanatili nila ang distansiya sa pagitan nila at ng babae. Tumuloy ang babaeng iyon sa isang maliit na inn, malayo sa city center. Mayroong café malapit sa inn at doon sila nagtungo ni Nunzio habang abala ito sa paggamit ng makabago nitong cellphone.

"I just have to do this, Isabela. I'll tell you about it later," anito. Bagaman nababaghan ay tumango siya at mayamaya pa ay may kausap na itong tao. She was impressed. Nunzio knew French. Oo nga pala, nag-aral din ito noon. Nang matapos ang tawag ay hinarap siya nito. "That woman is not supposed to be here."

"Sino ba siya?"

"My sister-in-law. Nasa Pilipinas din siya ngayon. It's mind-boggling."

"Melchiorre's wife?"

Tumango ito. Interesting. Ang sabi ni Nunzio ay wala pa itong masyadong alam tungkol sa sitwasyon at nag-hire ito ng isang imbestigador. "Enough about them. How are you feeling today?"

"Great, actually." Totoo iyon sa loob niya. Gabi na kahapon nang magising si Nunzio, habang siya naman ay tila hindi na mauubusan ng ideya. Uuwi na siya ng Pilipinas. Mayroon siyang sariling lupain doon, katabi ng nabili niyang lupain para sa kanyang ina. Mahusay sa negosyo ang napang-asawa ng nanay niya at iyon ang nag-asikaso sa lupain niya. Isa na iyong organic farm at mayroon ding flower farm. Nabanggit niya kay Nunzio kagabi na nais niyang mag-concentrate na lamang doon pag-uwi nila.

Gusto niya ang ginawa niya sa France, ang pagyamanin ang isang lugar. Bagaman ayaw na niya ng pressure ng isang inn, magiging masaya pa rin siyang asikasuhin ang farm niya.

"Zach is going to be there," anito, bahagyang nakakunot ang noo.

"Who cares about a loser like him? Blacklisted siya sa farm."

Bigla itong ngumiti. "Are you sure?"

"Of course! Oh, please don't ruin my day, Nunzio. I don't want to be reminded of that idiot."

Ang lakas ng tawa nito. Matapos magkape ay niyaya niya ito sa isang shopping center. Doon ay siya ang pumili ng bagong mga damit para rito. Pinagbigyan siya nito. Alas-otso ng gabi ay nasa isang restaurant na silang muli, napakaraming paperbag na dala.

"Malapit na ang birthday mo," anito.

Agad na tumirik ang mga mata niya. "Naaalala kong sinabi kong 'wag mong sirain ang araw ko, Nunzio."

"Gabi na, eh."

Napatawa siya sabay ingos, saka nagkibit ng balikat. "Another year, a few more wrinkles."

"Where?"

Itinuro niya ang gilid ng mga mata. Bagaman hindi pa naman kitang-kita ang mga iyon ay mayroon nang ilang mababaw na guhit. Ilang taon pa, magiging opisyal nang wrinkles ang mga iyon.

"Those are laugh lines."

"Ang mga laugh lines ay dapat nandito." Itinuro niya ang isang bahagi ng pisngi. "Ang mga guhit diyan, crow's feet ang tawag."

"I never figured you to be vain."

"I never was until I reached a certain age."

"You will always be beautiful to me, Isabela. You're even more beautiful now than the last time I saw you. Honest."

Dreams of Passion 3: Nunzio and Isabela (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon