Chapter 32

21.4K 512 51
                                    

NUNZIO'S kiss was overwhelming Isabela. Natuklasan niyang labis pala siyang nangulila sa mga labing iyon. How dare the man not kiss her or show his face to her for a whole week?!

Nang maghiwalay ang mga labi nila ay habol niya ang paghinga, ngunit agad din niyang naalala ang sitwasyon at naaalangan siyang tumingin dito. "This means?"

"That you have the most wonderful lips in the world, the sweetest too." Ngiting-ngiti ito.

"Nunzio, this is seriously not the time to beat around the bush—"

"I believe you."

Napasinghap siya, saka biglang napaiyak sabay yakap dito. "Akala ko hindi mo na ako paniniwalaan. Kailan tayo magpapa-polygraph?"

Umalog ang balikat nito. "No need for that."

Tumingin siya rito. "Pero sabi mo hindi ka naniniwala—"

"I believe you now."

"How come?"

"Ayaw mong maniwala ako?"

"Gusto pero gusto ko one hundred percent sure."

"All right then, we'll do the test tomorrow."

Agad siyang tumango. Totoo ang sinabi niya ritong handa siyang mag-polygraph test. At kapag napatunayan na niyang hindi siya nagsisinungaling, humanda ito. Mukhang ayaw na nitong mag-usap pa sila dahil niyaya siya nitong kumain sa ibaba. Nandoon pa rin ang ina nito na bigla ay parang botong-boto sa kanya. Naalala niya ang kakatwang sinabi ng matanda at tinandaang itatanong niya iyon kay Nunzio matapos ang hapunan.

Ngunit hindi na niya iyon nagawa pa. Nagpaalam si Nunzio na aasikasuhin lang daw ang lie detector testing na gagawin kinabukasan. Aminado siya, medyo masakit, pero naisip niyang para siyang tanga na siya ang nag-suggest tapos masasaktan siya.

Pinilit niyang makatulog agad sa gabing iyon. Baka sa pagod ay pumalya pa ang test results. Kinabukasan, alas-tres na ng hapon ay hindi pa sila umaalis ni Nunzio. Gabi pa raw sila maa-accommodate ng kakilala nito. The man was awfully quiet. Nakikiramdam ba ito? Kinakabahan sa maaaring maging resulta ng test? Bueno, ihanda na nito ang ngiti dahil hindi niya ibabagsak ang test na iyon.

Alas-siete ng gabi ay lumakad na sila. Akala niya ay sa NBI sila tutungo kaya nabigla siya nang makitang humimpil ang sasakyan nila sa isang hotel.

"Dito gagawin?" takang tanong niya.

"Yes. You remember this place?"

Napangiti siya. "Of course. Our prom date, how could I forget? Pero bakit dito?"

"Hindi ko rin alam. Sinabi lang niya."

Napatango na lang siya. Pumasok sila sa hotel at nagtungo sa isang bulwagan niyon, sa bulwagan kung saan din mismo ginanap ang prom niya ilang taon na ang nakakaraan. Mayroong namuong kaba sa sikmura niya. Mayroong malapad na entablado sa unahan at limang maliliit at bilog na mesa.

"Nunzio—"

"Oh, I better ask what's going on," anito, nagtungo sa entablado kung saan mayroong isang mic stand.

Nang makarating ang binata sa entablado ay biglang dumilim ang paligid. And then a band suddenly played. Hindi niya makita kung nasaan ang banda. Ngunit bago pa siya makapagtamuli, ginamit ni Nunzio ang mikropono. Napaluha na siya, sapagkat tandang-tanda niya ang kantang iyon, pinatugtog sa prom niya na hindi nila nagawang tapusing isayaw.

"Unforgettable, that's what you are. Unforgettable, though near or far. Just like a song of love that clings to me, how the thought of you does things to me. Never before has someone been more... unforgettable in every way. And forevermore, that's how you'll stay. That's why, darling, it's incredible that someone so unforgettable thinks that I am unforgettable too."

Dreams of Passion 3: Nunzio and Isabela (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon