Chapter 12

12.1K 393 13
                                    


MAGKAKASUNOD ang naging paglunok ni Nunzio. Alam niyang nagkamali siya ng sinabi. Hindi niya iyon intensiyon. Sa tagal at sa dami ng eksenang binuo niya sa isip niya tungkol sa pagtatapat niya, hinding-hindi niya na-imagine ang ganito. Napakabilis, walang introduction, climax na agad.

At lalo na siyang pinanghinaan ng loob nang makitang tila hindi malaman ng babae kung ano ang sasabihin nito. Nais niyang magalit sa sarili. Ngayon tuloy ay parang nahihirapan ang babae na makitungo sa kanya. Hindi na ito makatingin sa kanya at bigla ay tila interesanteng-interesante para rito ang tasa ng kape.

Tensiyunado ang mga sumunod na sandali. Hindi niya alam kung paano babawiin ang mga salita bagaman totoo iyon. Totoong-totoo. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag dito, hindi niya alam kung maniniwala ito. Lalong hindi niya alam kung iisipin nitong nasa matino ba siyang pag-iisip.

For god's sake, he met this woman when he was elevan years old! Sa tuwing maaalala niya ang mga panahon na nakaraan kung kailan para siyang isang tangang batang sunod nang sunod dito, ipinagdadala ito ng baon sa araw-araw kahit na uhugin pa siya, ay parang nangliliit siya. Gayunman, wala siya ni isang pagkakataong naalala kung saan parang nainis sa kanya ang babaeng ito.

Mula noon hanggang ngayon, magaan at maalwan ang pakitungo nito sa kanya.

Na sinira niya sa pagtatapat nang basta-basta.

Ni hindi niya naisip itanong kung baka may asawa na ito, bagaman kanina pa niya napansin na wala itong suot na wedding ring. She was now twenty-five years old, while he was twenty. No girlfriend since birth, a certified nerd. He had a MENSA certificate to prove that.

She was a woman of the world, so sophisticated—always had been but even more so now. Marahil isa ito sa mga taong isinilang sa maling pamilya. She was like Coco Chanel... She was... she was everything he had always wanted, and he knew that even before he knew what wanting was.

He was an idiot at eleven, an idiot still at twenty. Walang diskarte, 'ika nga. At paano siya matututo ng diskarte kung wala siyang karanasan doon? Mas nais niyang magbasa ng libro kaysa ang makipagkilala sa mga kababaihan. Ang libro ay walang pressure na hatid sa kanya, ang mga babae ay mayroon.

Isa pa, parati niyang hinahanap-hanap si Isabela. Para bang sa tuwina ay maaaring makita niya ito. Iyon ang dahilan kung bakit sinadya niyang ibahin ang eating habits niya noong kolehiyo. At nang mapansin nito ang mga taba sa katawan niya, nagkaroon siya ng napakatinding inspirasyong siksikan ng kalamnan ang katawan niya.

At ngayon, marahil isang baliw ang tingin nito sa kanya. Obsessive. Sinong babae ang makakaisip na normal siyang mag-isip kung ilang taon sila nitong hindi nagkikita pero sinabi niya ritong ito ang dahilan kung bakit pinatino niya ang pisikal niyang hugis?

Para siyang pinipitpit at bigla ay pawis na pawis siya. Kanina ay natuwa siyang nakaayos siya sa gabing iyon. He had Nicci, his sister, to thank for that. Pinagupitan siya nito ng buhok, ipinili ng matinong coat sa utos ng kanilang ina. Ngunit anumang tikas niya sa kasuotan ay winasak niya sa pagtatapat kay Isabela sa ganoong paraan.

Why? Why the hell did he lose his brain?

"Nunzio—"

"It was a joke," agaw niya.

Mayroong kumdlit sa puso niya nang makitang para bang nakahinga nang maluwag ang babae. Ngumiti na ito. Ganoon lang pala kabilis ay maniniwala ito sa kanyang biro lang ang lahat. Ngunti kailangan niyang magpanggap na ayos lang ang lahat, hindi niya wawasaking muli ang pagkakataong ito.

"I knew it!" anito. "So who is your inspiration?"

"Some girl."

"Some girl?" Nanglaki ang mga mata nito. "Must be an awesome girl. So, who is she? Do tell. Nae-excite ako sa mga kuwento mo, Nunzio."

Dreams of Passion 3: Nunzio and Isabela (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon