Chapter 24

11.9K 388 7
                                    

"I think that went pretty well."

Hagalpak ng tawa ni Isabela sa tinuran ni Nunzio. Sumama ang lalaki sa kanya sa Pampanga, kung saan kinausap niya ang supplier ng pugo. Sinabi niyang sa Tiyong Pancho na lang niya siya magpapasama ngunit iginiit ng binata na ito na ang sasama sa kanya.

Ang inquiry niya ay nauwi sa isang mini-seminar. Ang maghapon nila ay naubos sa pakikinig sa impormasyon tungkol sa quail raising. Kanina pa siya natatawa sa sitwasyon, gayundin kay Nunzio. In fairness, mukhang totoong interesado ito sa pugo business niya, kung hindi man ay sadyang mahusay itong makibagay. Natatawa siya dahil ito marahil ang huling taong maiisip niyang magkakainteres sa bagay na iyon. Ang mundo nito ay umiikot sa teknolohiya. Alam din niyang ang hilig nito ay robotics. Malayo iyon sa pugo.

"O, bakit? Totoo naman. Next week na ide-deliver ang mga kulungan. I think the deal went well, actually. May talent kang makipagtawaran. Pero bakit ka natatawa sa akin? What's up?"

"Eh, kasi natatawa ako sa 'yo noong tinatanong mo kung ano ang pinaka-effective na gamiting database sa pag-iimbentaryo. Eh, di ba itlog ng pugo naman ang ii-inventory?"

"That was a perfectly logical question."

"Mano-mano lang, ano ka ba? Hndi ka puwede sa agriculture."

"How about you?"

"Hay naku, lumaki ako sa probinsiya at bata pa lang ako, marami nang inuuwing pangsabong ang tatay ko. Nag-alaga rin ng baboy ang nanay noon. Eh, ikaw? Bata ka pa, hatid-sundo ka na ng driver. I'm surprised you drive your own car," tudyo niya rito.

"Bihira akong umalis ng bahay kaya hindi ko kailangan ng driver. Teka, sa tingin mo hindi ako papasa sa agri business?"

"Interesado ka?" patuloy niyang panunudyo. Hindi mahirap mailarawang-diwa ang binata na naka-maong, tagaktak ang pawis sa matipong katawan at tumutungga ng pang-macho na energy drink habang nagsasalansaln ng mga troso. Gayunman, pang-commercial lang ang ganoong imahe at hindi niya ito makita sa isip niya na may dalang balde ng patuka ng pugo at nangongolekta ng itlog niyon. Napahagikgik siyang muli.

"Why are you laughing?" anito.

Natigilan siya dahil mukhang sadyang na-offend ito. Aniya pagdaka, "You really are interested in this, aren't you?"

"Of course! What, you think I won't be interested in your business, which I will be helping you with?" Nagtaas ito ng balikat. "We're in for the long haul, Isabela. If you think this is only a casual thing, you have another thing coming. Ang tagal mong nakawala sa akin at ngayong dumating na ang pagkakataon ko, asahan mong hindi kita pakakawalan."

It was too much. There was too much joy in her heart that she couldn't breathe for a while.

"Nunzio... Have you really been waiting for me that long?" sambit niya, nag-iinit ang mga mata. Biglang nanikip ang dibdib niya sa tinuran nito. Bihira silang magkuwentuhan tungkol sa naging damdamin nito noon. Ang pinag-uusapan nila madalas ay ang hinaharap—ang negosyo niya, ang negosyo nito, kung kailan sila magkikita ulit, kung kailan tutungo sa Maynila at iba pang mga katulad ng bagay.

"I've always dreamed of you. Of taking care of you. Of making you happy. Pero naisip kong kung hindi magiging masaya sa akin, hindi iyon ang laban ko. Parang torture na rin 'yon—na magkasama tayo pero malungkot ka pala. Are you happy with me, Isabela?"

"Very, very unbelievably happy, Nunzio," matapat niyang wika.

"Well then we'll be together forever. It's as simple as that."

Isa iyong pangakong inaasahan niyang hindi nito kailanman sisirain. At base sa intesidad ng pagkakatitig nito ay halos tiyak niyang mayroong seguridad sa mga salita nito.

Dreams of Passion 3: Nunzio and Isabela (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon