Prologue

50 0 0
                                    


April 15, 2019

Paano na nga ba ang buhay kapag nawalan ng taong minamahal? Syempre patuloy pa din kahit may kulang. Kailangan pa din maging masaya dahil kung nabubuhay man siya ayaw niya ng puro problema o kalungkutan na mararamdaman sa loob ng bahay.


I've never thought I'm going to be this brave kahit wala na si mama. Kailangan namin siyang i-let go kasi nahihirapan na siya. She wanted freedom. Bakit namin ipagkakait yon? Naging mabuti siyang ina saamin. Ginawa niya ang lahat. Para maging masaya naman siya kailangan namin tanggapin na uuwi na siya sa tahanan ni Lord.


Mahirap dahil halos maubos na ang aming pera sa gastos. Isang OFW lang naman kasi ang papa ko at hanggang ngayon hindi pa din siya nakakabalik. Kaya kailangan kong tanggapin ang ini-aalok ni Mommy Tina. Kaibigan siya nina mama na sobrang yaman. May gustong makipag merge sa kanilang company at ito ay ang mga Perez, mayayamang tao din sila. Makikipag merge lang daw sila mommy sa kanila kapag naipakasal ako sa bunsong anak ng mga Perez.


Bumyahe pa dito si Mommy Tina sa pobinsya para makausap ako, taga-Manila kasi sila pati nadin yung mapapangasawa ko, kinukumbinsi nila ako na magpakasal sa bunsong anak ng mga Perez. Kailangan ko din kasing isipin ang kalagayan ni papa kasi mahina na ito.


Ang mga Tan ay parehong mga Chinese at ang mga Perez ay Pilipina at Americano.


"Sige po, pumapayag na po ako. Pero sa isang kondisyon mommy."


"Ano iyon?" tanong niya.


"Kayo na po magpapatapos sa pag-aaral ng kapatid ko at ako po, tatapusin lang po ang Grade 12 at magpapakasal na po at mag-wowork na po sa company ninyo at ng mga Perez"


"Deal, Ms. Summer Whitney Cruz, soon to be Mrs. Perez"

Summer Engagement (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon