Nakauwi kami kanina ng 5 PM na. Wala nang nangyaring maganda saaming dalawa ni James nang matapos yung pinapanood namin. Walang kibuan hanggang sa makapunta kami sa kotse at hanggang ngayon. Wala naman akong balak din talaga siyang kibuin. Kung ikakasal edi ikasal. Wala naman silang binanggit na kailangan naming mag-ibigan diba? Hindi naman ata counted yun?
Matapos kumain kanina ng dinner agad akong umakyat sa kwarto ko. Si auntie at papa na daw ang bahala sa pinagkainan kaya diretso ako dito. Yung kapatid ko pumunta na din ng kwarto niya. Kasama niya si auntie natutulog. Ako naman solo ko itong kwartong ito at si papa naman solo niya din yung kwarto nila ni mama. Yung mga bisita naman sa guest room.
Di naman kasi kami masyadong mayaman at hindi din masyadong mahirap. Katamtaman lang. Nakapagpatayo ang mga magulang ko ng malaking bahay na may 5 kwarto. Dalawang guest room. Wala naman din kaming katulong dito. Kami kami lang. Sayang naman kasi ng pera. Para na din matuto kami ng kapatid ko sa gawaing bahay. Hindi naman pwedeng umasa lang kami sa mga katulong.
Nag-babasa ako sa GC naming Siopao Squad nang makarinig ako ng ingay sa labas ng kwarto. Nakita ko na lang na binuksan nina mommy yung pinto at itinulak papasok si James.
Nanlaki ang mata ko kasi kaming dalawa lang sa kwarto. Pinihit niya ang doorknob at sinubukang buksan yung pinto pero mukhang naka lock kasi may lock sa labas ng kwarto ko.
"Ahmm? Bakit ka nandito?" tanong ko
Tumingin siya saakin at napa buntong hininga siya sa inis. "They wanted me to sleep here with you."
"Ah? Ha? Ano?"
"Are you deaf? You heard it. Don't make me say it again."
Aba't ang sungit talaga.
Napakibit balikat na lang ako. Pumunta siya sa study table ko at doon ko lang napansin na dala-dala niya pala yung laptop niya. Nilapag niya ito sa study table ko at nag-start siyang mag-basa doon sa screen ng laptop niya. Pinabayaan ko na lang siya at nag basa na lang ako sa GC namin.
"Here. Instead of going out on Saturday and have a bonding with your ahh friends. Study this" iniabot niya saakin ang sandamakmak na mga papel
Binasa ko ito. Tungkol sa company nila.
"You should know our business since you'll be my future wife. You should know how the business works and who are those people who negotiate on our company. Study it. I'll be asking you some questions about our company next time when we meet."
Eh? O-kay? Pero teka.
"Did you just say going out on Saturday with my friends? Pano mo 'yon nalaman? Oh! Your reading my messages when we're in the car! Ba't ka nambabasa ng mga messages ko sa phone, bawal iyon ah!"
"Sa lahat ng sinabi ko ang natandaan mo ay going out? And for your information hindi bawal ang pag-basa ko sa mga messages mo sa phone because hello? your my fiance. Imbes na mag hang out ka sa friends mo you should have an advance study dahil mag-ggrade 12 ka na and study our business dahil mag-mamana tayo ng malaking kompanya pag hindi na kaya nina daddy. I don't want this company to be a blur pag-tayo na ang humawak."
"Okay. Pag-aaralan ko na ito but having an advance study. Pwedeng hindi muna? Grabe naman kasi it's my vacation. Marami pa namang panahon--"
"No. I want you to study. I don't want to have a loser wife"
What the hell?
What's happening? Is this the end of my freedom?
Para matahimik siya pinag-aralan ko na lang yung binigay niya saakin. Nanahimik na lang ako kahit naiiyak na ako. Ayoko nang sinasabihan ako na mag-advance aral ako. Ayokong may nangingialam sa mga decision ko. Pero anong magagawa ko? Nakatali na pala ako dito sa mokong na'to.
9 PM na nang napagdesisyonan kong matulog na. Si James babad pa din sa laptop niya. Nilapag ko yung binigay niya saakin na mga papel sa study table katabi ng laptop niya.
Gusto kong sumama sa swimming kaso baka mapagalitan nanaman ako nito. Hayst.
Napabuntong hininga na lang ako at bumalik na sa kama. Humiga na ako doon at nag-isip ulit. Haay magiging masaya sila sa swimming. Masaya sila sa vacation nila. Habang ako, babad sa mga papel at libro. Napabuntong hininga na lang ako.
"What?" tumingin si James sa'kin
"Ha?" naguluhan naman agad ako kasi nag-tatanong ba siya saakin. May kausap ba 'to sa phone? Pero di niya naman hawak phone niya.
"You keep on sighing. Naka lima ka nang buntong hininga. What's your problem? Nakakairita. I can't focus on my work." tiningnan niya akong masama at bumaling ulit siya sa laptop niya
"Kasi..." sasabihin ko ba?
"Ano..."
"Hmm. Wag na lang"
Pumikit na lang ako. Itutulog ko na lang 'to.
"Tell me"
"Hey"
Tumingin ako sa gawi niya. Nakatingin siya ng masama saakin. Tsk. Sasabihin ko ba?
Hmm. Bahala na nga.
Umupo ako ng ayos. "Eh kasi. I wanted to go sa swim--"
"No" sabay baling niya ulit sa laptop niya
Oh diba?
"Gagawin ko naman yung sinabi mo. Last lang na swimming kasama sila. Tapos no connection na. Mag-aaral na akong mabuti. Dito lang ako sa bahay buong hapon at pag-aaralan yung business ng family mo. Please? Payagan mo na ako. I promise you na aabutin ko yung grade na 95 para high honor ako" nag-smile ako nang malawak sa kanya
Napatingin siya saakin pero naka-smirk na siya ngayon at natatawa. "Fine, pinapayagan na kita, make sure that you'll have an average of 95 this school year. If you failed to keep your promise hmm, no freedom for you. You'll just work and work and work, walang aayaw " ngumiti siya saakin at bumaling na uli sa laptop niya.
Seryoso ba siya?
"T-teka!"
"Hep! I already said yes. Keep your promise. This conversation ends here. Goodluck. Study hard."
BINABASA MO ANG
Summer Engagement (Completed)
RomanceSummer is my life. I love the heat of the sun but I guess it will all ends this year 2019. I've never been this sad in my entire life but what can I do? Everything must be kept on track. I need to bring it back even though she's never coming back. P...