"I know you Summer. I know you very well"
3 months na ang nakalipas nang malaman ko na sila na. Kilalang kilala mo nga ako Kath. Si Kath kasi kaibigan ko na since elementary pa kaya malamang sa malamang kilala niya na talaga ako. Nagkakasundo kami ni Kath sa mga bagay-bagay na puro katarantaduhan. Ganun din ang mga kaibigan kong Siopao.
Inabala ko na lang yung sarili ko sa mga gawain para hindi ako masyadong masaktan. Napaka engot naman kasi pumili nitong puso ko. Gusto ko na muna sanang mag-pahinga sa lahat. Gusto kong umalis ng bahay at pumunta sa ibang lugar.
Pwedeng pwede kasi Saturday ngayon. Dapat rest day ko.
Eh wala eh. Tambak ako ng mga gawain sa school at trabaho. Oo! Nag-sesend na ng email saakin si James na gawin ko daw ito. I-check ko daw ito. Tsk!
HINDI KO NA ALAM KUNG ANONG UUNAHIN KO!
Gumawa ako ng gc dahil may mini task na pinapagawa saamin. Pag-kagawa ko nag-type agad ako sa kanila kung ano yung mga dapat nilang i-search. Sinabi ko na may gagawin pa akong importante kaya dapat matapos na namin ito ngayon.
Puro 'haha' lang yung natanggap ko sa kanila. Meron din na 'sige Summer, mamaya gagawin ko'. Sana lang gawin nila. Jusko nakakapagod ang ginagawa ko. Ako lang yung nag-aasikaso sa grupo. Buti sana kung kagrupo ko si Kath. Tapos agad namin ito eh kaso hindi kami pinalad.
Matapos kong gawin yung mini task namin tinuon ko naman din yung pansin ko sa email na sinend ni James. Sales report ito ng isa sa nag-ttrabaho sa company nila. Binasa ko naman ito kung maayos ba yung resulta ng pag-benta nila.
Nasakalagitnaan ako ng pag-babasa ng biglang may kumatok sa pinto.
Tiningnan ko yung orasan ko. 11 am na pala. Siguro kakain na.
"Auntie tatapusin ko lang po yung binabasa ko. Baba na po ako pagkatapos nito!" sigaw ko para marinig sa labas. Tinuon ko agad sa laptop yung atensyon ko. Kumuha naman din ako ng calculator para masiguro na tama ang total na inilagay dito.
"Wow! Isang workaholic din" nabigla naman ako sa nag-salita sa likod ko
"Blaze!?"
"Hi. Pumunta ako dito para makipag kwentuhan sana. Boring sa Manila eh kaya binisita kita kaso..." tumingin siya sa ginagawa ko
"Busy ka" patuloy niya
"Oo nga haha." sagot ko na lang
"Ano ba iyan?" tanong naman niya at binasa yung nasa laptop ko
"Sales report? Nag-ttrabaho ka na? Hindi ba mahirap? Ako na ii-stress sa'yo!" umupo siya sa kama ko at tumingin sa akin na may pag-aalala
"Kaya naman kung makikipag-cooperate yung mga kagrupo ko sa mga projects na binibigay saamin. Kaya naman eh atyaka hindi naman ako yung mismong gumagawa ng sales report. Ako yung taga-check kung maayos ba o hindi yung sales every month" sabi ko
BINABASA MO ANG
Summer Engagement (Completed)
RomanceSummer is my life. I love the heat of the sun but I guess it will all ends this year 2019. I've never been this sad in my entire life but what can I do? Everything must be kept on track. I need to bring it back even though she's never coming back. P...